Give Me a Reason to Live
http://www.wattpad.com/story/1129873-give-me-a-reason-to-live wattpad link
http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou
Jessie's body is in comma while her soul is searching for a reason for her to have her life back. Kailangan nyang gawin yun bago ang unang patak ng ulan. At kailangang makakuha sya ng dahilan sa isang taong nagngangalang Geoff na balak pa yata syang ipasok sa mental.
By: EijeiMeyou
-author’s notes are included.
-tinamad akong magedit
-sorry for the typos
-tinamad ule akong magedit
-all rights reserved
-i-plagiarize nyo tong story ko at maghahabulan tayo kahit sa kadulu-duluhan ng impyerno
-kahit nasayo na tong copy, bisitahin mo pa rin ako sa wattpad at ng makapagiwan ka ng kahit “K” na comment lang. Di naman siguro nakakatamad na gawain yun noh?
+++
[GIVE ME A REASON TO LIVE]
Jessie’s POV (point of view)
“Uwaa! asan ako? Bat ako nandito? Grabe to! Bat ganito ang suot ko? Ang pangit ng pagkakaputi ha, puting puti talaga tapos ang haba ng tabas! Di bagay sa kin, di makita shape ng katawan ko--- pero, asan nga ba ako? Err! Okay na po, gag show ba to? May camera? Di man lang ako nakapaghanda! Sosyal din ang fog effect ha, labas na po kayo, yuhoo!” Bakit walang sumasagot sa kin? Nakakasilaw na rin yung puting ilaw ha, walang hanggan ba tong daan na may makapal na puting usok na to? Buti sana kung may dumaan na kahit tricycle man lang at makikisakay ako.
“Ahy oo nga eh, grabe ang pagkamatay ni Michael Jackson noh? Nakapasok na ba sya? Di man lang natin nakadaupang palad bago sya pumasok! Di man lang natin nasilayan!”
“Pati nga si Whitney eh, nakita ko sya pero di man lang ako nakapagpa-autograph! Andami kasing nakiusyoso noon e!”
Ayan, may tao akong narinig... nag-uusap... masundan nga ang mga boses at makapagtanong sa kanila. Nakakita ako ng dalawang babae, isang matangkad na payat at isang maliit na mataba... ang pinagtatakahan ko lang, bakit pare pareho kami ng damit? Pare pareho ba kami ng pinagbilhan? Eh, matanong na nga lang mamaya..
“Ahm, excuse me po…”
Napatingin sila pareho sa kin, “bakit?” sabay pa nilang tanong sa kin. Duet pa talaga.
“Bago na naman, pang-ilan na ba sya?” sabi ng matabang babae.
“Ahy ewan, andami na kasi, ilan na kaya ang nakapasok noh?” sagot naman dito ng payat na babae, para lang akong hindi nag-e-exist doon.
“Eherm… tanong ko lang po sana kung nasan po ako?” kinuha ko na pansin nila dahil balak pa sana nilang magchismisan ulit.
“Nasa langit ka na,hija, pero hindi pa mismo sa kaharian, nasa boundary ka pa lamang ng buhay sa lupa at buhay sa langit,” paliwanag ng matabang babae.
Naka-drugs ba sila? Ano to, mental? Tapos yung damit nila, uniform? Buhay sa lupa at buhay sa langit? Ayos! Pero Di naman ako baliw a!
“Mare, di yata naniniwala eh,” sabi ng payat na babae, “hija, dumiretso ka na lang kung di ka naniniwala, si Peter na lang kausapin mo sa bagay na yan kung di ka naniniwala sa min. Oh mare, ano na, maganda ba si Whitney?”
Tinalikuran ko na sila. Baliw yata ang mga tao rito e. hirap nyan at wala akong matandaan kung bakit ako naroon. Dumiretso nga ako at nakakita ako ng pila sa harap ng napakataas na kulay gintong gate na may nakasulat na “Welcome to Heaven”… gag show nga to! Pero nakipila pa rin ako para makita ko kung sino yung nagpapapasok at masapak ko nga minsan. May booth pa kasi roon.
“Roger Mayamanako, 35, dalawa asawa, anim ang anak , business man, Chinese,” narinig kong salaysay nung lalakeng may hairband na pabilog sa ulo na nakahawak ng makapal na makapal na libro. Mas makapal pa sa pinakamakapal na dictionary, “anong dala mo?”
“Yung bahay ko at dalawang Ferrari,” sagot ng lalakeng nagngangalang Roger.
“Bawal ang ganyan sa loob, akin na ang susi. Pasensya na pero wala ka na ring pag-asang makabalik sa lupa. Sa kabilang pila ka na. Sunod!” baliwan ba talaga dito? Anong usapan yun?
Umalis na yung lalakeng Roger at umusad uli ang linya, “Lizel Cademic? Ah, bawal ka dito, hija, sa kabila ka. Di ka kasi nagsisimba tapos wala ka na ring chance makababa sa lupa, next!”
Umusad na naman ang linya… at na naman… at na naman… ako na!
“Jessica ‘Jessie’ Antonio… 23, single, ulila na, pero may isang kapatid, oh, bakit ka nandito? Dapat nasa lupa ka pa ah? May pag-asa ka pa,” tumingin sya sa kin. Jessica ‘Jessie’ Antonio pala ang pagalan ko? Ayos ah, kering keri, para talaga syang seryoso. Humagalpak na ako ng tawa. “Bakit ka tumatawa?”
“Nakakatawa naman talaga e! tama na haha! Asan ang camera? Joke to di ba?” tawa lang ako ng tawa. Umiling iling sya sa kin. Baliw talaga tong mga to.
“Anghel!” sigaw nya, bigla namang may lumitaw na lalake na may hawak pang baston, hanep sa magic trick a! “Ikaw muna rito at may ipapakita lang ako sa isa rito, ikaw naman, sumunod ka sakin,” tukoy nya sa kin. Sumunod na lang ako habang pinipilit na wag tumawa.
Nagpunta kami sa isang kwarto na puro puti, “grabe kayo ha, talagang nageffort pa kayo sa pagpipintura ng puti?” puna ko.
“Upo ka at manood,” nakaupo na ito. May tv at sofa pa ha? Astig talaga! Bigla ba yung nag-appear kanina habang pinupuna ko yung kwarto?
“Anong showing?” tanong ko. Naupo na rin ako.
“Manood ka na lang.”
“Ako yun ah!” bigla kasing nakita ko yung imahe ko sa screen.
“Ikaw nga yan habang papasok sa trabaho, nagtratrabaho ka sa isang fast food chain,” kwento nya.
Nangunot noo ko, “eh sino yung lalakeng umakbay sa kin?”
“Ayan? Boyfriend mo yan, si Jimmy, katrabaho mo, isang buwan na relasyon nyo.”
Wow!may boyfriend pala ako? Sa screen, pumapasok daw kami sa fast food chain, nagtrabaho, trabaho at umuwi na raw kami, sabay kaming umuwi ni Jimmy, nakaakbay sya sa kin, tapos nung nasa madilim na parte na raw kami ng daan, bigla akong pinigilan ni Jimmy sa braso,
“Ohy! Foul na yan ah!” bulalas ko.
“Makinig tsaka manood ka na lang.”
“Jessie, wag ka ng umangal, wala namang tao rito e,at di pa tayo naghalikan mula ng maging tayo,” sabi ni Jimmy sa pinapanood naming. Nagngitngit naman ang kalooban ko, parang gusto kong ilabas sa screen yung Jimmy na yun at sakal sakalin.
“Wag, Jim. W-wag,” angal ko daw dun. Pumapalag sa pagkakahawak ni Jimmy, pinipilit nya akong halikan kaya tinuhod ko sya sa pribadong parte nya.
“Ayown! Nakita mo, ha? Galing ko noh?!” pagyayabang ko sa katabi kong nanonood.
“Hayan, panoorin mo yan at sabihin mo sa kin na magaling ka.”
“Jessie! Bumalik ka!” umaaringking sa sakit si Jimmy, hawak ang tinuhod kong parte nya. tinakbuhan ko naman sya, nakarating na kami sa highway, takbo lang ako ng takbo para makatakas sa manyak na iyon, sa pagtakbo ko, di ako tumitingin sa left and right side ko…. Tapos may malakas na ‘bbbeeeeeeepppp’ mula sa kung saan, liningon ko yun…. ‘bbooogshhh’ tumilapon ako… duguan ang ulo…
“The end….galing mo di ba?” panunukso pa sa kin ng katabi ko, iuntog ko to sa tv e.
“Bat ganun? Totoo ba yun? Bat wala akong maalala?”
“Nung nagtravel ka kasi papunta rito, naiwan mo yung alaala mo sa katawan mo na kasalukuyang nasa ospital ngayon. Sosyal ka ha? Nasa private room ka pa, dapat pasalamat ka sa mga charities na tumutulong sa yo if ever na mabuhay ka.”
Ha? Ano daw? So, totoo tong nangyayari sa kin ngayon? Aahhh! “Asan na si Jimmy ngayon?”
“Nasa kulungan, syempre.. oh di ba… ano, naniniwala ka na ngayon?” kumakain pa sya ng popcorn.
Tumago lang ako ng bahagya, “teka, san mo nakuha yang popcorn? Wala ka namang ganyan kanina ah!”
“Heaven to tol, hehe, gusto mo?”
Umiling ako, “panu yung sinasabi mong makakabalik pa ako sa lupa? Yan ba yung dapat gumawa ako ng mabuti? O yung humanap ako ng nagmamahal ng totoo sa kin? Hehe, napanood ko yung mga yun eh…”
“Asa ka pa. hindi noh, dapat , makapagbigay ka ng dahilan kung bakit dapat ka pang mabuhay… kuha mo?”
“Yun lang pala e, asan ba ang kapatid ko?”
“Ehehe, di to madali oy, wala ng madali sa panahong ngayon…dapat, sa mga taong hindi mo kakilala…”
“Sus, kaya ko yan”
“Ehehe, hindi rin, iilan lang makakakita sayo…” nanlaki mga mata ko, paano ako makakapagbigay ng dahilan na nararapat ako sa lupa kung di naman nila ako nakikita? Baliw talaga ang mga to e! “bang! I got you.” Tumawa pa sya, “sige na, tayo na ryan, masyado ka ng abuso sa sofa ko, ibababa na kita sa lupa,” tumayo na sya kaya tumayo na rin ako,..
“Eh, pano to? Sino ka ba?”
“Tandaan mo lang to, matatapos na ang misyon mo sa unang patak ng ulan sa mayo, ano ba ngayon? Ah, tamang tama, marso kwatro pa lang sa lupa ngayon, makakaya mo yan.. hehe… at ang unang taong buhay na makakakita sa yo ang syang taong dapat mong hingian ng dahilan kung bakit ka dapat bumalik sa lupa… dapat sabihin nya mismo sa yo….o sa katawan mo..go lang , Jessie!”
“Waah! Iiyak na ko! Sino ka ba?” bumuka na yung ulap na sahig na akala ko kanina ay sahig lang na may fog.. nakita ko sa ibaba yung mundo.. mundo na pinaglagian ko ng ilang taon…
“Ako si Peter, don’t worry, aalalayan kita, okay? Pero pag di mo nagawa yung misyon, ba-bye earth ka na…”
“Aaaaahhhhhhhhh!” pagkatapos ng sinabing iyon ni peter ay bigla na lang ako nahulog sa butas… huwaw! Di ako nasaktan sa pagbagsak ko a? oy, nasaan ako?
Lumingon ako sa likuran ko dahil pansin kong nagkakaroon ng komosyon... “Wow! may artista ba?”
“Excuse me, excuse me!” halos sumigaw na ako pero parang wala silang naririni-------oo nga pala...di nga pala nila ako nakikita! yuhoo! pero teka...bat di ko sila mahawakan? astig! para na akong mamoo nito a! sumingit ako sa karamihan ng tao... napanganga pa ako ng makita ang sinisigawan nila... “Ang gwapo shet! Ang pogi!”
‘I love you , Geoff!’
“Ahy, Geoff pala ha!”
Isang lalake na napapalibutan ng madaming guards ang bumaba sa magarang kotse.. sosyal nya ha! pumasok na sila sa loob ng gusali... hindi na nakapasok ang mga tao kasi agad din na sinarhan ang glass door.. wala na ring guards ang lalakeng nagngangalang 'Geoff', tanging isang babae na lang at isang lalake na tagabuhat nya ng gamit...
“Wah! Whatever! papasok ako, di naman nila ako nakikita ee!” pumasok na nga ako, lumusot lang ako sa pinto. Astig talaga..
lahat ng mga nagtatrabaho sa kompanya ay ngiting ngiti kay Geoff..umakyat sila sa hagdan, sumunod naman ako... waah! bakit di sila nag-elevator! okay lang, di naman ako napapagod e! I’m immortal!
nakarating na ako sa isang kwarto na walang katao tao, marahil opisina iyon, mag-isa na lang si Geoff dun, asan na kaya yung dalawa nyang kasama kanina?
tumambay lang ako sa may pinto... hay.... then unti unti syang tumingala....sa kin??????
“Anong ginagawa mo rito, miss? Alam mo bang bawal ang fans?”
Lingon sa likod, Jessie, sa kanan, sa kaliwa...eeee! wala namang tao ah!
“Miss, di ako nakikipaglokohan sa yo, kaw ang tinutukoy ko kaya wag ka ng lumingon.” nawawalan na ata sya ng pasensya... ako nga ito tinutukoy nya.
“Eh? ako ba kinakausap mo?” tinuro ko pa sarili ko..
“Sino ba sa akala mo eh ikaw lang naman at ako ang narito? ano ba, miss? anong ginagawa mo rito?” tumayo na sya mula sa swivel chair nya.
“Nakikita mo ba talaga ako??” lumapit pa ako sa kanya at ikinaway kaway yung kamay ko sa harapan nya.
“Ano ba sa akala mo, miss? Invisible ka? At itigil mo nga yan!” hinawakan nya ang kamay ko para itigil yun... HINAWAKAN NYA ANG KAMAY KO! NAHAWAKAN NYA AKO!
“At ang unang taong buhay na makakakita sa yo ang syang taong dapat mong hingian ng dahilan kung bakit ka dapat bumalik sa lupa…” biglang tumunog sa ulo ko yung sinabi ni Peter kanina sakin bago nya ko bingsak sa lupa.
“Ah! ikaw nga! haha! Salamat naman at natagpuan uli kita! Yippee!” tumalon talon pa ako sa harapan nya..
“Umalis ka na, miss kung hindi, tatawag na ako ng guard para palabasin ka,” kunot noong pinagmamasdan nya ako.. para tuloy akong baliw...
“Mapapagod ka lang, Geoff-------“
“Kilala mo ako?”
“Narinig ko lang kanina sa labas, hehe, sikat ka ata eh! Ahm, ano, isa talaga akong tao.. well, tao naman talaga ako pero galing ako sa langit... pero hindi anghel.. may misyon ako, ikaw makakatulong sa kin! Yeeee! nahanap kita! Woohooo!” paikot ikot pa ako habang tumatalon..
“GUARD!!!!!!!!”
+++
[HE’s THE ONE]
Jessie's POV
"GUARD!!"
Nagulat pa ako sa sigaw nya... "Ayh bahala ka!"
May pumasok na dalawang guard doon, "Bakit , sir?"
"Ilabas nyo nga ang babaeng yan!" sigaw ni Geoff, sabay turo sa kanya. nag-tounge out ako sa mga guards, tapos tumingin ako kay Geoff at sya naman ang binelatan ko.
"Sir? Sino pong babae?" naguluhan pa yong mga guards.di alam kng saan hahanapin 'yung babae' na sinasabi ni Geoff.
"Ayan! Di ba ninyo nakikita? argh! mga walang silbi!" galit na yata sya..
"Haha! Sabi ko naman kasi sayo e, di ka pa naniwala! Paalisin mo na yan, kawawa naman oh... Namumula na sila." humagalpak pa ako ng tawa at napaupo na ako sa sahig...
"Ahh! Di ba ninyo sya nakikita oh?! Nakaupo na siya sa sahig!"
"Aba’t tinuturo pa ako! Haha! Mukha ka ng baliw oh!" tumawa na naman ako, ..
"Sir, wala po talaga eh, wala naman pa kayong kasama rito... sir, wag mong sabihing may third eye ka, wag kang ganyan , sir."
"Grabe tong mga guards mo ha, third eye daw? antatanda na e! haha!" tumayo na ako at tumabi sa mga nahihintakutang mga guards, "gusto mong makita na nagsasabi ako ng totoo sa yo? heto, panoorin mo ako..." tatawa tawang nagsimula akong sumayaw paikot sa mga guards, "teach me how to douggie teach me teach me how to douggie teach me how to douggie teach me teach me how to douggie---------"
"Oo na! tama na!" napabuga ng hangin si Geoff pagkatapos nyang pigilan ako sa pagsayaw..
"Sir? Ano po yun, sir?"
"Ahh wala, sabi ko umalis na kayo.. sorry.."
Umalis na nga yung mga guards,..
"What do you need? Oh please tell me and be gone!" naupo na uli sya sa swivel chair nya habang minamasahe yung noo nya...
Huminga muna ako ng malalim, "hmm, kelangan ko ng tulong mo bro. pwede mo---------"
"Jessie, nakalimutan kong sabihin sayo na hindi mo dapat sabihin sa kanya ng diretso ang misyon mo, bigyan mo lang sya ng clues..... " boses yun ng magaling na si Peter..
"Ano?" wala na atang pasensya tong gwapong nilalang na kaharap ko ngayon.
"Ah basta, dapat magsama muna tayo. Di ako pwedeng umalis sa tabi mo, okay?" okay na ba yung palusot ko? hehe, langyang Peter kasi yan.
"What?!" dumagundong na naman ang boses nya, “ni hindi nga kita kilala!”
"Okay, chilax, di ako bingi, okay? Ako si ‘Jessie’. Basta ‘Jessie’ na lang.. pag natulungan mo ako sa misyon ko, mabubuhay uli ako.. kaya pwede, friends? hihi"
Natampal na lang nya yung noo nya... mahabang katahimikan...
"Tito G!!!!!!!!!!"
matinis na boses ng batang babae mula sa labas ng opisina.
"Mukhang may bisita ka ah? Ayos." sabi ko, pumasok na yung batang babae.. ang cute.. mukhang 5 years old pa lang sya. may dora the explorer pa syang back pack
nakita kong awtomatikong ngumiti si Geoff, "Come to tito, Eunice... where's yaya?"
"Outside... hmmm..." tumingin sa gawi ko yung bata ..kahit alam kong di nya ko makikita, kumaway pa rin ako.. haha.. feeling close lang ako.. gulat ako nang................
gumanti ng kaway yung bata?!
"Tito, may visitor kang pretty girl??" tanong nya sa tito nya.
"Nakikita mo ko? Panu nangyari yun?!" tumingala ako, "Peter! Andami mong utang sa kin! bakit ako nakikita ng batang to?!"
"Hehe, peace, nakalimutan kong sabihin sayo na nakikita ka rin ng mga taong walang kasalanan... kaya hayan.."
Si Peter talaga oo.
"You can see her, Eunice?" tanong ni Geoff sa bata habang buhat buhat nya ito.
"Yes, she's very pretty! Who's she? Girlfriend mo po? Break na kayo ni Miss Angelie? Yehey!"
Agad akong lumapit sa mag-tiyo, "Baby girl, secret lang natin to ha? Kunwari , di mo ko nakikita pag may ibang tao, ha? Hehe, di ako jowakers nitong tito mo, abnormal sya---aray! bat ka naman nambabatok?"
"Kung anu anong sinasabi mo sa bata.tss. Eunice, dont tell this to Tita Angelie, okay?"
"No way! She's not my tita, I like her---" sabay turo sa kin "----to be my tita. What's your name po?"
"Ah ako? Hehe, Jessie..."
"Yey! May Tita Jessie na ako!"
***
Jessie's POV
"Oh Geoff, san ka na punta?" tanong ko kay Geoff, matagal ng nakauwi si Eunice pagkatapos nyang makipaglaro sa kin, napag-alaman ko sa bata na may syota na pala si Geoff, sya nga yung Angelie, masungit daw yun at maarte daw.
"Uuwi na,san pa?"
"Ah. Sama ako! Hehe, may wheels ba tayo? Asan ??"
Sumakay na kami sa elevator kasama yung babae at lalake na kasama kanina ni Geoff pagpasok sa building . "Hoy lalake, asan yung wheels natin? Kainis! Sumagot ka naman!"
"Tumigil ka nga!" bulyaw sa kin ni Geoff, takang napatingin naman sa kanya yung mga kasama namin sa elevator.
WWahaha. Oo nga pala, di nga pala ako nakikita ng mga to.
"Sorry po, sir," sabay pang sagot ng babae na nagngangalang Steph at lalake na si Ronald. Wahaha, sinalo nila kasalanan ko. Masama naman ang tingin sa kin ni Geoff.
"Sosyal ka talaga! ang ganda ng kotse ah!" sabi ko habang hinahaplos haplos ung kotse ni Geoff na nasa harap na ng building, umupo na ko sa loob, linagpasan ko lang yung pinto. "Hanep ang aircon, uy! May touchscreen pa sa loob, ano to? Ah, tv pala, astig men!"
"Parang bata,tss," bulong niya sa kin. Di ko sya pinansin.
Tumahimik na lang ako habang hinahaplos ang upuan ng kotse, anlambot kasi eh.
Pagdating namin sa bahay ni Geoff, laglag pa ang panga ko, sobrang laki kasi.
"Anyaman pre! Wala ka bang kasama rito?" ilang beses ko na atang tinanong yun sa kanya pero di pa nya ako sinagot. Wala na rin yung mga alalay nya...
"Tatlo lang kami rito, isang all-around maid na stay-in at yong driver...wala na. Okay na? Ang kulit mo," sagot nya sa kin habang paakyat kami sa hagdan,
"Ang sungit mo naman," nagsimula akong kumanta, "ngiti lang, maaayos din yan, ngiti lang... ^_^"
"Di mo ba alam yung salitang "tumahimik ka"?"
"Di mo rin ba alam yung salitang "ngumiti ka nga"?" Tinulak ko pa sya dahilan para lalo syang magngitngit sa kin. "Peace???" Di pa rin sya ngumiti... ginaya ko yung reaksyon ng mukha nya, para na syang si Hitler (yung autocratic leader ng isang bansa noon) dahil sa face expression nya..
Pumasok na sya sa isang kwarto at di pa man ako nakakapasok ay bigla na lang nyang isinara yung pinto.. "Abat?! akala mo ha!" linagpasan ko yung pinto, nagulat naman sya eh nagtatanggal na pala sya ng slacks nya.... "Eeehhhh???? He-he-he"
"ano ba?!maliligo ako, sasama ka??!!!" napatigil pa siya sa ginagawa.
"Andami mong sinabi para sabihin lang naman na ‘labas!’ di ba??" tumalikod na ako at lumabas sa pinto... "Akala mo naman kabuso-boso yung katawan... haler! Mas maganda pang bosohan yung lasenggo sa kanto noh kesa tignan ang katawan nung lalakeng yan... hmp! kamag-anak pa ata ni lucifer! che!" bubulong bulong na sabi ko.. kaloka talaga yung lalakeng yun, akala mo kung sino.
"Honey! Are you home?"
Aba? May bisita na naman? English spokening dollar ha! Makita nga----
"San ka pupunta? Wag kang magkakamaling manggulo kung ayaw mong di kita tulungan sa problema mo!" hinawakan ni Geoff yung kamay ko.
Umingos ako, "Ulol! Girlfriend mo noh? Rara titignan lang naman ee, at di naman nya ko makikita ee. Promise, di ako magiging makulit.." sabay taas ng kanang kamay.
Marahas lang syang nagpakawala ng hangin bago bumaba... sumunod ako sa kanya... agad syang niyakap ng babae.. "Ahy, yan na si Angelie? Eh di naman pala kagandahan pre! Tanggalin mo lang make-up nyan, naku, talbog sya sa alindog ko!"
Palihim akong pinagbantaan ng tingin ni Geoff, iginiya nya ang babae na maupo sa sala. EEe! Ampayat talaga! Yung tipong di na sya matangkad kung wala na yung heels nya..
"nagpromise akong di magiging makulit pero di natin napagkasunduan na di ako magsasalita at kakanta.. hehe.. ano bang pwedeng kantahin???" nag-isip ako, nakaupo rin ako sa armrest ng sofa na kinauupuan ni Angelie... "Ako...ay pilipino! Ako... ay pilipino .. taas noo.....! Kahit kanino! Ang pilipino ay.... Ako!"
"You know what , honey, dad told me that we should marry soon! Isn’t it great?!" masayang kwento ni Angelie, pansin ko na sa bawat pagtili ng babae ay napapangiwi si Geoff na ikinatatawa ko..
"Haha! Itatali ka na! Hala ka! Ano bang bagay na kanta sa yo? Sa inyo ng babaeng heels na to??" pang-aasar ko pa sa kaniYa..
Nakita ko yung pagturo ng daliri ni Geoff sa kin pero nakatutok ang mga mata sa babaeng kaharap, "Angel, its too early for us to get married. wala pa tayong isang buwan na mag-on and youre talking bout marriage? Oh my, I guess I gAve you wrong expectations... I’m sorry.."
"What?! you mean youre breaking up with me?!" tumayo yung babae, hinagilap yung fresh flowers na nasa flower vase at ibinuhos iyon sa ulo ni Geoff, "that’s right! You dont know who I am!"
"Ahy nagwalk out? Poise na poise pa rin ha?" sabi ko... nag-walk out na kasi si AngelInE, tulala naman ang basang-basa na si Geoff... "Oh, bat ka nagwiwi sa pantalon mo? Haha.. para kang bata!"
"Shut the hell up!"
"Nagwalk out rin???? Pikon!" pahabol na sigaw ko kasi tinalikuran na rin nya ako... "Ewan ko sa inyong dalawa!"
Di ko na sya sinundan, baka makakita na naman ako ng PG18 sa kwarto nya... Lumipas ang tatlumpong minuto pero di pa rin sya lumalabas.. Kanina ko pa nakikita na pabalik-balik yung katulong nya... Eerrr.. Kung bakit ba kasi walang matinong makausap sa bahay na yun...
Isang oras...
naging isang oras at tatlumpong minuto...
"Ano ba pre!? Labas ka naman jan??! Oh pedeng ako na lang umakyat jan?! Yuhoo! Wag kang KJ! Parang kumanta lang naman ako ng Ako Ay Pilipino ee!"
Wala pa ring sumagot sa kin kaya nagpasya na akong umakyat...
"Ahy tulog??? Ssshhhh Jessie, wag kang maingay.. Natutulog si Hitler the second..."
Pinanood ko sya habang tulog... para syang anghel ... parang bata na di marunong magsalita ng "What?!" at "Tama na!"
"Hoy Jessie! Matutunaw na yan ah! Hehe..."
"Ahy chismoso ka Peter! Wag ka sabi maingay eh!"
"Di nya ko maririnig pero ikaw, dinig na dinig kaya wag ikaw ang wag maingay! Nga pala, di ka nagugutom, bumabaho, naaantok, nasasaktan at napapagod kaya wala ka ng problema.... okay noh?"
"Panu naman tong damit ko???"
"Mapapalitan yan everyday... pero bayaran mo sa kin.. Pag nabuhay ka, bayaran mo sa kin, isang libo isang attire! Hehe, jowks!"
"Ulol ka, Peter... hehe.. Sa dinami rami ba naman ng pagbabagsakan mo sakin, bat sa harap pa ng gusaling pinagtatrabahuan ng malaking bruho na to??"
"Aba malay.. kapalaran mo yan kaya wag kang OA... Sige na at may ginagawa pa ako, later na lang!"
Loko loko talaga yung Peter na yun, may saltik pa ata sa ulo.. ahh, hayaan ko na nga lang, tutal nakilala ko si Geoff...
"Hay, Geoff..." sabay haplos sa buhok nya... soft ha, talo pa ata ang hair ko...
"Don’t touch my hair, magugulo, umalis ka nga..!"
"Huwat?! Di ko hinahawakan aH! Sinasabunutan nga kita e!" sabay sabunot sa buhok nya, "Para magising ka, gabi na oh! Kain na.."
Lumabas na ko... ano bang ginawa ko??? Errr... parang tanga lang, Jessie e.
+++
[THAT GIRL]
Geoff's POV
Pagkatapos kong tanggapin sya sa bahay ko, ito pa ang gagawin nya sa kin?! Sasabunutan ako!? Yung babaeng yun talaga! Nakakainis talaga! Inaantok talaga ako kasi pagod ako sa trabaho---ahh, trabaho... napahiya pa pala ako sa trabaho kanina dahil na naman sa babaeng yun! Err, totoo pala na may mga taong nasa langit na pero pinabalik sa lupa? Di kapani-paniwala talaga! Parang ang sarap itali ng babaeng yun at patalsikin sa planetang earth!
Bri-neak ko pa si Angelie para matulungan lang sya, ano bang pumasok sa isip ko at pumayag ako sa sinabi nya? Ahy ewan!
Argh. Makababa na nga... Nakita ko syang nakaupo sa harap ng long table, natatakam ata sya sa nakahanda doon...
"Bat di ka kumain?" tanong ko, sana nga lang at wala yung kasama ko sa bahay at natutulog na, si Marie, baka isipin pa nya na nababaliw na ako.
"Hello mamang malaki?! Kaluluwa nga ako di ba?! San naman pupunta ang kakainin ko kung saka sakali?! Di ko nga mahawakan ang kutsara oh... oh... Nangiinis ka pa yata e!"
Talaga ngang di niya mahawakan ang kutsara.
"Eh bakit nahahawakan kita? At nahahawakan mo ako??" kumuha na ko ng pagkain ko.
"Kasi nga po, ikaw ang nakatakda na makatulong sa kin, sus, businessman na naturingan, walang utak!"
Yun pa ang isa sa kinaiinisan ko sa kanya, masyado syang pilosopo.. May naisip ako... "di ka makakain noh???"
"Hindi nga eh! Di makaintindi, pre?!"
"Mainggit ka! Ang sarap ng soup! wow! hmm.. Ang sarap sarap talaga..."
Bigla bigla ay tumatawa na naman siya... ano ba?!
"Ahm...ehermmm..sir??? He-he, salamat naman po, sir at nasarapan kayo sa luto ko..."
Takte! Si Marie! Unti unti akong napalingon at hiyang hiya na napatingin sa katulong ko.. "Di ba dapat tulog ka na??"
"Opo dapat, sir.. Akala ko kasi may bisita kayo kasi nagsasalita po kayo mag-isa.." parang sya pa nga ang nahihiya ee :/
"Sige na, ako na bahala dito..." umalis na nga sya.
"Ayan kasi, andali ng karma mo... hehe... masarap pala ha?? Haha... Si Geoff na matapang at masungit, napapahiya rin?? Oyy! Nagba-blush sya!" tukso ni Jessie sa kin pag-alis ng katulong.
"Tumigil ka jan."
"Eh nakakatawa ka naman kasi! Bwahaha!"
Panu ko ba mapapatigil ang isang ito?! Nakakainis.. Andami pa nyang sinabing nakapang-aasar sa kin pero di ko sya pinansin... Bahala siya sa buhay niya---este---sa kaluluwa niya.
Pagkatapos kong mailigpit ang pinagkainan ko, umakyat na ako sa kwarto ko...
♪♪♪"There’s a fire starting im my heart
reaching a fever pitch its bringing me out the dark
finally i can see you crystal clear
go 'head and sell me out and ill lay your ship bare
see how i leave with every piece of you"♪♪♪
Ayan na naman...kumakanta na naman sya.. pero maganda ang boses nya... yung totoo..
"Tumigil ka nga! Boses palaka ka na eh!" sabi ko sa kanya... She pouts. "Para kang tanga, tumigil ka na nga. Matutulog na ako."
Pagpasok ko sa kwarto, sumunod sya. Nahiga ako, sumunod na naman sya,.
"Nang-aasar ka ba?"
"Masyado bang halata?? Hehe, ngumiti ka naman kasi! Shungit shungit mo naman kasi e! ^_^"
Kumunot noo ko, ano ba to? Parang gusto ko na ring ngumiti, kahit ang mga magulang ko ay di ako masabihan na ngumiti kung talagang ayaw ko, eh etong babaeng to, ayaw kung ngumiti pero parang gusto kong sumunod.. Ah ewan ko!
"Pareho kayo ni Eunice, ang kulit!" pinisil ko ang pisngi nya.
Gumanti sya, "Aray ha! Nagrosy cheeks tuloy ako!"
"Ouch! Hmp." Tumalikod na ako at pumikit... Naramdaman kong pi-no-poke nya ang likuran ko, "matulog ka na lang."
"Kaluluwa po ako, di inaantok!" kinatok nya ang ulo ko.
"sh*t! tigil sabi eh!"
"Bad words bad words...! Hmpf. Ako si takuri, pandak at mataba.... heto ang hawakan at heto ang buhusan.... kumukulo kulo...kulo kulo kulo............"
Patuloy lang sya sa pagkanta na naging dahilan kaya nakatulog ako agad agad.
***
Jessie's POV
"The monster is sleeping like a baby.. Kumanta lang ako ng 'ako si takuri', tulog agad? hehe... Matignan nga kung maglalaway sya pag tulog..." lumipat ako sa other side ng kama ni Geoff, grabe, tulog na tulog talaga sya.. kahit yata hulugan ko ng atomic bomb sa tabi nya eh di sya magigising.
"Yuhoo, Jessie!"
"Peter..." pabulong na sabi ko.. "bat di ka matulog? gabi na ah?"
"Loka, bat ako matutulog eh non-stop tong trabaho ko? Wala tong holiday o break!"
"Bat nakakausap pa kita pag ganun? At wag kang hysterical, para nagtatanong lang e, highblood ka naman agad."
"Hehe, wag kang maingay, tumakas lang ako... o musta?"
"Ahy? Nag-usap lang tayo kanina di ba?"
"Baliw. Oh, wag mong gahasain yang si Geoff, kawawa naman, walang kamalay malay na pinagpapantasyahan mo..."
"Ehh? Tinitignan ko lang kung maglalaway sya mamaya para naman may pang-asar ako bukas..." tinitigan ko pa ng mabuti ang medyo nakaawang na labi ni Geoff, "ilan na kayang babae ang nahalikan nito---- ahy, ano ba yan, kung anu ano na tuloy ang sinasabi ko..."
"Gaga! Bahala ka na muna jan at may aasikasuhin pa ako rito... nga pala, yung kapatid mo, iniiyakan na naman katawan mo, maawa ka dun kaya kumilos ka na bago ka maglandi jan!"
Tumahimik na uli... hay ang kapatid ko.. Ang naaalala ko lang, babae sya, Mylene ang pangalan.. Err, matanong nga kay Peter kung saang ospital nakalagay ang katawan ko... Maganda pa kaya ako kahit may kung anu anong nakakabit sa kin??? Wahaha.
10pm na... ah, matagal na oras pa iintayin ko bago magising tong higanteng to... makapaglakad-lakad nga muna sa ibaba...
Bumaba ako, ang rangya talaga ng bahay.. Naglalakihang pictures...
Andun pa nga yung family picture nina Geoff, dalawa pala silang magkapatid.. syempre, yung nanay ni Eunice yung isa... Kamukha nung bata yung babae sa picture eh..
Pero asan yung mga magulang nila? Hehe, mag-i-interview ako! Kanino? kay Geoff? Hindi, lulunukin lang ako ng buo nuN...
Si Eunice!
Hehe.. tama, sa ngayon, iipunin ko muna sa ulo ko ang tatanungin ko sa bata once na magkita kami, makabalik na nga lang sa taas.. Babantayan ko si Geoff..
Isang oras...
Dalawang oras....
Tatlong oras... Wah!!!!!! 1am pa lang! Bat ambagal ng orasan..
Tumambay na naman ako sa harap ni Geoff.. tingin tingin.. Haplos sa pisngi, parang ang soft... Hindi... soft talaga.... ahh, yung labi nya...kissable talag-------
"eherm!"
"Oo na po, eto na, aalis na, di ba? Mauupo sa isang bahagi di ba?"
Nagmartsa ako papunta sa sofa sa gilid. "Buti naman at nagkakaliwanagan tayo, Jessie."
"Che!" pakelamero din pala si Peter... kainis..
Waiting.................. waiting............
Hayan, 6am na ng umaga... Magigising na rin sana tong lalakeng to na kahit tulog mantika ay napatunayan kong di pala tulo laway... hehe
"Tit tilaok! Tit tilaok!!!!!" syempre walang tandang doon, mansyon nga yun eh, di ba??? Nag-mimick lang ako.. "tit tilaok!!" lalo ko pang nilakasan at inilapit sa tenga nya para mas lalo nyang marinig.
Gumalaw sya at nagtakip ng tenga.. "Gising na, pre! Late ka na sa trabaho mo oh! Yuhoo! Utak ni Geoff!!!!!!! Anjan ka pa ba????!!! Yuhoo!!"
Aba at talaggang wala syang balak gumising ha?? Makakanta nga...
"Boom tarat tarat! Boom tarat tarat!!!!! Tararat! Tararat! Boom Boom Boom!!!!!!!!!!"
"Jessie! Err! Tulog yung tao e!"
"Hayan! Hayan! Gumising ka na kasi! Simula ngayon, ako na magiging alarm clock mo! Wooh! Rak en roll men!" tumalon talon ako sa kama nya. Laglag naman ang mga balikat nyang naglakad papuntang banyo dala ang robe nya.
"Wag kang papasok."
"Isara mo pinto..hehe-- ooppss--- Nakakalusot nga pala ako.. Sige na, di naman kita sisilipan ee, wala namang masisilip sayo, bwahaha!"
"Sabi mo lang yan. Argh! Kakaiba ka talagang babae ka! Tigilan mo nga yang pagtalon sa kama ko!"
Pumasok na sya sa banyo.. Unti unti akong lumapit sa pinto habang pinipigilan ang paghagikgik... di naman ako maninilip eh, makikinig lang, promise, makikinig lang talaga!
"Jessie, knock knock!"
"Sssh, wag kang magulo, Peter, pag nakaakyat ako jan, susuntukin kita.."
"Bad yan, hehe, baba ka na lang, anjan si Eunice, mahuhuli ka nyang binobosohan ang tito nya, hala ka!"
"Mas magaling ka pa sakin, wala si Eunice dit-------------"
"Tita Jessie!!!!!!!!!!eeeee!!!!!!!"
Mukhang tama si Peter, biglang bumukas yung pinto ng kwarto at pumasok si Eunice...
"Eh, tita, bakit nakadikit tenga mo sa pinto ng banyo??" nangungunot ang noong tanong nya pero may munting ngiti pa rin sa labi..
"Ah... Eh... He-he... May ipis kasi akong nakita kanina eh mukhang pumasok sa banyo... Hay.. Sssh... Wag mong sasabihin sa higanteng tito mo ha?? Secret lang natin yun.." Ano ba naman , Jessie, di pa kasi nakinig kay Peter ee!
Lumapit na ako kay Eunice at binuhat sya.. naupo kami sa kama..
"Ano namang ginagawa mo rito sa mansyon ng tito mo, baby girl?"
"I’m coming to his work, sama ka rin di ba? hinatid lang ako rito ni mommy, wala kasi si yaya, umalis,.. kaya pakulit muna ako kay tito... punta tayo sa mall..tapos kain tayo dun,ha, tita Jessie?"
"May pupuntahan si Jessie, Eunice."
At lumabas na pala ang pagkagalang-galang na hari na si Geoff...
Iningusan ko sya, "wala , Eunice, wala talaga akong pupuntahan, yang tito mo talaga, masyadong mapagbiro, ang sarap ibaon sa lupa noh?"
..Pinababa na kami ni Geoff... ooops, hindi pala 'pinababa' ang tawag dun kasi mas proper na sabihing 'pinaalis' iyon.
Hinintay namin sya sa dining area, katabi ko si Eunice... Nakahanda na yung plato nang....
"Ate Marie, bakit dalawang plate lang?? Bakit walang plate si Tita jessie??" tanong ng bata sa katulong na Marie pala ang pangalan.
"Ha,Eunice??" namula bigla si Marie..
"Ah, Eunice, di ba, usapan natin wag mong sasabihin sa iba na narito ako? naglalaro kasi kami ng ‘Kunwari Di Nyo Ko Nakikita’... nakuha mo ako??" pagpapalusot ko. Asan na ba yang Geoff na yan?!
"Ah, wag na lang po, ate... Sali ako sa laro nyo ha??"
Toinks. Anak ng pink na bangus naman oh! Whoo! Nakalusot ako! Hehe
"Okay, lets eat, Eunice." Andito na si Geoff, hay, parang masarap yung kinakain nila, namiss ko tuloy kumain ng kumain ng kumain... Err.
"Ahm, sir..." pakyemeng sabi ni Marie na unti unting lumapit kay Geoff, "ano po, sana po makahingi ako ng kahit isang linggong bakasyon.---"
"Gawin mo ng isang buwan."
"Hhaaa?! Talaga po, s-sir? Huwaw naman! Salamat po, sir.. kasi ano po,sir, medyo nahihintakutan na po ako sa---sa inyong dalawa ni Eunice, kagabi po, kayo...tapos ngayon naman po, si Eunice.. pero wag kayong mag-alala , sir, babalik rin po ako.. salamat po.."
Nung umalis si Marie ay inihanda ko na ang 'peace sign' ko kay Geoff. Nangangain na naman kasi ang mga mata nya. Nakakatakot.
+++
[MY PAST]
Jessie’s POV
“Di ka ba pwedeng gumala muna sa labas nang hindi naman kami nagmumukhang baliw nitong pamangkin ko pag kinakausap ka namin???” tanong ni Geoff sa kin. Nasa office na kami, gaya ng dating nangyari, pinagkaguluhan naman ang magaling na lalae ng kanyang mga fans, asus, businessman lang eh may admirers na.
“San naman ako pupunta? Eh di ko nga maalala kung saan ako iniluwal ng nanay ko e! Sana bata ulit ako...” pinasadahan ko ng tingin ang walang kaproble-problemang si Eunice.
“Bata ka naman... isi-bata! he-he,”
Joke na ba yun? Ang corny nya ha.. Parang syuhnga lang
“Sorry naman ha? Matanda ka naman kasi mag-isip e! Nahihiya naman ako sa yo,” hinampas ko sya sa braso.. hindi iyon pabiro, talagang nilakasan ko. Halos mapasubsob pa sya sa paper works nya, buti nga sa kanya!
Tumalim na naman mata nya nung tumingin sya sa kin..
“Ah, he-he... makikipaglaro nga pala ako kay Eunice, nakalimutan Ko.. ba bye!”
Lulunukin nya ata ako ng buha----oops! Rephrase! Lulunukin yata nya kaluluwa ko e! Haha.
“Hi , Tita Jessie! Wanna play dolls with me?? They’re cute, eh?”
“Yes naman jan...” pero di ko hinawakan... baka matakot yung bata kung makikita nyang tatagos sakin yung manika nya..
“Bat di mo hawakan? Ang mga bagay na importante sa taong nakakakita sa yo ay maaari mong mahawakan... he-he, sorry , Jessie, late info! bye!”
Peter talaga! Gggrrr! namumuro na talaga sya sakin eh... Masyadong late sa pagbibigay ng detalye! Irereklamo ko sya sa management nila!
Tri-ny ko hawakan yung doll ni Eunice habang nakalapag sa sahig..
“Wow, mama! Ang ganda ng manika! Akin ba to??” tanong ko kay mama habang tinitignan ang nakakahong manika.
“Oo naman! Tig-isa kayo ng ate mo,” sagot ni mama sakin, tinignan ko si ate Mylene na nakaupo sa bangko sa labas ng kubo namin, ngiting ngiti sya...
Hanggang gabi,yung manika pa rin nilalaro namin ni ate.. Hinihintay naming dumating si papa galing sa trabaho, ipapakita namin yung biniling manika ni mama para sa amin..
“Ignacio!”
Napalabas kami ng bahay ni ate, may dugo! nakita naming duguan si papa! lumapit kami... Umiiyak na si mama at ate pero ako, di ko maintindihan ang nangyayari.. hawak hawak ko pa rin ang manika na halos sinasakal ko na kasi yun ang pinagbubuntunan ko ng tensyong nadarama ko...
Ilang araw na nakalilipas... Wala na si papa.. sabi ni mama, binaril daw si papa... Ano yung baril? Tss.. Lagi namang tulala si mama.. nagtatrabaho lang sya sa buong maghapon at diretso ng matutulog sa gabi.. Dati rati, niyayakap nya ako sa pagtulog pero ngayon, si ate na lang ang tumatabi sa kin, kasama namin yung manika.. Di ko binibitiwan..
Ilang taon pa ang nakalipas na ganun na lang ang nangyayari... graduate na si ate ng highschool at ako naman, second year pa lang. Naintindihan ko na yung nangyari kay papa nung bata kami... Na dahilan kung bakit Bumigay na rin ang katawan ni mama... Kniwan na rin nya kami paglipas ng mga taon...
“Tito! Tita Jessie is fainting! Something's wrong with her, tito!” nagising ako sa boses ni Eunice, agad kong binitiwan yung manika... Err, isa palang masamang pangyayari sa buhay ko ang hatid nung manikang yun..
“Hey, are you alright? Jessie, are you with us?” tinampal pa nya pisngi ko. Ang sakit nun ha.
Hinawakan ko yung pisngi ko na di pa rin linulubayan ng palad nya, “Tama na, okay? I’m fine.. may---ano--may ahmm, naalala lang ako...”
“Bat mo nahahawakan yung manika? Akala ko ba, tumatagos lang sayo ang lahat??” tanong uli nya.
“Eh kasi nga, pinapahalagahan ni Eunice yung doll... kaya ganun.” maikling explanation ko.
“Hmmm,” nag-isip pa sya kunwari kahit wala naman syang isip, “so, dapat ko palang pahalagahan yung mga pinto ko sa bahay? Para naman di ka na tumagos tagos dun?”
“Ulol!”
“Saan ka naman papunta? Akala ko ba, di mo pa nga naaalala kung saan ka iniluwal ng nanay mo?”
Gago talaga tong lalakeng to...
“Maglalakad-lakad lang, ano ba? Bantayan mo yang si Eunice, err, basta! Babalik din ako!”
Yun lang at lumabas na ako ng opisina. Naglakad lakad nga lang ako sa loob ng gusali, para lang akong normal na tao kasi para na rin akong nakikihalubilo sa mga nagtatrabaho dun.
“Amboring naman! Di naman siguro ako mawawala kung lalabas ako di ba? At di naman ako lalayo ee, may simbahan naman sa labas, dun lang ang punta ko, lapit lang yun.”
Lumabas nga ako.. Nagtungo sa simbahan.. Naupo ako sa pinakalikod na pew... Taimtim lang akong nakatingin sa may altar ng....
“Ineng, kung may hinahanap ka, o may kailangan ka, dapat hanapin mo na.”
Eh? May sinasabi ka, lola? Wala namang masyadong tao run kaya sino ang kausap ng matandang pulubi na ito?????
“Wag kang mag-alala, kausapin mo lang ako, wala ng bago, akala nila, baliw ako kasi nakikita ko ang mga ligaw na kaluluwa na dapat ay buhay pa, di kasi sila naniniwala sa akin e.. pero nakikita kita... may problema ka ba??”
“Eh? Lola???” parang ako pa ang nahiya.. mukhang nasisiraan na nga ng bait si lola.. pero di naman sya mukhang madungis. Malinis pa nga sya eh, parang bagong ligo.
Umiling-iling sya. “Di ka naniniwala noh? Sige na, hawakan mo ko, para maniwala ka...”
Unti unti kong nilapit sa kanya hintuturo ko... di nga nagbibiro si lola! Asteg! Nahawakan ko sya.. Sumilay yung ngiti ko..
“Ang misyon mo, ineng, wag mong kalilimutan.. Ang misyong binigay sa iyo ng anghel ay hindi ganun kadali gaya ng nanjan sa ulo mo...”
Wow! Mind reader din si lola???? “Lola, panu ko po gagawin yun eh yung unang taong nakakita sa kin, walang kwenta???”
“Walang kwenta ba kamo?? Di lang natin alam kung ang sinasabi mo walang kwenta ay ang taong pinakaimportante sa oras na ito.. Bat di mo dinggin ang binubulong nyan...” turo sa ulo ko... “at ihalo mo ang binubulong nyan...” turo sa kaliwang dibdib ko... “pero wag mo ring kalilimutan, ang binubulong Niya...” turo sa itaas... “o sya, uwi muna ako ha? [ananghalian na eh, ikaw naman, bumalik ka na at nang iyo ng maumpisahan... Ingat!”
May point naman si lola.. Makabalik na nga kina Geoff at Eunice.
Pagbalik ko dun....
“Kain na kasi , Eunice... Haytttt! Kita mo, natapon tuloy yung kanin! Eeee! Eunice! Wag mong galawin yang papers ni tito! Hhhaaakkksss! Yung ballpen ko! Nahulog! Kain na kasi , Eunice!!!”
Nasa labas pa lang ako ng opisina ay dinig ko na yung sunod sunod na sigaw ni Geoff, nakakatawa pala sya pag nag-aalaga ng bata.. Nilusot ko yung ulo ko sa pader sa paraang di nila ako mapapansin.. Nakita kong patakbo takbo sina Eunice at Geoff habang buhat ng huli ang plato ng bata...
“Hihi! Habol, tito! Don’t want to eat! Haha! Tito talaga! Ambagal! Hihi...”
Exhausted na naupo sa swivel chair si Geoff... Kawawa naman.. haha.. Kay Eunice lang pala tataob ang kasungitan nya.
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko... “Poof!”
“Jshjakkdbhsjakjsk! Bakit ka ba nanggugulat??!!!” bumalik na naman kasungitan nya..err. para mag-'poof' lang naman sa tapat ng tenga nya e!
“Bad words ka talaga! ^_^ Musta ang life mo rito?? Mukhang pahirapan ka sa pagkuha kay Eunice aH? -----Yuhoo! Eunice, baby girl, come here!”
“Tita Jessie! yippee!” lumapit sya sakin at nagpakanlong, “okay na, I’m goin' to eat my lunch na po.. Aaahhh tito!”
Nag-big mouth sya.. Sinubuan naman sya ng lulugo lugong si Geoff.. Panu na lang kaya ang buhay nitong si Geoff kung wala ako?? ^_^
+++
[GEOFF IS THINKING]
Geoffs POV
"What the H, Eunice!!!!! Kaaalis lang ng tita Jessie mo, nagkakalat ka na!!!! Bbbbbrrr! Eunice!! Wag ka jan, Eunice!!!!!"
Kanina pa patakbo takbo ang makulit na chikiting na ito. Talo pa nya ang bagyong signal number 4 kung makapanira sa mga gamit ko sa office!
Di pa rin sya tumigil sa pagtakbo at tuloy ang pamiminsala nya sa walang kamalay malay na opisina ko... "I want , Tita Jessiie! I want her! I won't stop until Tita Jessie returns!!!!!! Weee!" at ang table lamp ko naman ang napagdiskitahan nya ngayon.. On--off--on—off.
"Argh! Stop that! Masisira sya!----oh, you want ice cream???" naisip ko, this is the third time na inalagaan ko si Eunice habang wala ang mga yaya nya.... and that includes her mom Genieve... Sa bawat pag-aalaga ko sa kanya, puro di maganda ang kinalalabasan pero lagi naman syang tumitigil pag binibigyan ko na sya ng ube flAvored ice cream.
Tumigil sya sa pagtakbo.. At...
Unti unting ngumiti... At...
Tumakbo ulit! "I want tita Jessie! I want Tita Jessie!!!!!!"
Hayst! Mukhang wala talaga akong pag-asang mapatigil si Eunice kahit tabunan ko sya ng ilang gallon ng ice cream. Napaupo ako sa swivel chair ko para lamang muling mapatayo! "Eunice!!!! Wag kang pumasok sa CR!! Wag ang tissue , Eunice!!"
Lumabas si Eunice hila hila ang tissue paper, hayan ,, Nagkalat na ang tissue sa paligid at ni-wrap ni eunice ang kanyang kaliwang binti dahilan para magmukha syang mummy.
Asan na ba yung kaluluwang yun? Tss. Kaninang mga 10 pa sya umalis at ngayon, 11;30 na, tss, lumapit ako sa kinalalagyan ng intercom.
"Dyna," kausap ko sa kabilang linya.
"Haha! Oo nga eh...." narinig ko pa ang tawanan ng magaling na front desk na nasa ibaba... "Ehem,, yes, sir???"
Ayan.. Sa wakas at sumagot na rin. Nakikipagchismisan pa talaga. "Come up here, magdala ka ng pagkain for Eunice at para sa kin. And please bring companionS with you, help me clean Eunice's mess."
Ibinaba ko na ang intercom, "Tito, you need this???" tinaas ni Eunice ang magazine kung saan ako ang cover.
"No."
After a while, "What's that , Eunice!!!!!???????"
“I cut pictures! Sabi mo, di mo kelangan eh! Bat ka galit ngayon??? ‘Ala akong kasalanan jan! Bata lang ako!! Hihi."
Wala na akong nagawa kundi pagmasdan ang gutay gutay na magazines ko... Aahh. Nag-iisa pa mandin yun sa kin...
Knock on the door... "sir, papasok na po kami..."
"Okay, Dyna."
Pumasok na nga sila, kasama ni Dyna ang dalawang janitor, alam na talaga nila kung ano ang gagawing paglilinis sa opisina ko, sanay na rin kasi sila... habang naglilinis, tahimik lamang na nakatayo sa isang gilid si Eunice na parang hindi sya ang may gawa sa kalat. Nang matapos ay agad din silang umalis.
"Come over here, lets eat," aya ko kay Eunice.... "Eunice, come here..."
"Waahhh! Ayaw!!!" nagsimula na naman syang tumakbo... Hinabol ko sya habang buhat buhat ang plato..
"Eunice!!! Kain na kasi, Eunice! Hayyytttt! Kita mo! Natapon tuloy yung kanin!!! Eee! Eunice! Wag mong galawin yang papers ni Tito! Hhhaaakkksss! Yung ballpen ko, nahulog! Kain na kasi Eunice!!"
Normal na sakin ang mga pangyayaring ganito at talagang hindi titigil ang bubwit na ito unless aantukin sya na batay sa tantiya ko, dalawang oras pa mula ngayon. Wala na tuloy akong natapos na trabaho sa loob ng apat na oras dahil puro paghabol lang sa kanya ang ginagawa ko.
Buti pa pag nandito si Jessie, kahit pareho silang hindi nasasaway ni Eunice, nagbebehave ang bata kasi nag-uusap sila.. Birds with the same feathers, flocks together talaga.. Pareho kasi silang butas butas ang utak.
"Hihi! Habol tito! Don’t want to eat! Haha, Tito talaga! Ambagal!"
Wala na akong nagawa, naupo na lang muli ako at pinanood uli si Eunice na paikot ikot lang sa opisina ko... Full battery pa talaga ang batang to.
"Poof!"
PuTcha! Nagulat ako doon ah! "Jsggshcgytecbsbdxadh! bakit ka ba nanggugulat?!" sa sobrang pagod ko, di ko na tuloy napigilan ang sarili kong magmura.
"Bad words ka talaga!" sabi pa sakin ni Jessie at ngumiti, "musta ang life mo? Mukhang pahirapan ang pagkuha mo kay Eunice ah?? Yuhoo!! Eunice! Baby girl! Come here!"
Sa inis ko, agad na lumapit si Eunice kay Jessie... Habang ako kanina, isang libong beses ko na ata sinabi yung pangalan ni Eunice pero di pa rin sya lumapit sa kin, bagkus ay lalo pang lumala ang sitwasyon kanina!
Binuka pa ng bata ang bibig nya.. Sinubuan ko na lang sya kahit ang gusto ko ay ipalunok na rin sa kanya pati yung kutsara.
Panu na kaya ako kung di pa rin dumating si Jessie?? Mukhang may kabutihang hatid din ang babae sa buhay ko.. Kahit na nagtutunog manok sya sa umaga... Kahit videoke queen sya sa tanghali... At lullaby ko sa gabi...
Hay... Ano bang iniisip ko? Tss.
+++
[3RD DAY]
Jessie's POV
Ikatlong araw sa lupa:
"Gising na bosing! GisIng. Gising. Gising!!" halos magsumigaw na ako sa tapat ng tenga ni Geoff, mukhang pagod na pagod talaga sya sa pag-aalaga... rather paghabol kay Eunice kahapon bago kinuha yung bata ng yaya nya kinahapunan.. "Sus! Ang bingi bingi naman! Hihintayin kita sa baba ha?? Ba-bye!!!"
Bumaba na ako pero di talaga ako naghintay dun kasi pumasok ako sa library nya na noong isang araw ko pa gustong pasukin.
"Wow, ganda ng library..." hanga talaga ako sa library na yun, andaming llibro! Ahy, tanga lang? Library nga di ba??
"Eherm, nagpaalam ka ba??"
"Pakialamerong Peter talaga oo. Panu ka naging anghel sa ugali mong yan? Tss. Pero infairness ha, thanks for sponsoring my outfit today, sana bukas naman eh yung cocktail dress," naka-dress naman ako kaso plain na kulay pink na may ruffles pa sa ibaba, yung tipong ginagamit ng mga batang bibinyagan. Wahaha.
"Anong ginagawa mo jan? Para namang may mahahawakan ka jan noh?"
"Pake mo? ee! Tumigil ka nga! Noh ba naman kasi to, di ko man lang maramdaman, nakakainis ha!" pinasok ko yung kamay ko sa shelf ng libro... Tumatagos lang sakin yung mga makakapal na encyclopedia at dictionary.... "Oooopppsss... Teka...." tumigil ako.. "Peter, may naramdaman ako.."
"Eh pakealam ko sa yo?"
"Ulol! Meron talaga! Di ito joke noh!" mayroon talaga akong nararamdaman... Wow! Another bagay na pinahahalagahan ni Geoff! Or ni Eunice?? Ahy kahit sino sa kanila! Suspense yung ginawa ko, mabagal na inilabas ko yung parang papel na ewan na nahawakan ko... Nakaipit kasi iyon sa isang libro... "Wow, Peter! Larawan oh!"
"Ha? Saan?? Patingin nga!"
Chuweng! Nag-appear si Peter sa tabi ko.
"Teleporter ka rin? Astig ka ha! Gusto ko rin ng powers na ganyan!" sabi ko na nakatingin sa kanya... Sa larawan sya nakatingin.
"Ganda ng babae ah... Seksi oh! Witwiw!"
Tinignan ko rin yung larawan... Si Geoff yun na may... Kaakbay na babae?? Huh?
"Eennnggkk. Talo ka na, isang molecule ka lang kung ikokompara sa babaeng yan oh. Tch tch tch"
"Bugok... Hmp. Napakapakealamero mo talaga." Tinitigan ko ulit yung larawan, "sino ba tong babaeng to??? Hmm?"
"Tignan mo, may note sa likod, ehem ehem... Ako na magbabasa para cool ang dating... Dear Geoff, happy 6th monthsary, honey. Hope we'll make it to our first anniversary. Love, Mitchie. ..."
Katahimikan...
Katahimikan ulit.
"Alis na ko! Babush!" Chuweng!
Binalik ko na yung larawan... Hmmm, pinahahalagahan ni Geoff yung larawan... Bakit naman kaya?? Err. Nahahawa na rin ata ako kay Peter, nagiging pakialamera na rin ako. Bad bad bad... "Misyon muna bago landi.. Misyon misyon misyon... "
"Hoy, babae! Anong ginagawa mo rito???" Whew! si Geoff oh! Sumilip sya sa pinto.. "Sumagot ka naman! Tch. Putol na ata dila mo. Sumunod ka na lang sa kusina..."
Umalis na sya... Marahas na ipinalig ko ang ulo ko... Wah! Ano ba yang tumatakbo sa ulo ko! Eehh! Kaasar talaga! Sumunod na ko sa kanya sa kusina, kumakain sya ng instant cup noodles, oo nga pala, wala na si Marie..
"Bakit di ka pa naligo?? Di ka ba male-late nyan??" tanong ko sa kanya. Di pa kasi sya nakaligo e.. Tapos nakapambahay pa sya.
"Eh bakit ba? Ako ang boss kaya okay lang na mag-absent ako noh. At saka di naman malulugi ang kompanya kung mawala ako ng... Hmmm.... Ilang buwan ka ba dito???"
Isip isip... "ah basta sa unang patak ng ulan wala na ako.."
"And as the weather forecast says... that would be 31 days or a month from now.. Okay, i can have a leave for one month... Pero, ano bang maitutulong ko sa misyon mo?"
"Ano nga ba?? Hehe.. Di ko rin alam.. Basta.." Uwaa! isang buwan na lang! "Ahm, Geoff na gwapo, mabait, masipag at matulungin..."
"Eh? Utuin ba ako?"
"Hehe.. Pwede mo ba akong tulungan na hanapin ang katawan ko??"
Tumango lang sya. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Saan tayo magsisimula?"
"Ospital.. Basta ospital... Di naman sa ilog pasig kasi sa ospital daw sabi ni bespren Peter.. Tapos may kapatid din ako.. Hmm, Mylene ang pangalan nya."
"Apelyido?"
"Antonio. Jessica Antonio. Oh hayan, madali na lang ha?"
Pagkatapos nyang kumain at maghugas, hinawakan na agad nya yung cellphone at ang directory nya at nagsimulang tumawag..
"Hello?" pause.. "I’m Geoff..." pause... "Do you have patient named ‘Jessica Antonio’?" pause... "Ah, thank you na lang po ..." tingin sa kin at iling... dial ulit... "Hello? I’m geoff, do you have a patient named ‘Jessica Antonio’?" ang tagal na katahimikan..
"Bat ang tagal??? Hoy! Bakit daw? Ano?"
"Wag ka ngang maingay! Ah... No... No... Hindi po kayo.. Ahm... uh-uh.. Sige po, thank you po.." pause ulit, tingin sa kin at kibit balikat..
Tawag ulit... "Yes, maam... Jessica Antonio and she has a sister named ‘Mylene’.. yes... yes... She's in comma.. uh-uh... Oh thank you... May you tell me the name of your hospital plEAsE?? Oh thank you po." Tumingin sya sa kin na may ngiti na sa labi. "Lets go!"
Sumakay na kami sa kotse nya... "Oh, bakit ikaw magda-drive? Asan yung driver???"
"Ang dami pang tanong. Sakay na!"
Ilang minuto lang yung byahe, kasama na dun yung traffic.. Pagpasok namin sa ospital, tinanong agad ni Geoff kung saan yung kwarto ko...
"Hala... parang may humihila sa kin..." sabi ko. Para talagang may humihila sa kin... Parang ang lapit lapit ko na talaga sa katawan ko..
"Andameng arte."
"Hmp." Iningusan ko sya.
Nakarating kami sa isang nakasarang kwarto... Binuksan yun ni Geoff...
"Sino po kayo?" si Mylene, nandun... anlaki ng eyebags.. Halatang katatapos lang umiyak...
"I’m Geoff... Your sisters... Err... Keeper for now."
Ngumiti ako... "Mylene-----"
"Anong pinagsasabi mo??" takang tumayo si Mylene at binitiwan yung kamay ko (yong katawan) na hawak lang nya kanina.
"I’m with your sister now," explain ni Geoff.
"Ano? Baliw ka na po ba??! Ayan ang kapatid ko, nakahiga sa ospital bed at syempre, di tayo naririnig kasi nga commatose sya so pwede ba!"
Aw! Oo nga pala... Tanging mga taong walang kasalanan ang makakakita sa kin... pero teka, anong kasalanan ni Mylene?? "Geoff, di nya ko nakikita, remember?"
"Ahy, oo nga pala.. Sorry.. Tch," sagot sa kin ni Geoff.
"Mister, nababaliw na po kayo.. Umalis ka na---aray.... Ahhh.." hinawakan ni Mylene yung puson nya.
"Ow Shet, Geoff! Buntis sya! Bakit parang di ko naman maalalang buntis sya nung huli kaming magkasama??!!!"
Di na ko pinakinggan ni Geoff kasi agad na nyang dinaluhan si Mylene.
+++
[CONT. OF 3RD DAY]
Jessie’s POV
Huminga ako ng malalim habang nakamasid kay Mylene.
“Wow, ang lalim nun ah, nakakalunod.”
Walang ganang tinapunan ko ng tingin si Geoff na nagbabasa ng magazine at tumingin uli ako sa natutulog kong kapatid, confirmed, 4 months na nga syang buntis. Aagh! so ibig sabihin, 4 months na rin akong comatose! “Salamat nga pala, pre,” sabi ko kay Geoff.
“Don’t mind it,” sagot nya.
Sya kasi pumilit sa management ng hospital na magpasok pa ng isang hospital bed gayong hindi maaari iyon.
Gumalaw yung kamay ni Mylene, “pre, nagkakamalay na sya.”
“Hmmm,” si Mylene habang pinipilig yung ulo nya.
“Miss, okay ka na?” agad na tumayo si Geoff.
“S-sino ka ba???”
“Geoff. I’m your sisters keeper.”
Sus tong si Geoff, inulit lang yong sinabi kanina eh. Nambobo lang teh?
Bumangon si Mylene, “Mister, wag kang magbiro ng ganyan, andito ang kapatid ko oh.... walang malay... Alam mo ba ang ibig sabihin ng comatose? Hindi gising... Hindi makatayo... Naiintindihan mo na??”
Hayah! Yan ang kapatid ko! Hehe...
Tumingin sa kin si Geoff na parang humihingi ng tulong.... Mukhang mawawalan na rin sya ng pasensya... “Sabihin mo na namatay si papa noong bata pa kami....”
“Namatay ang papa nyo nung bata pa kayo,” sunod ni Geoff.
Tumaas ang isang kilay ni Mylene...
“Sabihin mo na sumunod si mama...” ako uli...
“Sumunod ang mama nyo.”
Dalawang kilay na ang itinaas ni Mylene..
“Errr... Ano pa ba...” nag-iisip pa ako... “Ah! Alam ko na! Sabihin mong kahiga pa naming matulog yung mga manikang niregalo ni mama noon!”
“Katabi pa rin daw ninyo yung mga manikang bigay ng mama nyo noon.” Hala, last chance na yun!
sinapo ni Mylene yung noo nya, napaupo sya sa hospital bed "ko", “Mababaliw na yata ako...”
“Naniniwala ka na??” may pag-asam sa mga mata namin ni Geoff.
Tumingin ng diretso si Mylene kay Geoff, “Di kaya boyfriend ka nya?”
-lunok lunok-
“Ah, hayaan mo na nga iyon. Si Jimmy nga pala ang huling boyfriend nya na dahilan kung bakit sya nasa ospital ngaun...” tinignan ni Mylene yung katawan ko.
-hinga ng maluwag-
Tumahimik saglit nang may pumasok na lalake at yinakap si Mylene...
“Ahy,” sigh, “ang sweet sweet... Ang swerte naman ng kapatid ko..” Di ko napigilang sabihin.. Napatingin sa kin si Geoff.. Bakit madilim ang mukha nya?? DeAdma!
“Okay ka lang ba, ha??” tanong ng lalake na may genuine na pag-aalala sa mukha..
Ngumiti ang kapatid ko, “okay lang ako, Bernard, thanks to Mister Geoff, friend ni Jess,” iminuwestra nya si Geoff.
Nagpasalamatan lang sila at nagpaalam na si Geoff sa dalawa.
Naglalakad na kami papuntang parking lot.
“Geoff!!”
Pareho pa kaming napalingon. nakita naming papalapit ang isang napakagandang babae. Pamilyar sa kin ah!
“Mitchie...” usal ni Geoff.
ayown! si Mitchie pala, yung babae dun sa picture na nasa library... nilapat ko yung kamay ko dun sa tapat ng puso ni Geoff... bumibilis yung tibok ng puso nya.. abnormal yata tong lalakeng to e! ang sama ng tingin na binigay nya sa kin kaya tinanggal ko din agad yung kamay ko at minasdan yung si Mitchie...
“Musta na? Long time no see ah,” bati na Mitchie, “Sinong binibisita mo sa loob?”
“Ahmm...”
“Hoy! Bat wala masabi, pre?? Go! Hina naman tong manok ko,” cheer ko..
“Ano? Kaanu ano mo?” si Mitchie.
“Ahm, girlfriend ko, comatose e. Ikaw?”
“Wha-wha-wha-wwwhhhhhaaaattttt????????!!!!!!!! Ulol! Nong pinagsasasabi mo??!! Bawiin mo yun! Di ka pa nanliligaw ah!” sigaw ko kay Geoff pero dine-deadma lang nya ako. Kung nakikita lang sana ako ni Mitchie. Tch.
“Ah, ganun ba.. binisita ko lang yung kaibigan ko...” may nasense akong hurt sa boses ni Mitchie... ganun din naman kay Geoff..
“Sige, bye,” tumalikod na si Geoff kay Mitchie.
“Hoyst babae, alam ko namang nangangati ka ng malaman kung ano ang totoo, hawakan mo si Mitchie, dali!”
Ting!! Si Peter!
Patalikod na si Mitchie pero nahagingan ko pa yung braso nya...
“Oh! i have good news to you, honey!” masayang anunsyo ni Mitchie kay Geoff habang nasa garden sila ng bahay ng lalake.
“I also have something to tell you,” masayang ganti din ni Geoff sa babae.
“Okay, you first...”
Kumuha muna ng bwelo si Geoff bago iniluhod yung isang tuhod nya sa lupa at inilabas nya yong box na pinakatago tago nya mula pa nung dumating si Mitchie... “Mitch, isang taon na tayo, and here i am.... asking for your hand... will you marry me?” pag-asa ang nasa mga mata ni Geoff habang hinihintay ang sagot ni Mitchie.
Sa pagkadismaya ni Geoff, umiling iling si Mitchie, “Geoff... i’m.... I’m sorry... I’m suppose to tell you that i have been accepted as a model in New York.. Dalawang taon din yung kontrata... Geoff, im willing to marry you but you... We... have to wait for 2 years, eh? You can wait for me, right?”
Tunganga lang si Geoff... Lumung lumong tumayo sya... “Kung papipiliin ba kita, saan ka pupunta??”
“Geoff...this is my ambition... kinabukasan ko to..”
“Paano naman ang kinabukasan matin? .... I guess you just gave me your answer...”
Napasinghap ako .. Kaya naman pala importante si Mitchie kay Geoff... Muntik na pala silang ikasal...
Pero wait... Astig!! Nakikita ko ang mga nangyari na??? “Lupet nito , Peter! Salamat!”
+++
[4TH DAY]
Jessie’s POV
12:03am na. Syempre, tulog na naman ang “halimaw” na kasama ko sa bahay.
Di ko talaga sya tinantanan kahapon. Inasar asar ko siya to the point na tinalikuran na nya ako at di na kinausap hanggang sa mga oras na yon…
-flashback-
"Wow,pre! Girlfriend mo na pala ako, bakit di ko alam yon???" Binuntutan ko pa yun ng tawa.
"Shut up, Jessie." Mariing banta nya sa kin. Pumasok na siya sa driver’s seat. Tumagos naman na ako sa kabilang pinto.
Pi-noke ko sya sa tagiliran pag-upo ko… "Sino ba yung Mitchie na yon, ha, at ganyan ka kasungit??? Meh PMS ka noh?" Kunwari na lang di ko alam kung bakit sya asal-ampalaya ngayon.
"Cut it there."
"Ha??? Anong puputulin ko?? Nababaliw ka na ba???"
Nagdrive na lang sya at todo effort sya na di ako pansinin hanggang sa makauwi na kami.
Habang nagdi-dinner sya, nakatayo lang ako sa tabi nya at sinusundot sya sa braso, ”kwento ka naman kasi… sino ba yung Mitchie na yun???"
"Wala akong narinig," kain ulit.
"Kunwari ka pa, kwento na kasi!" Tinulak ko pa sya kaya muntik na syang makipaghalikan dun sa plato nya.
"Wala akong sasabihin."
"Ang damot damot mo naman ! Ang sungit sungit mo pa! Tapos ang tanda tanda mo na kasi laging nakakunot yang noo mo!"
Tumayo sya at humarap sa akin… "Ang kulit kulit mo din! Tapos asal bata ka pa kahit na dapat ay grown up ka na umasta!"
Natameme ako dun ah, napaisip ako ng isasagot……"a-akala mo ang gwapo gwapo mo!"
"At ikaw, maganda? Ganun??" Humalukipkip pa sya.
Humalukipkip din ako… "Oo! Ang ganda ganda ko! Ikaw, maganda ka ba?! Hoy hoy hoy! Saan ka naman pupunta?! Hoy! Wag mo kong tatalikuran ha!"
"Magsi-CR ako, sasama ka ba!?!?"
Namula ako sa sinabi nya. Padabog pa nyang sinara yung pinto, ayos nga eh, dinig hanggang sa kusina.
Naghintay ako ng mga 20 minutes bago umakyat. Tapos naman na siguro syang magbanyo nun. Pagtagos ko sa pinto…… "Tch. Tulog na si lolo."
-flashback ends-
"Geoff, makekealam muna ako sa mga gamit mo ha? Don’t worry, di ko naman magugulo kasi di ko naman mahahawakan, di ba??? Pero kapag may importante sa yo dito, tsugi ka sa kin…wahhaha.." baliw na nga ata ako, kinakausap ko pa sya eh tulog na nga.
Naglakad-lakad ako sa kwarto habang tinatagos yung kamay ko sa bagay bagay doon…una kong nadaanan yong drawer ni Geoff kung saan nakalagay ang mga damit niya… may nakapa ako.. ibig sabihin, importante yun kasi nga, naramdaman ko.
Humalgapak ako ng tawa nung Makita ko kung ano yung hawak hawak ko… "Lupet mo, pre! Ano ba to, gawa ba to sa ginto o dahil lang sa teddy bears ang print nya???" humagalpak na naman ako sa tawa… "wahaha! Boxer shorts mo, pre, pambata! Patawa ka ha!"
"Tama na yan, Jessie."
"Yes, Peter! As I know, nanlalaki na rin yang mata mo ryan eh."
"Hehe, sige lang, tuloy mo lang yan, ano pa ba anjan?"
Pilyong anghel talaga si Peter. Parang di lalaki kung umakto eh. Parang di nagtatrabaho sa langit!
"Peter! May kahon oh!.....teka…… 0-0 --------> O_O alam ko to ah!" Nilabas ko yung singsing sa kahon na nahawakan ko sa pinakaloob na parte ng drawer niya, "eto yung ginamit ni Geoff nung magpropose sya dun sa Mitchie eh!"
"Dali! Sukat mo!"
Ako naman si tanga, nagpatukso sa anghel na yun. "Huwaw! Ang ganda oh!" Tinaas taas ko pa yung singsing na nasa daliri ko… kumikislap kasi, "fit na fit! Nagmukhang galante tong kamay ko na minsan sa isang taon lang makalasap ng manicure sa parlor!"
"And what the hell are you doing with that ring?!?!?!?!?"
Natakpan ko ang dalawang tenga ko.pakiramdam ko, nabingi na ako, "kaluluwa ako pero di ako bingi! Kailangan ko na atang mag-aral ng sign language kasi nababasag ang eardrums ko pag kasama kita! Tch! Vuti sana kung mayaman ako at makabili ng hearing aide!"
"Give me that ring, you lost soul!" Bulyaw na naman nya na di pa rin hininaan ang boses.
Dumudugo na ata ang tenga ko… "wow naman! Nagsalita ang hindi nawawala ang puso! Bat di mo balikan kay Mitchie????" Tinanggal ko na yong singsing sa daliri ko , binalik sa box at nilagay sa palad ng “halimaw” na kaharap ko ngayon.."alam ko namang nawawala ang kaluluwa ko kaya di mo na kailangang ipagsigawan pa sa mukha ko noh!" Tinalikuran ko na sya.
"At saan mo balak pumunta?!!?" Sigaw na naman nya.
"Magtatanong lang kung saan ako pupunta, sisigaw pa?! Kairita ka ha! Pupunta lang sa CR, sasama ka???!!!" Sikmat ko sa kanya.
"Kaluluwa, magsiCR???!!! Niloloko mo ba ako?!ano naman ang gagawin mo dun!?"
"Magpa-practice maghullahoop!" Tumalilis na ako bago ko pa saluhin lahat ng marakulyo nya sa mundo … "para sa singsing lang, ganun na sya ka-OA. Palibhasa kasi, mahilig sya sa boxers na teddy bear ang print…. Hahahhaha….. teddy bear pa kasi talaga ha… isip bata rin naman pala.! Haha.." wika ko habang pababa ng hagdan.
"Anong nangyari sa inyo?"
Chuweng. Nag-appear sa tabi ko si Peter. Agad kong sinunggaban yong buhok nya, "walanghiya ka,! Pinasukat mo pa kasi sakin eh! Kasalanan mo to!"
"Aray! Ouch! Grabe ka ha!" tinanggal nya yung kamay ko na nakakapit sa buhok nya. tinampal ko pa yung noo nya, "buti na lang, naka-anti hairfall shampoo ako ngayon ah."
"Hmp! Umalis ka na nga! Asar ka talaga!" Nagwalk out na ko.
"San ka ba pupunta??" Sumunod sya sa kin.
"Sa ospital."
Shwing! Nasa ospital na kami. Diretso sa kwarto ko.
"Tadah! Friends na tayo???"
"Hehe. Oo naman." Oo na lang ako kahit na sa totoo lang ay gusto ko pa rin syang idouble dead. "Peter, wala ka na bang ibang damit? Puro puti na lang eh tapos ang haba haba pa, parang pandiling lang, gwapo ka naman, tch."
"Eto yong ‘in’ sa min eh, kung ipareha ko kaya ang damit mo sa damit ko?? Gusto mO?? Hehe. Crush mo din ako eh! Ayiee!"
"Wag na … tanong lang naman yun eh, at di kita crush ha, kapal mo talaga."
Lumapit na kami sa katawan ko.
"Ampanget mo pala sa totoong buhay, Jessie," umiling iling pa sya habang nakahalukipkip.
"Aba… anong hanap mo? Away?" Ilinilis ko yung manggas ng suot ko dress, "game na oh!"
"High blood din? Jokes lang yun… jokes! Tara sa kabilang kwarto…"
"Anong meron dun??"
"Ano sa akala mo? Zoo? Syempre pasyente. Nandun si Mitchie, tignan natin, ang ganda eh!"
"Landi mo rin noh?"
Nagtungo na kami sa isang kwarto na apat na pinto lamang ang layo sa kwarto ko. Nandoon nga si Mitchie, natutulog sa tabi ng isang lalake na syang pasyente … pilay yung kaliwang paa ng lalake.. "bat sabi nya kay Geoff kahapon, kaibigan lang nya yung binisita nya, bakit iba ang nakikita ko ngayon?? Di naman sila simpleng magkaibigan lang ah.. fishy fishy…"
"Alam ko na naman iniisip mo…"
"Ngayon lang to…" hiniwakan ko ulit si Mitchie..
Nagyakap sina Mitchie at isang lalake…
"Youre fabulous, Mitchie! See, worth it yung 2yrs dito sa New York, di ba?" Sabi nung lalake habang yakap yakap si Mitchie.
Bumitaw si Mitchie, "Yes oh yes! Oh my, cant believe I did it, Dereck!"
So, he’s Dereck!
Ginawaran ng halik ni Dereck si Mitchie sa labi, "thank you for choosing me instead of Geoff…I love you.."
"I love you, too… tch… I lied to Geoff before..i told him im willing to marry him even if I really don’t… nasasakal ako sa kanya… naaawa ako sa kanya, he really loves me…."
"Peter, magic nga! Gawin mo ngang violet na tipaklong ang dalawang to!" Hinila hila ko pa pababa yung braso ni Peter.
"Easy ka lang, masyado kang hot. Hehe… halika na nga, iuuwi na kita kay Geoff…"
Shwing! Nasa hagdan na naman kami ng bahay ni Geoff.
"Alis na ‘ko!" Chuweng!
Chuweng! Appear ulit… "alalahanin mo nga yong mga sinabi ko sayo noon…at tanungin mo rin sa sarili mo kung natuklasan mo na yun…" chuweng!
Chuweng! "Ano naman ??!! pangalawang balik mo na to ah! Nag-eenjoy ka na yata sa teleport teleport na yan eh!"
"Tandaan mo rin lahat ng nangyayari ngayon, importante lang. totoo na to, aalis na talaga ako, bye!" Chuweng!
"Pinagsasabi nun? Ang gulo palang kausap ang mga anghel!"
Umakyat na ko sa kwarto ni Geoff. Tulog na sya. 4:17 am pa lang naman kasi. Umupo ako sa sahig at tiningala sya sa kama nya, napapabuntong hininga ako pag naaalala ko yung nakita ko sa vision ko kanina. Kawawa pala ang monster na si Geoff. Tch tch tch
4:49 am na. Di man lang gumalaw sa higaan nya si Geoff. Pati sa pagtulog, napaka-stiff nya. Kahit isang galaw lang sana ng daliri, wala talaga.
Nag-indian ako… inip na inip na ako. Nag-hum ako pero parang amboring kaya kumanta na lang ako…
(reflection –christina aguilera)
♪♪♪"Look at me…
You may think you see who I really am…
But you’ll never know me…
Everyday…
Its as if I play a part..
Now I see if I wear a mask..
I can fool the world…
but I cannot fool my heart…"♪♪♪
***
Geoffs POV
♪♪♪"Who is that girl I see..
Staring straight back at me??
When will my reflection show…
Who I am inside…."♪♪♪
Nag-aacapella na naman sya. Akala ko may radio sa tabi ko kaya ako nagising, yun pala ay kumakanta na naman si Jessie.
How could that crazy girl owns such a beautiful voice?
Kunwari tulog ako… di ko minulat mata ko.. pinapakinggan ko lang pagkanta nya na parang lullaby sa pandinig ko.. ang ganda kasi ng boses nya—err… nasasama na ko sa kabaliwan niya, pinupuri ko na sya. Tch.
Then tumigil sya, bakit kaya?hmm?
Nagbago pala sya ng kinakanta…
(out of my league---version ni Jessie)
♪♪♪"Its his hair and his eyes today
That just simply take me away
And the feeling that im feeling further in love------------"♪♪♪ nag-stop sya, "in love? Nasa medical hospital ako pero hindi sa mental so bakit ako maiinlove sa kanya????"
Anong ibig nyang sabihin?? Na baliw lang maiinlove sa kin???? Loko to ah!
Tapos naramdaman kung palapit sya sakin… at tumapat yung mukha nya sa mukha ko..
"Parang galit sa mundo kahit natutulog… " wika nya… "nakakunot ang noo.. ano bay an, buhat nya ba ang buong sanlibutan???"
Bigla akong nagmulat ng mata… "anong ibig mong sabihin nyan?"
Mukhang di man lang sya nasindak sa kin, lumayo na sya ng kunti, "wala lang. gusto ko na ngumiti ka naman kahit paminsan minsan lang." Namaywang pa siya.
She looks good on her navy blue off shoulder dress, I wonder kung panu sya nagpapalit ng damit everyday.. "San mo nakuha yang damit mo? May closet ka ba??"
"Bakit, bagay ba??" Nakangiting umikot pa sya para ipakita sa kin ang kabuuan ng bestidang suot nya.
"Hindi."
"Shunget! Inggit ka lang !" nagtounge out pa sya.
Pumasok na ko sa banyo na pinipigilan ang ngiti. Di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na may kasama akong kaluluwa sa bahay .
Paglabas ko, wala na sya. Bumaba ako, andun nga sya, tinitignan yong family picture namin…
"That’s my dad, Carnate, my mom, Benita, my sister ,Genevie, she’s Eunices mom, and then there, that’s me." Sabi ko.
"Liit pala ng family nyo noh? Asan ang parents mo?"
Gusto ko sana syang supalpalan ng ‘pakialam mo’ pero iba naman ang lumabas sa bibig ko, "Italy, family business. My sister is a boutique owner and im a businessman. pamilya kami ng mga negosyante,.. pero sa tingin ko, si Eunice lang ang mag-iiba ng linya, she's a fashionista. baka maging model din sya..."
"Wala ka bang balak magpakasal?para may magdala ng pangalan mo pag nabura ka na sa mundo??"
+++
[CONT. OF 4TH DAY]
Jessies POV
Uh-oh, Jessie. Youre in trouble. Wrong question yong natanong mo. Hayan, didilim na mukha nya, ililibing ka na nya… ----kutya ng isang bahagi ng isip ko---
"I tried but I failed." Tumalikod na sya.
Huh? Anong sabi ni Geoff?? Pareplay!
"I tried but I failed"
"I tried but I failed"
"I tried but I fail--------"
Sirang plaka lang eh??tss. mabait sya ngayon ah. Sinundan ko sya. Nadatnan ko sya sa garden, umiinom ng tsaa. Tahimik lang.
Di dapat ako magulo…. layo layo muna……… 1 meter away…….
Gawin ko na lang 2 meters……
3 meters……..
Or 4meters kaya……
“Ouch!” Mahinang usal ko… "Uwaa! May naramdaman ako???" Pahlingon ko, chuweng! "Kaya naman pala e! Peter talaga! Kala ko pa mandin kung ano na!"
"Hehe. Busy ka sa pag-atras eh, baka madistract kita."
"Oh sya! Bakit nandito ka na naman aber??"
"Sama ka sakin." Hinawakan pa nya kamay ko.
"Saan?"
"Sa langit???"
"Kalbuhin kaya kita??"
"Hehe," shwing! "Dito."
Nasa loob kami ng kwarto ko sa ospital…
"Miss Mylene, its been four months mula nang ma-confine sya dito. Di na sya kayang supurtahan ng mga charities. Maliit na rin ang chance ng pagkagising nya. mahal rin ang mga gamotnya. Ho cn yo handle it? You must decide if we’ll going to cut her medicines….and her oxygen…. Or itutuloy mo pa rin. This could take a lifetime. And this will cost a lot of money ..im really sorry." Lumabas na yung doctor a nag-speech kanina.
"Narinig mo yung sinabi ng doktor mo kanina?"
"Loud and clear. Hala panu yan???"
"Kaya nga kita dinala rito para makaisrte ka na. Landiin mo na kasi si Geoff!"
"Gag*!"
Shwing! Bahay ulit. Wala na si Peter…. Nilapitan ko naman si Geoff….
"Pre, pede pautang???"
"Saan mo naman gagamitin?? Kaluluwa ka lang??"
Iuntog ko to ee! Tch. Kung di ko lang sya kailangan ngayon eh! "Pampagamot ko lang, babayaran ko naman pag nagising na ko e!"
Desidido na talaga akong mabuhay… panu ko nga ba masisimulan yang misyon ko??? Eeerrrrr! Manhid tong si Geoff eh! Apat na araw na nakakalipas, may 28 days pa ako bago ang unang patak ng ulan!
Pagkatapos maligo ni Geoff, nagpunta na kami sa ospital… binayaran nga nya yung mga expenses ko dun pero good for 10 days lang … nahiya kasi ako kanina nung makita ko kung magkano yung babayaran para sa 1 month… kahit yata magtrabaho ako ng buong buhay k okay Geoff, di ko pa rin sya mababayaran
Nagpunta kami sa kwarto ko… tahimik lang si Geoff sa isang tabi… o mas tamang sabihing natulog lang talaga sya… hanggang tanghalian kami dun kasi may pinuntahan sina Mylene at pinakiusapan si Geoff na magbantay daw sa “kin”.
Nang magising si Geoff, andun na rin sina ate. Nagpaalam na sya….
Paglabas namin, nakasalubong namin sina Mitchie at Dereck, nakaakbay yong braso ng lalake sa babae.
"Hi, G-Geoff," napapayukong bati ni Mitchie ..
"Wag kang bitter boyfriend, ngiti lang," bulong k okay Geoff nang makita kong maghoholding hands na naman kilay nya.
"Anong nangyari sa yo , brod?" Kaswal na tanong ni Geoff kay Dereck sa magaang tono. Ramdam kong medyo kumukulimlim na yong maliwanag na puso nya kanina.. kung bakit kasi nagpakita pa tong dalawang to!
Alanganing ngumiti naman si Dereck, di inaasahan na magiging ganun ang trato ni Geoff sa kanila… "uhm… napilayan lang ako.."
"When??" Tanong ulit ni Geoff
"T-two months ago…" sagot ni Dereck..
Anong meron??? Bat di ko magets????
"Ang tagal namang ‘pilay’ yan… and oh, Mitchie," hinarap nya yung babaeng halos di na tumitingin sa kanya, "isn’t it a coincidence??? Or karma kaya? Two months ago..yon yong araw n asana ay magpapakasal ka sakin, di ba?? Sinabi mo yun, and when was that?? Ah, two years ago…" ngumiti pa si Geoff, "okay, pagaling ka , brod, alis na ko. Magkikita pa naman siguro tayo kasi magkapareho lang naman kayo ng ospital ng “pinakamamahal kong girlfriend”."
Nauna na syang umalis. Lakad takbo naman ginawa ko at sa parking lot ko na lang sya naabutan.
"Ano yun???" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti sya pero halata naming peke yun. Di na lang ako umimik. Baka mag-alburuto na naman sya eh.
Pagdating namin sa bahay. May babaeng naghihintay doon, si Genevie, kapatid ni Geoff … nandun din si Eunice,
"Dear brother, my ever dearest brother…" nakangiting bati ni Genevie
habang nagwe-wave naman ng kamay si Eunice sa kin….!
"Big trouble, pre… magwave ka na rin ng hands, dali!"
Nag-‘hi’ naman agad si Geoff kay Eunice,
"Hi, tita Jessie!!!!!!"
Naku, patay!
"Hehe, si Eunice talaga..ang wild ng imagination…" napajoke pa tuloy si Geoff.. pareho na kaming taranta.
"Huh??" Kunot noo naman kapatid ni Geoff, marahil ay iniisip nyang bumigay na utak ni Eunice…o ni Geoff… "kaw Geoff ha, noong isang araw pa sya ganito… kinukwento sa kin ni Eunice na may kasama ka raw na babae dito sa bahay mo pero hindi naman daw si Angelie.. that’s why we’re here…so where’s Jessie??"
"Mommy, she’s beside------"
"Eunice! Naglalaro din kami ng mommy mo ng Kunwari Di nyo ko Nakikita!" bulalas ko… sana sakyan ng bata… pls pls pls…
"Lets go inside na po! Hihi…"
Question mark sa mukha ni Genevie at ni Geoff…
Pagkatapos ng 1000000 minutes na pagtititigan ng magkapatid, pumasok na rin ‘kami’…
"Ahm ate…about yung sinabi ni Eunice.------"
"Geoff, kung talagang gusto mo sya, go!"
Engks!? Ano sabi mo ate??? Buti na lang naglalaro si Eunice at di nakikialam sa usapan ng mga matatanda…
"Anyway, naparito ako kasi birthday na ni Eunice the next day, if you want to come------"
"Pakealam ko ba naman sa birthday nya? 2 yrs na akong di dumadalo ah so whats the big deal?" Walang pakyemeng sabi ni Geoff.
Hello? Ingudngod kaya kita sa sahig! Dalawang taon na palang di nagaattend sa birthday party ng kaisa isa nyang pamangkin!
"Geoff, its been two years since Mitchie left you… but look, walang kasalanan si Remuelb kung bakit ka iniwan ni Mitchie para sumama kay Dereck… pinsan lang ni Remuelb si Dereck kaya okay lang naman na umattend sya sa party, di ba? Please, brother, make a change."
"I’ll see."
Umalis na nag mag-ina.
"Oy, sino si Remuelb???" Tanong ko kay Geoff.
"My sisters husband. Sa party rin ni Eunice nagkakilala sina Dereck at Mitchie noon."
"Bitter ka talaga. Mag-attend ka na, please????" pinagsalikop ko pa ang palad ko.
"Ano namang masaya sa party? Tch. Ikaw na lang pumunta, total, isip bata ka naman."
Hinawakan ko sya sa braso, "masaya dun, may sack race na naka-heels pa yung mga contestants! May bring me pa! basta masaya dun, pls?? Sige na!"
"Bat ba ang kulit mo?"
"Bat ba yaw mo??"
"Bat ba pinipilit mo ko?"
"Bat ba yaw mo kong pagbigyan??"
"Tch! Basta! Ayoko! Di ako isip bata!" Tinalikuran nya ako.
"Ulol! Hindi raw isip bata pero teddy bear naman yung boxers mo!"
Aysus Lord! Nilingon nya ako… ang talim ng mga mata nya! ayoko na! "hehe… jowks. Wag na, sabi ko nga, bakit ba ang kulit ko ??sabi ng wag tayong umattend eh." Sabi ko habang unti unting lumalayo..
***
Author: Hehe... ano vey! Please pavote naman po, hit 'like' na rin ah! Taz leave a comment.
+++
[5TH DAY]
Jessies POV
Nakatagilid ako sa kama ni Geoff, nakatukod ang isang kamay ko sa malambot na unan at ipinatong doon ang ulo ko habang pinagmamasdan ang likod ni Geoff. "Sige na kasi, pre, payag na kasi," alam kong gising sya kasi 8 am na. ayaw lang nya akong kausapin, "minsan lang naman please?"
Poke dito…
Poke doon ang ginawa ko sa kanya.
Tapos yinugyog ko naman balikat nya.
"Ano ba, Jessie!?" Pumiksi sya at humarap sa kin.
Hinanda ko naman ang pagkasweet sweet kong ngiti. It’s now or never! "Punta na kasi tayo…birthday yun ni Eunice, iyong pagkacute cute mong pamangkin. Hehe. Sige na. payag ka na di ba????????"
"Alin ba sa salitang ‘hindi’ ang di mo maintindihan at ieexplain ko sayu?! Ang kulit ng pinaglihian sa yo!"
"Ang tigas naman ng ulo mo, eh. Bakit din ba di mo maintindihan na--------!"
"Na ano? Ha?"
"Na-----" ano nga ba? Dapat mabait pala ako! "Na maganda ako! Hehe…. Sige na kasi!" Wala na akong masabi eh, baka kung sabayan ko yung init ng ulo nya, lalo syang di pumayag.
"Ahy ewan ko sayong babae ka." Tumayo na sya at lumabas ng kwarto.
"Saan naman pupunta yun??"
***
Geoffs POV
Ang kulit talaga ng babaeng iyon. Kaluluwa na nga, gusto pang makisali sa party. As if naman may makakakita sa kanya doon eh ako lang naman at si Eunice ang nakakakita sa kanya.. baka pag dumalo kami, pagmukhain pa nya akong tanga sa pakikipag-usap sa kanya.
Sabi ng ayaw ko eh. Isa pa, sinabi nyang ayaw ko daw intindihin na maganda sya eh wala naman akong sinabing ganun, sa katunayan nga, maganda sya-------ano bang iniisip ko? Hindi sya maganda, ahmm, oo, maganda naman sya pero kahit na! makulit pa rin sya at napakaingay nya!
Tumayo na ako at lumabas. Narinig ko pang tinanong nya ang sarili nya ng “saan naman pupunta yon?” nadadamay na nga yata ako sa kabaliwan nya kasi pati ako ay di ko rin alam kung saan ako pupunta at kung bakit ako lumabas ng kwarto eh kwarto ko nga yun.
Tch. Ang gulo na ng buhay ko mula nung dumating sya…
Bumaba na lang ako sa kusina at nagtimpla ng paborito kong tsaa. Bumalik ako sa kwarto ko dala ang tsaa…..
Para lamang makita na nagta-trampoling na sa kama ko si Jessie.
Langya talaga. Ang lakas ng topak nya. ilang minuto lang ako nawala ay nakaisip na agad sya ng paraan para sirain ang kama ko.
"Jessie, get off my bed!"
"Jessie, get off blah blah blah…" gaya nya sa sinabi ko pero non-stop pa rin sya sa pagtalon talon, tumawa pa sya, "ngayon lang naman e! samahan mo ko! Wuuuhhhoooooo!"
Binaba ko ang tsaa ko sa bedside table at sumpa ako sa kama…… hindi para samahan sya sa katangahang naisip nya kundi para pigilan sya sakalokohan nya..
Pero dahil magalaw yung kama, hindi ko nabalanse ang katawan ko… bago ako bumagsak, nahawakan ko pa yung kamay nya kaya pareho kaming lumagabog sa sahig..
***
Jessie’s POV
Tawa ako ng tawa pagbagsak namin ni Geoff sa sahig. "Pre, ano ba yan, hindi ba masyadong masagwa tong ayos natin??? Ampanget ha, ako yung nakapatong sa yo!" Tama yun, ako nga yung nasa ibabaw ni Geoff.
"Umalis ka na nga! Ang sakit ng likod ko eh!"
Hayan, binulyawan na naman nya ako. "Eh kesa naman ako yung nadaganan mo, para naman akong nabagsakan ng bakulaw nun! Hahaha!"
Umalis na ko sa pagkakapatong sa kanya. Medyo naaasiwa na rin kasi ako sa ayos namin. Parang ako pa yung nangrerape sa kanya.
"Tch! Imposible ka talagang babae ka! Di ka nga kumakain pero ang bigat mo naman!"
Iningusan ko sya. "Ewan ko sa yo. Slim pa nga ako eh, sexy oh, you see that?" Nagpose pose pa ako sa harap nya, umupo na kasi sya, "ganda di ba? Maiinggit sa alindog ko ang sino mang babae!"
Naglakad pa ko ng parang model.
"Ewan ko sa yo." Nagtungo sya sa cr.
"Gusto mo samahan kita , pre?”
O_______O
Haha. Ganyan kalaki mata nya. di ko naman tototohanin yun, gusto ko lang syang biruin at makita ang reaksyon nya. humagalpak na naman ako ng tawa. "Epal ka naman , pre, buksan mo na nga yang tv at manonood ako,…" pwumesto na agad ako sa kama..
Nakasimangot naman syang sumunod sa sinabi ko.. kahit kalian talaga di na sya natutung ngumiti sa kin…
"Pero punta tayo sa party ha?? Ha??? Ha???"
"Whatever," yun lang at pumunta na sya sa banyo.
After 666 years lumabas na sya, bagong paligo.. macho naman nya.. namamanyak ako! Shet! Nilulumot utak ko sa katawan nya! haha…
"Dito ka lang, may pupuntahan ako.. manood ka na lang."
"Ha?? sama ako, pre!"
"Dito ka lang sabi e."
Wala na kong nagawa nung umalis sya. San naman kaya lakad nya??? di naman sya nakabusiness suit?? Hmmm?
Bahala na nga lang sya sa buhay nya!
Tanghali............... "eh bat wala pa yung lalakeng yun???"
talagang wala pa sya... nabo-bore na rin ako sa pinapanood ko... di ko nman mailipat lipat yun.... Hhhmmmmmmmmmmm...
Makalabas nga muna...
***
Author: Ahyst… mag-iisip pa ko... haha
+++
[CONT. OF 5TH DAY PLUS 6TH DAY]
Jessies POV
naiinip na talaga ako.. wala naman sigurong mawawala kung maglalakad lakad ako sa paligid, di ba.. Di naman ako mababangga o masasagi ng iba...
Lakad........
Walk...........
Hop..........
Run........
Stop.......
Repeat 123456789 times...
At sa paglalakad lakad kOng yun with matching hop at run, nakarating na ako sa simbahan na pinuntahan ko din noon..huh! di naman ako pagod... medyo bilib lang ako sa sarili ko...
"Makapagpray nga keh God..."
Pagpasok ko sa simbahan, nakita ko na naman yung matandang nakausap ko noon...
Nilapitan ko sya at umupo ako sa tabi nya.. Pansin kong walang tumatabi kay lola ......
"Hi, 'la.. Long time no see ah? Wazzup???" tanong ko pag-upo ko.. Nakatunganga lang naman sya sa altar... Tinapunan lang nya ako ng ngiti at binigyan ng tipid na ngiti, "magsalita ka naman , 'la!"
"Ccongrats, anak... mukhang matatapos mo na ang misyon mo ah..."
"Ha? 'La naman... ni di ko nga alam simulan eh.. yun nga kasing kasama ko, hayun at nilayasan ako. Hinayaan ko na nga lang yung tv na nakaopen eh! hehe... at least may pangbayad sya!" parang kinakausap ko lang sarili ko kasi parang di naman nakikinig si lola sa kin.
'wag kang lalapit jan, baliw yan!'
napalingon ako sa babaeng pinagbabawalan ang anak na lapitan si lola.. "Abat?! eh lola! wag ka din lalapit sa babaeng yun, malay natin kung may sakit pala syang nakakahawa na di pa alam ng mga scientists! kala mo naman kung sinong maganda noh!"
"Anak, sanay na ako sa mga yan.." ngumiti pa si lola sa kin...
Kung sa kin lang nangyari yun, baka sa ospital na lang makikita ang babae kasi bali-bali na ang mga buto nya! naiinis talaga ako!
"Jessie, bago ka maging tigre jan, umuwi ka na, andun na si Geoff na halos hinahalughog na ang buong bahay para lang mahanap ka.
Hayst. Buti na lang at may newscaster pa ako... "Lola,--------------"
"Mauna ka na, pinapauwi ka na di ba??? Pinapauwi ka na ng anghel.."
"H-ha???"
Di na nagsalita si lola... naman! Naririnig din ba nya si Peter?? Astig talaga si lola oh! Like ko na sya kung FB ang pag-uusapan at vote and like ko na din sya pag sa wattpad! Hehe
Lakad......
Takbo.......
Walk...........
Hop......
Lakad na naman.........
Run run run....................
Stop!......
Andito na ko! Pagpasok ko sa loob ng bahay.......
"Saan ka ba nagpunta , kaluluwa ka!? naku! nagpapatulong ka na nga, ikaw pa ang nangiwan sa bahay!! sabi ko namang dito ka lang eh!" paikot ikot si Geoff sa loob ng bahay... parang shunga kasi kinakausap pa nya ang sarili nya...
Pumwesto ako sa likuran nya, nasa hagdan sya noon, pataas na naman,
"Dyaran!!!! andito na ko!!!!"
Marahas na lumingon sya sa kin.. "At san ka naman naglagalag ngayon???"
"Echus ka ha! Na-miss mo naman agad ako! Haha.. ikaw ha! Di mo kasi ako matiis na di ako makita kahit isang ara--------"
"Pwede ba? Hinanap lang kita para pagsabihan na pupunta tayo sa kaarawan ni Eunice." tumalikod na sya.
O_O
^__________^
"Yippeeee! matutuloy kami!!!!!” I cant help but jump jump jump!!!!
+++
[6th day]
"Hayan, pasalamat ka sa kin at yan ang napili kong damit sa yo, oh di ba ang ganda???"
I looked at my self one more time... tama nga si peter, bagay sa kin yung suot ko, cocktail silk dress na kulay black na open ang likuran.. "sexy but ellegant... shemz! ang ganda ko!"
"Oo na, oh sya, diskarte mo na yan."
"Hehe, thank you , Peter! Mahahalikan na talaga kita!"
"Wag na! Si Geoff na lang ang halikan mo, babush!"
Anong si Geoff na lang ang halikan ko? Eh ayaw nga nyang magpahawak sa kin eh, halik pa kaya? Tch.. Sungit sungit pa naman nun!
"Jessie! lalabas ka ba jan sa banyo o hindi! Para namang maliligo ka, kanina ka pang madaling araw jan ah!
Hayan na ang alarm clock ko na dapat ko nang tigilan ang pag-admire sa sarili ko.. Hinanda ko na ang posture ko... Hinga ng malalim...
Lumabas ako....
Ngiting ngiti na humarap kay Geoff.......
Hayan....
Magsasalita na sya......
“Birthday party ang pupuntahan natin, hindi lamay. Gumilid ka nga!"
Pumasok na sya sa banyo.
What?!?!?!?!? Ang ganda ganda ko pa mandin ngayon tapos ganun lang ang sinabi nya sa kin!!!! Acgjsfhwiudsvh bhsjdgahJSHAKJ!!!!!!!!!!
"Inhale exhale ka nga! Nasisira ang make up mo!"
Sinunod ko naman sinabi ni Peter,,, Unti unting bumalik ang composure ko........ Hinga pa..... Kulang na yata ng oxygen ang mga nerves ko sa utak.. Nakakainis na Geoff yun!
Nagpunta ako sa sala....
naghintay ako na bumaba sya... 10 minutes.... plus five minutes equals 15 minutes.....
***
Geoff’s POV
Ang tagal naman ng babaeng yun sa banyo... Kanina pa syang madaling araw doon, sigurado ako kasi nagising ako nung marinig ko yung yabag nya papuntang banyo.... At ngayon naman na maliligo na ko, nandun pa rin sya. Alas syete na ng umaga!
"Jessie! lalabas ka ba jan sa banyo o hindi! para namang maliligo ka, kanina ka pang madaling araw jan ah!"
Di sya sumagot... Talagang sisipain ko na sana yung pinto kasi ang bagal bagal nya....
Nang unti unti syang tumagos sa pinto... Bakas sa mukha nya ang kasiyahan.........
Para namang di gumana yung utak ko kasi wala akong masabi.... she looks............ Ahm....... Somewhat good?? Yeah, somewhat good.
Pero iba nasabi ko.....
"Birthday party ang pupuntahan natin, hindi lamay. Gumilid ka nga!"
At pagpasok ko sa banyo, napangiti ako... Alam ko kasing parang bulkan na syang malapit ng pumutok...
Naligo na ako.......
Pagkaligo ko, wala na sya sa loob ng kwarto.. Nasa baba na siguro... Naghanda na ako.......
***
Jessie’s POV
Bakit ang tagal nya??? Aba’t isang taon na sya ah!
"Hey."
Lumingon ako sa hagdan...... Umingos ako. He looks so damn good! Pero, gaganti ako!
"Alam mo, childrens party ang pupuntahan natin, hindi business meeting! Dalian mo, 9am na."
Tumalikod na ako at nauna na akong sumakay sa kotse.. Di ko na tuloy nakita yung reaksyon nya...
Habang daan, di kami nag-uusap.. Nakahalukipkip lang ako.. Bahala sya sa buhay nya.
"Don’t talk to mo when we get there."
Blah blah blah. Wala akong naririnig.
"You hear me? Sa gilid ka lang."
Whatever. Talk to my beautiful hair.
"Jessie..."
Jessie?? ang tigas naman ng ulo ng Jessie na yun, di pa rin kausapin tong kawawang lalakeng to. Tch tch.
"I’m not joking,"
Bleh! :p Nakamighty bond ang bibig ko.
"Jessie!"
Napakislot ako sa upuan ko, "kabayo ka naman eh! Nagpa-practice na nga ako para di ka kausapin eh! ikaw naman tong makulit! Hmp!"
"Okay."
Akala nya ha! Reyna ata to ng deadmahan!
987654321 minutes at nakarating na kami sa bahay nina Eunice, maghapon kasi ang celebration ng bata, sabagay, nagiisang anak eh..
Gaya ng sinabi ni Geoff, sa gilid lang ako kung saan di ako makikita ni Eunice at kung saan di ako mababangga ng mga tao.. Dumarami na ang tao pero kunti lang naman ang mga bata na anak lang siguro ng mga ilang bisita.
Worse, andun na din sina Dereck at Mitchie.....
"Kung sumama na lang kaya ako sa yO???" pangungulit ko kay Geoff. Dumilim kasi agad mukha nya pagkakita sa dalawa eh.
"Stay there. "
Para naman akong tutang sumunod.
Naglaro ang mga bata, trip to jerusalem pero ang twist nun, may kasamang mas matanda ang mga bata... Kasama ni Eunice si Geoff, medyo umayaw pa nga si Geoff kanina eh pero ngumawa si Eunice kaya hayun, pumayag na rin sya.
Tawa ako ng tawa kasi hindi makahabol si Geoff sa energy ni Eunice.. Sya pa nga hinihila ng bata...... Sa huli, talo sila.
Palihim akong lumapit sa kinauupuan ni Geoff, safe ako kasi wala si Eunice, busy sa panonood sa clown na nagpeperform... Magkatable kasi sina Geoff, Genevie, at yung Remuelb at sina Dereck at Mitchie.
"How’s your girlfriend, Geoff?" pang-o-open ni Remuelb
"She's in the hospital," simpleng sagot ni Geoff.
"Pero hindi ba sabi ni Eunice na kasama mo sa bahay?" si Genevie
"Imagination nya lang yon," kumuha ng wine si Geoff sa dumaang waiter.
"Mahal mo ba?" panghuhuli ni Genevie.
Umilap yung mga mata ni Geoff..
“Eherm..” pagpapapansin ko... tumingala sa kin si Geoff at binigyan ako ng "go-away" look.
"Yes, i love her, kapag gumaling sya, yayayain ko syang magpakasal." Wow Geoff! Kasal agad??
"Mahal mo nga," ang epal na si Mitchie.
Tumingin sa kanya si Geoff, "Yes. At magpapakasal talaga kami kasi wala syang balak magmodelo sa New York at ipagpalit ako sa ibang lalake."
"Bhdejwyfgewuh! Wag kang ganyan!" tinuktukan ko yung ulo nya.
Napayuko lang naman sina Dereck at Mitchie dahil alam naman nilang sila ang pinapatamaan ni Geoff.... .Hindi ko alam pero nasesense ko na wala ng bitterness sa boses nya...
“If you’ll excuse me, I just need some air... fresh air." Umalis na si Geoff, ni wala syang ‘sorry’ na sinabi sa mga kasama nya sa table, kung nakikita lang nila ako, ako na sana humingi ng tawad sa kanila.
Sinundan ko si Geoff... Patungo sya sa kotse......
"Hoy! San ka punta!?"
"Uwi na! Di ka ba sasama?"
"Uwi???"
"Oo!"
Seryoso nga sya!
Drive..........
Silence........
Drive........
...........Home..........
***
Author: Hayan! Bat ganyan! Haha.. Pa-vote naman taz pa-like and pa-fan taz comment!
+++
[CONT. 6TH DAY]
Jessie’s POV
Bumaba na ng kotse si Geoff, tumagos naman ako at sinundan sya.
"Bat ka umalis?” Paakyat na sya ng hagdan.
Di man lang nya ako nilingon, ''dahil gusto ko.”
"Bat di mo ko tignan?!"
"Dahil ayaw ko."
Takte! Patirin ko sya eh! "Bat ka nagmamadali?!"
"Dahil may pupuntahan ako."
Eeeee! Naririndi na ako sa question and answer portion na to ah! Nagdabog ako, eksakto namang sinara nya yong pinto ng kwarto nya, nang-aasar ba sya?!
Tatagos ako sa pinto! Kala nya ha!
Nang………………………
Toogsh!
Napahawak ako sa noo ko na nakipaghalikan sa pinto. Takte talaga! Bat di ako tumagos?! Kalian pa nya pinahalagahan tong sinumpang pinto na to?! Hinawakan ko yong seradura ng pinto at binuksan yon...
"Langya naman , pre! Kailan mo pa binigyang halaga yung pinto mo??" Hawak hawak ko pa rin yung noo ko, di nya ko sinagot kasi… "bat ka nag-eempake?!"
"Dahil wala kang pakealam."
Eto na naman po yung Q and A namin. "Di ako nakikipaglaro sa yo ah!"
"Bakit ba? Aakyat ako sa Baguio, masaya ka na?"
"Iiwan mo ako rito? Paano na ang misyon ko? Sino na ang tutulong sa kin? Wala! Tapos ngayon, aalis ka pa?! Katukin mo nga yang ulo mo at nang magising ka sa realidad!" Ako na mismo kumatok sa ulo nya.
"Ano ba? Di ka ba sasama?"
"Ha?" teka, nabingi ako, "sama ako? Promise?"
"Ah ewan ko sayo." Binuhat na nya maleta nya palabas ng pinto, sumunod ako… bumaba na sya, sunod uli ako… punta sa garahe, sunod uli….
Sumusunod lang ako, "anong drama mo ngayon, pre?"
"Sasama ka ba o hindi?" Nilagay na nya sa backseat yung maleta nya at pumwesto na sya sa drivers seat.
"Sama syempre! Wutwo! First time ko sa baguio kung ganun! Ano ba nandun? Hihi. Malamig daw doon eh, tama ba?????"
"Oo." Nilabas na nya sa gate yung sasakyan, automatic naman yung gate kaya no problem na sya doon.
Excited na talaga ako. Di ako mapakali sa kinauupuan ko… "matagal pa ba? Gusto ko ng mmakita ang baguio, pre!"
"Dyan na lang sa kabilang kanto."
"Ulol!" Di ko na pinatulan yung sinabi nya, baka mamaya eh ihulog nya ako sa bangin sa Baguio, "hehe, basta Baguio, here we come!"
Tumahimik na ako at nanonood lang sa view na nalalagpasan namin……
1 hour and 30 mins…… amboring naman talagang kasama itong si Geoff oo! Nakamamatay talaga sya! "Susuko na talaga ang Bataan pero di ka pa rin magsasalita noh?"
Di sya sumagot. Di ko naman alam kung narinig nya ako pero ayw nya akong sagutin o nagbibingi bingihan sya kasi ayaw nya akong sagutin…hmmm… pareho lang naman ata eh.
"Pa-on naman ng radio, pre."
Tutok na tutok pa rin sya sa daan.
"Ilang oras ba ang byahe?------------oy!"
Bumuntong hininga sya, "seven hours."
"Ayan! Sumagot din! Yey! On mo na ang readyo, dali!"
In-on na nya. suko na yata sya sa kaingayan at kakulitan ko.
♪♪♪”Just when I thought I was over you…
Just when I thought I could stand on my own…
Oh baby, those memories came rushing through…
And I just cant… go on without…
Go on without…
Go on without…
You!!
Without you!!!!”♪♪♪
Todo birit pa ako sa pagsunod sa kanta ng air supply nang patayin ni Geoff yong radio…
"Ahy may ampalaya!"
-____- blank face lang sya.
"Okay ka lang, pre?"
Same reaction.
♪♪♪”When you love someone, you’ll do anything…
You’ll do all the crazy things that you cant explain…
You shoot the moon, burn out the sun…
When you love someone…
You’ll deny the truth, believe in lies♪♪♪-----------ahy kalabaw na lumilipad! Ano ba----hoy!" Biglang nagpreno kasi si Geoff at talagang naging isa kami ng wind shield kanina… bumaba sya ng sasakyan. Tumingin ako sa paligid namin… wala namang tindahan o restaurant o gasolinahan doon para tumigil sya… nasa bridge kami ngayon na ngayon ko lang nakita at hindi ko alam kung ano ang pangalan. Dumungaw ako sa bintana, "pre, mainit na nag sikat ng araw, baka gusto mo ng pumasok??" Pasigaw na sabi ko.
Nakatingin lang naman sya sa kawalan… problema nya? Mali ba yung kinanta ko? Maganda naman boses ko ah! Or…. ayaw nya nung lyrics ng kinanta ko? Jessie kasi! "Baba ako…hindi baba… baba ako… hindi baba… baba ako… baba ako!" Wala naman akong petals na tinatanggal.. imagination ko lang yun. I get off the car wondering kung bakit ko in-english ang “bumaba ako ng sasakyan”, for the first time yon ah! Lupet ko! (ano daw, author?)
Sinundot ko yung braso nya, "Geoff…"
"Ganda ng view ,no?"
Tinignan ko naman yung view... pagmi-meet ng tubig-tabang sa tubig-dagat… nagrereflect yong sun doon.
Pero………………
Teka……………
"Bumigay na ba katinuan mo, pre?"
"Silly. Lets go. Gagabihin na tayo." And he smiled.
Oh.
My.
Goodness gracious heavens!!!! Ngumiti si Geoff! Ang taong bato ay unti unti ng natitibag!! Bwahaha…
Sumunod na ko sa kanya sa kotse.
"Anong nginingiti ngiti mo ryan?" Tanong nya sa kin. Pinaandar na nya yung kotse.
"Wala." Ngiti ulit. Baka kapag sagutin ko yung tanong nya, magmarakulyo na naman sya.
***
Geoff’s POV
Nagpaalam na ako sa mga kasama ko sa table. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko, if freedom sa kasinungalingang pinanghahawakan ko sa matagal na panahon na magpapakasal pa rin sa akin si Mitchie at mahal pa rin nya ako o ang natuklasan kong katotohanan na hanggang sa ngayon ay malaki pa ring puzzle sa kin… tch.
Sunod naman ng sunod ang di maka-gets na si Jessie. Question mark yong nasa mukha nya hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Bat ka umalis?" Tanong nya sa kin nung umaakyat ako ng hagdan.
Hindi ko rin alam kung bakit ako umalis. "Dahil gusto ko."
"Bat di mo ko tignan?"
Dahil naguguluhan ako. "Dahil ayaw ko."
"Bat ka nagmamadali?"
Oo nga? Di ko rin nahalata na halos takbuhin ko na yung hagdan. "Dahil may pupuntahan ako." Dahil may pupuntahan ako??? Anong klaseng sagot yon??? Saan naman ako pupunta??
At bakit para akong contestant sa pageant?!
Narinig ko yong pagpadyak nya ng paa. Pumasok na ako sa kwarto ko at isinara yung pinto na hinahaplos haplos ko pa kaninang umaga at natutuhan ko na ring pahalagahan …tignan ko lang-------
Toogsh!
Sapul!
Hahagalpak na sana ako ng tawa nang pumasok si Jessie, sapo ang noo nya. Yes! Nauntog sya!
"Langya naman , pre! Kalian mo pa binigyang halaga yung pinto mo??… bat ka nag-eempake?!"
"Dahil wala kang pakealam." Maiksing sagoT ko.. Baka kasi pag humaba yung sasabihin kO eh matawa lang ako. Nagempake ako habang nagiisip Kung saan pupunta… Ting! Sa baguio! Summer naman ngayon eh.
"Di ako nakikipaglaro sa yo ah!"

"Iiwan mo ako rito? Paano na ang misyon ko? Sino na ang tutulong sa kin? Wala! Tapos ngayon, aalis ka pa?! katukin mo nga yang ulo mo at nang magising ka sa realidad!"
Ang dami nyang sinabi tapos—toktok! Kinatok pa nya ang ulo ko. Tch! "Ano ba? Di ka ba sasama?" Oo. Tama, isasama ko naman talaga sya eh.
"Ha?" pause. "Sama ako? Promise?"
"Ah, ewan ko sayo." Bumaba na ako.
"Anong drama mo ngayon , pre?"
"Sasama ka ba o hindi?" Nailagay ko na sa likuran yung maleta ko at pumwesto na ko sa likuran ng manibela.
"Sama syempre! Wutwo! First time ko sa baguio kung ganun! Ano ba nandun? Hihi." Bumungsngis pa sya. "Malamig daw doon eh, tama ba?????"
"Oo."
di sya mapakali sa upuan nya. para syang pusang di makairi. "Matagal pa ba? Gusto ko ng makita ang baguio, pre!"
"Dyan na lang sa kabilang kanto." Sya na ang ignorante.
"Ulol! Hehe. Basta Baguio, here we come!"
Anong pinagsasabi nya? pinaglihi yata sya kay simsimi.! Ang kulit e!
Magdadalawang oras na akong nagda-drive, pasulyap sulyap lang ako sa kanya… di na rin sya nagsasalita… tahimik lang sya pero halata naming atat na atat na syang magsalita…
Tug tugsh tug tugsh tug tugsh
Ano ba?!
"Susuko na talaga ang Bataan pero di ka pa rin magsasalita noh?"
Di tumimo sa utak ko yong sinabi nya… tug tugsh tug tugsh tug tugsh
"Pa-on naman ng radio, pre."
Diretso lng sa daan ang tingin ko… trying not to look at her…
"Ilang oras ba ang byahe?---oy!"
Ha? Huminga ako ng malalim… "7 hours."
“Ayan! sUmagot din! yey! On mo na ang radio, dali!"
In-on ko naman ang radio. Parang robot lang ako…tapos kumanta na sya…sinabayan nya yung kanta ng air supply…na lalong nagpagulo sa isip ko…
♪♪♪”just when I thought I was over you…

Without you!!!!♪♪♪”
Si Mitchie na pinapaalala ng kanta??? O si Jessie na bumubura ng alaala??? Put@ng mother! Pinatay ko yung radio… Ililipat ko na lang sana pero napatay ko na eh…
"Ahy, ampalaya!"
Di ako nagreact…bitter nga ba ako??? Pero kanino? Sh*t niya!
"Okay ka lang ba , pre??"
Think…….
Think……. Toot toot……
Distracted… Jessie’s singing again…………
“♪♪♪When you love someone, you’ll do anything…

You’ll deny the truth, believe in lies♪♪♪-----------ahy kalabaw na lumilipad! Ano ba----hoy!"
Napapreno kasi ako… Di ko rin namalayan na natapakan ko na pala yung preno… Sa minalas malas pa, wala man lang establishments doon na maaari kong idahilan sa makulit na babaeng yon! Tulay kasi dun… Bumaba ako… Isip Geoff… Asan ang utak mo!
"Pre, mainit na ang sikat ng araw, baka gusto mo ng pumasok??" Pasigaw na sabi nya.
Tumanaw lang ako sa malayo…
bat ang tagal naman nyang suyuin ako??? Kainis naman sya! Sana naman bumaba na sya! Nakakatuyo na sya ng dugo ha! Tapos ang init init pa ng sikat ng araw.. Hmp..----Tch. Ano bang ginagawa ko?
"Geoff," sundot sa braso.
Bababa rin naman pala eh! "Ganda ng view no?" What the hell am I talking about! The heck! Ang corny ko!
Di ko sya tinignan, baka kung ano pa isipin nya sa kin…
"Bumigay na ba katinuan mo, pre?"
Hayun na nga ba sinasabi ko. Tch.
"Silly. Lets go. Gagabihin na tayo." Ngumiti ako…eh bakit ba? Di ko rin alam kung anong nginingitian ko.
Pagbalik namin sa sasakyan, ngingiti ngiti sya, "anong nginingiti ngiti mo dyan?"
"Wala." Nakangiti pa rin sya.
Tug tugsh tug tugsh tug tugsh
Shit! Tumigil ka nga! Nagfocus na lang ako sa pagda-drive.
***
Jessie’s POV
Heto na! nakarating na nga kami sa city of pines na hindi man lang nya ko kinausap. Ako lang yung maingay na kanta ng kanta para di naman sya makatulog o mainip sa byahe…nainis lang yata sya…hehe. Medyo dumidilim na, taz di man lang tumigil si Geoff sa daan para kumain eh. Bato na naman sya.
"San tayo titira dito ,pre?"
"Uupa ako."
"Magbabayad ka???" Ahy tanga.. Huli na para bawiin ko yun…
"Yon nga ang ibig sabihin ng upa, di ba? Tsk."
Para na rin nyang sinabing “ang tanga mo”. Di ko na idedescribe yong dinaraanan namin kasi di ko naman mae-elaborate ng maayos eh. Basta tumigil kami sa bungalow type na bahay. "Wow! Ganda,pre!" Astig ang view! Parang nasa taas kami ng bundok kasi kitang kita namin yung nasa ibaba... Andaming bahay… dikit dikit talaga. Sayang nga lang at di ko maramdaman yung lamig.
May maliit na babae dun, tsinita sya, Chinese siguro…
"Gandang gabi sa inyo, ah?" Bati nya, Chinese nga. "Ikaw upa na naman dito ah? Ikaw hindi kasama ganda babae? Mitchie ah?"
Abat chismosa si ate?
"Hindi po." Binayaran na ni Geoff yung babae.
"Mukhang lagi kayo rito ni Michie ah, kilala kayo nung caretaker eh," oo! Medyo bitter nga ako. Hmp. Nawalan na tuloy ako ng amor sa Baguio. Lalo na sa bahay na to. Malay ko ba kung anong kachurvaluhan at kababalagahan ang ginawa nina Geoff dito?? Kaderder!
Di nya ko sinagot. Kinuha na nya yung gamit nya at sinusian na yung pinto ng bahay…
Sinusian din kaya nya si Mitchi--------sheyms! Ang dumi ng utak ko!
Sumunod na ako kay Geoff…pumunta agad sya sa kwarto… "Grabe! Ganda ng view! Sarap siguro ng may kayakap dito eh ano?” Tumanaw ako sa labas ng bintana…
"Hayan, manood ka na nga muna at may pupuntahan ako, bibili ako ng pagkain sa labas," binuksan nya yung tv.
"Ha? san ka pupunta? Sama ako!"
"Wag na. Manood ka na lang."
"Konswelo de bobo lang, ganon?" Nakakaazar na sya!
Tinalikuran na nya ako…
Nood ng tv…….
7pm sya nung umalis. Ganu ba kalayo yung pagbibilhan nya at bat ang tagal nya?! 8:30 na ah! Hmp.
Click!
Bumukas yung pinto. Takbo naman agad ako dun.
"Namuti na tong buhok ko!orange na ang kulay ng balat ko at kilala ko na yata lahat ng butiki dito sa bahay na to tapos ngayon ka lang dumating?! Saan ka ba talaga nagpunta, ha?iniwan mo akong mag-isa dito! Pano kung pinasok to ng magnanakaw, ha? may magagawa ba ako??? Wala!"
***
Geoffs POV
7pm ako umalis ng bahay.di ko na ginamit yung kotse kasi malapit lang naman ang pagbibilhan ko. 7:30 , nakabalik din agad ako.pero di pa ako pumasok sa loob…nasa labas lang ako at nagse-cellphone…gusto kong makita ang reaksyon ni Jessie…
8:15…
8:30…
Magiging biktima pa yata ako ng dengue dito… maninigas na rin ako sa lamig…
Pumasok na ko… pagkabukas ko ng pinto…
Mukha ni Jessie ang nabungaran ko, ngingiti na sana ako ng……………………

Napangisi ako ng lihim.di ko maintindihan sinasabi nya. ang bilis nyang magsalita eh. Tapos para syang asawa ko …tinatalakan ako… hinihintay ko na lang na idugtong nya ang : “panu naman ang mga anak natin? Di mo ba naisip yun? Hala! Pasok at magluluto ka pa!”
Ooopppssss! Geoff, youre getting too far… kay Mitchie nga na nagpropose’an ko, di ko naisip minsan na magsasama kami sa iisang bubong pero etong si Jessie, naiisip ko na agad na may mga anak kami. Weird.
Oo nga at naisama ko na si Mitchie sa bahay na yun and I slept with her, not just once. Tch. Bat ngayon ko lang naisip yun? Kaya siguro medyo mataray si Jessie kanina nung marinig nya yung pangalan ni Mitchie na sinabi ng caretaker.
"Hoy magaling na lalake! Nakikinig ka ba! Hmp! Ewan ko sa yo! Ambot sa imo!"
Tinalikuran na nya ako pero nahawakan ko yung kamay nya at hinila sya palapit sa kin… now, parang yakap ko na sya… nanlalaki naman mga mata nya… napalunok pa sya…
Ngumiti ako…
Nilapit ko yung mukha ko sa kanya…
***
Jessies POV
Bat nya ko hinila? At bat sya nakayakap!?
Hayan…palapit na mukha nya sa kin… oh Peter! Oh Peter! Help me!!!
Napapikit tuloy ako ng mariin…naghihintay na dumampi yung labi nya sa kin…
Pero…
Sa noo ko dumampi yung labi nya! nakakainis naman!
"Ano yun, halik lola lang, pre?" Di ko napigilang itanong nung magmulat ako…
Nag-evil grIn sya…
And in an instance…
HE CAUGHT MY LIPS WITH HIS…
Author: Ang unang magcomment, syang pagdededicate’an ko ng chapter na to... Taz yung mga susunod na magcocomment, syang pagdededicate’an ko ng mga susunod na chapters… haha... suhol dre???
+++
[7TH DAY (2ND DAY SA BAGUIO)]
Jessie’s POV
Nasa labas ako ng bahay habang nakamasid sa makapal na hamog. Ang lamig lamig siguro. Buti na lang at sinabay ni Peter sa klima ang porma ko ngayon, Jacket na may hood, jeans at rubber shoes.
Bumuntong hininga ako habang nakasubsob yung mukha ko sa braso ko na nakapatong sa mga tuhod ko...
-flashback-
Tumigil na ba sa pag-inog ang mundo?
Kamay na ba ang ginagamit sa paglalakad?
Nakakapagsalita na ba nag mga ibon?
AAAAAaaaahhhhh!
Then unti unting lumayo mukha ni Geoff sa kin.... may evil grin sya sa labi... Eeerrrr. Ohlala... Gift of God para sa mga kababaihang tulad ko... Ang gwapo nya! Tch! Ngayon gwapo na sya sa paningin ko, nahalikan lang nya ako... Tch! Kaluluwa nga lang ako pero ang landi landi ko na! Haha
Tug tugsh tug tugsh tug tugsh
Ano vey!? Nakakawala ng concentration eh! ilang dipa lang layo ng mukha ni Geoff sa kin kaya pag lumapit lang ako ng kunti sa kanya, siguradong magdidikit na nman mga lab------stop! look! and listen! Ang landi ko!
Nakikisama na rin puso ko sa kgulohan.... Gusto pa ata nyang lumabas na lang sa rib cage ko eh!
nanlalaki pa rin mga mata ko habang nakatingin pa rin kay Geoff... shit! wag kang ngumiti!!
"Hfgaksdywtqopcvnxj!" tapos binaraan ko na sya ng alis.
-end of flashback-
Heto nga ako ngayon, nagmumukmok habang naghihintay ng makakakita sa kin at maghuhulog ng piso sa harapan ko.
Chuweng! "Hey,beybe!"
"Oy, anjan ka pala." Walang ganang tinignan ko si Peter at bumalik uli sa dati kong pwesto kanina, "japorms tayo ngayon ah, saan ang lakad?" naka-jacket din kasi sya, pants tsaka rubber shoes. ngayon ko lang sya nakitang nakasuot ng ganun, lagi kasing puti, puti at puti.
Nginisihan nya ako, "wala ka na there."
"Okay."
"So musta ang first kiss?"
Sabi ko na nga ba, makikibalita sya eh. "Sira ulo. Semplang nga eh. Napamura pa ako sa harapan nya..."
"Panis ka naman pala eh!"
Toinks. "Alam mo kasi yun? yong ano...ano-------"
"Nataranta ka."
"Oo. Nataranta ako tapos di ko ano.....---------"
"Di mo alam ang gagawin mo."
"Oo rin, di ko alam ang gagawin ko.... kasi nga ano-------" puro na lang ako 'ano'!
"Kasi mahal mo na sya."
"Oo nga, kasi mahal ko na-------------------ano?!"
Jessies brain --shutting down.
Call 911. Emergency. Emergency.
SOS.
SOS.
This is important.
Roger? Can you hear me? Roger? Roger?
Meydey. Meydey.
Yong tawa ni Peter ang nagpabalik sa kin sa katinuan, "di mo pa nga nahanap yung sinabi ko sa yo noon. Bakit di mo kaya halungkatin jan sa utak mo??? Sakaling malaman mo."
"Pero------------"
"Pumasok ka na, hinahanap ka na ng loves mo, may sasabihin sya sa yo... Bye, beybe!" Chuweng!
"Jessie!" bumukas yung gate at iniluwa nyun ang taong mahal--------ah basta! Lumabas si Geoff!
Jessie, kalimutan ang nangyari, kunwari wala akong alam... kunwari wala akong matandaan...
"Oh?" tumayo na rin ako at chineer up ang sarili ko.
"Mylene called, may progress ka na daw sa hospital...! That’s good news! Isn’t it!?"
"Talaga!?" napatalon talon ako! ibig sabihin nun, may pag-asa pa akong papanagutin si Geoff sa paghalik nya sa kin kagabi! Dapat nya akong panagutan, wahaha....-----------preno! tama na muna!
'Tignan mo yung lalake, kawawa naman.. Ang gwapo pero may saltik ata.'
'Kita mo nga naman pag nag-iisa ka noh? Nababaliw ka...'
Narining naming usapan ng dalawang dalaga na kararaan lang... eto kasing si Geoff, masyadong atat, yan tuloy!
"Pasok na tayo, baka may iba pang makakita sa iyo dito e!" aya ko sa kanya.
Pumasok na nga kami sa loob... Kunwari talaga walang nangyari kagabi.. Kakayanin ko to! Gora lang, Jessie!
"Maliligo lang ako, mamamasyal tayo mamaya."
Pumasok na sya sa kwarto.. May CR kasi doon... Tss... Para namang ayaw na din nyang pag-usapan yung nangyari kagabi... Mabuti nga yon.. Pero dapat pa rin nya akong panagutan!
After 13245768 minutes, lumabas na si Geoff, nakabonnet, Jacket , pants, rubber shoes,.... Oo na! sya na ang gwapo basta sya ay akin! wahahhaha... hindi si Mitchie o si Angelie, ako lang! hehe.. obssess na nga!
Di kami nagkotse, nagtaxi lang kami... siguro dahil wlang mapag-pa-parkingan, ...sa burnham park kami nagpunta...
Ngiting ngiti pa nga ako habang nakamasid sa nagbo-boating.... ang daming couple! "Ang saya nun oh! parang ang sarap magboating..." sabi ko pero di ko naman pinaparinggan si Geoff na magboating kami...
"Wanna try?" tumingin sya sa kin... buti na lang isa isa lang yung dumaraan sa kinalalagyan namin kaya walang nakakahalatang nagsasalita si Geoff mag-isa..
Ambait yata nya sa kin ngayon? Himala???? "Pwede???" -puppy eyes-
Tumango lang sya at naglakad na papunta sa swan boat na good for 4 persons.
"Mag-isa lang kayo sir?" ngingisi-ngisi yung nagbabantay sa mga bangka... Iniisip atang baliw si Geoff kaya mag-isa lang syang sasakay ng boat. Di ata nya kilala ang kaharap nya?? Sya si Geoff! Pinagkakaguluhan ng mga babae at girl-at-heart sa pinanggalingan namin!
Naglabas ng wallet si Geoff at hinugot ang isang libo doon, "Oo, mag-isa lang ako. Bawal bang sumakay sa boat kung walang kasama? Iyo na ang sukli."
"Ahy okay na okay, boss. Salamat po. Dito po tayo."
At ngayon super bait ng walang hyang tagabantay! Ang sarap ilunod! Kapal ng fes!
Ako unang sumakay sa bangka taz sumunod si Geoff... ako naman si atat na ngiting ngiti sa pagkakaupo...
Nakarating na kami sa gitna ng "lawa" o kung ano man yun, tumigil na rin sa pagsagwan si Geoff, wala pa masyadong turista doon kasi maaga pa naman, mga 8 pa lang ng umaga.
"Ganito pala dito noh?? Astig, kaya pala maraming tao ang nagpupunta dito! Hehe... Gusto ni ate Mylene na pumunta dito kaso kapos kami sa pera... Pag ako yumaman, dadalhin ko sya rito!" ngiting ngiti pa rin ako. "Lagi ka ba dito??"
"Hmm. Oo, noong kasama ko si Mitchie."
Mitchie na naman, Mitchie sa bahay, Mitchie sa boat! Oo na! Si Mitchie na!
Nawalan na naman ako ng amor sa bangka... Hmp! ilang minuto lang kami nagtagal dun taz bumalik na kami sa daungan.
Bumili ng taho si Geoff, ... Kakainggit. Kung nakakakain lang sana ako!
"Favorite mo noh?" pang-oopen ko ng topic, napapanisan na kasi ako ng laway.
"Ni Mitchie, ngayon ko lang nagustuhan."
Pakerness mo Mitchie! Ano ba ang pwede naming gawin ni Geoff na di pa ninyo nagagawa!?
Nagpunta naman kami sa Camp John Hay...
Bongga ni Geoff, umapa sya ng horsey! Horsey talaga! Hinaplus ko yung likod ng kabayo.... humalinghing naman sya... "Waa! Nafi-feel ako ng horse!"
Nakikipag-usap pa kasi si Geoff sa pinag-upahan nya...
Heto na si Geoff... una akong sumakay... shemz.. Ganito pala feeling pag sumasakay sa kabayo, para kang mahuhulog na hindi mo alam... tapos sumakay na rin sa likuran si Geoff... Oh mi gad! Bigla tuloy dumiretso ang likod ko... Naging stiff agad ako..
"Sssshhhh... loosen up.." bulong nya sa likod ng tenga ko. Ahy shet na malupet talaga!
Unti unti ng naglakad yung kabayo... eh syempre kumikiskis yung likod ko sa dibdib ni Geoff.... “Di ko a-alam na mahilig ka palang m-mangabayo.. hehe.." Bat ako nag-i-stammer?!
"We used to do this..."
"Ha??" We??? This??
“Kami ni Mitchie, mangabayo.”
Shet! Bat parang may second meaning yung sinabi nyang huli!? At bat may Mitchie na naman????!!! "Di mo ba alam na kung paulit ulit mong sinabi ang isang bagay ay parang nawawalan ng kahulugan??" di ko napigilang sinabi.
"Ano?" he chuckles.
"Yung ‘Mitchie’.. Teka, uulit ulitin ko.. Mitchie Mitchie Mitchie Mitchie Mitchie Mitchie Mitchie Mitchi Mitchie Mitchie Mitchie.... Oh di ba nawawala ang kahulugan???"
"Selos ka lang yata eh! "
Hanong shabe??! "H-hindi ah!"
"Eh bat ka nauutal? Tsk. Hindi ba goodnews na malaman mong okay na ang condition mo sa hospital? Hindi kaya nakatulong ang........ halik natin kagabi??"
Alam kong kahit di ko sya tignan, nakangisi sya... "Ewan ko sa yo. Wag mo kong kausapin, busy ako."
"You can run, but you cant hide...."
Ahh! Nang-iinis pa ata sya eh!
Di ako nagsasalita hanggang sa makauwi kami sa bahay... Tanghali na nun, bumili na ng kakainin si geoff... Tch.. Di ko na alam gagawin ko kung iopen na naman nya yung nangyare kagabi!
+++
[8TH DAY (3D DAY SA BAGUIO)]
Geoffs POV
After kissing Jessie, I proved that I really like her…or greater than that…I already love her, ..tch. Human beings can really fall in love within 7 days…just in 7 days.
Napansin ko sa kanya na kahapon na inis na inis sya kapag binabanggit ko ang pangalan ni Mitchie… nalulukot yung mukha nya. She’s really cute.
Lumabas na ako ng kwarto…tanghali na kaso ako nagising kakaisip sa tamang paraan para sabihin kay Jessie ang nararamdaman ko …. I’m not a man of words kasi…at saka, hindi kaya masyado namang madali pag sasabihin ko agad?
Tch.
"Eh ang tanga naman pala ni spongebob! Sinong nagsabing pwede mong ihalo ang sibuyas sa peanut butter!? Wahaha."
Yung tv ata ang kausap nya eh.. isa pa yan sa di ko nakatulugan kagabi…inaaway kasi nya ang mga characters sa tv.
"Heh! Ampangit mo Sandy, di kita bati!"
Oras na para lumabas ako bago pa nya maisipang basagin yung walang kamalay-malay na tv… "good morning," bati ko sa kanya.
Lumingon naman sya sa kin, "pre, tanghali na. bat ngayon ka lang??kala ko kung kinain ka na ng kama mo ah.di ko tuloy mailipat yung channel ng tv. Ambobo ni spongebob! Nahahawa ako!"
Nilipat ko naman yung channel. "San ba ang gusto mo?ano ba ang gusto mo?"
"Shsjdkewiqoelsnxchsidx mo ko."
Hindi naman sya nagmura …di ko lang talaga naintindihan yung mga sinabi nya. ang hina naman kasi ng pagkakasabi nya. "Ano yon?"
"Wala. Patayin mo na lang yung tv at kakanta na lang ako kako."
Pinatay ko na nga. Ano kaya yung sinabi nya? "Sige. Kain lang ako.punta tayo sa mines view."
Tumango lang sya.
3 days lang talaga ang balak kong bakasyon sa baguio. Ngayon na sana ang uwi namin pero dahil nag-eenjoy naman na kami, bukas na lang siguro.
***
Jessie’s POV
Ang tagal namang magising ni Geoff… mag-aalasonse na ng umaga. [alibhasa di ko na sya kinulit kulit kahapon. Pinabuksan ko na lang yung tv at magdamag na nanood…
Linalait lait ko na lang yung pinapanood ko, si spongebob ngayon ang pinapanood ko at talaga naming naasar na ako sa kabobohan nilang dalawa ni Patrick…
"Eh ang tanga naman pala ni spongebob!sinong nagsabing pwede mong ihalo ang sibuyas sa peanut butter!? Wahaha."
Ngayon naman , nakisali sa kalokohan si Sandy… saan ka naman nakakita ng squirrel na galing Texas na may fishbowl sa ulo na akala mo’y astronaut na nakatira under the ocean? "Heh! Ampangit mo Sandy, di kita bati!"
"Good morning."
Napalingon ako. Si Geoff, bagong gising lang at masasabi kong Good talaga ang Morning. Rrrraaaawwwwrrr! Ang gwapo talaga!
"Pre, tanghali na. Bat ngayon ka lang?? Akala ko kung kinain ka na ng kama mo ah. Di ko tuloy mailipat yung channel ng tv. Ambobo ni spongebob! Nahahawa ako!"
Kinuha nya yung remote control taz linipat lipat yung channel nung tv. "San ba ang gusto mo? Ano ba ang gusto mo?"
"Panagutan mo paghalik sa kin. Pakasalan mo ko." Ako lang talaga nakakaalam nung sinabi ko kasi sinadya kong di iparinig sa kanya. Nakakahiya naman kasi. Kahit papanu naman ay dalagang pilipina pa rin ako.
"Ano yon?"
"Wala. Patayin mo na lang yung tv at kakanta na lang ako kako." Nahiga ako sa sofa at nag-isip ng pwedeng kantahin.
"Sige. Kain lang ako.punta tayo sa mines view."
Tumango lang ako. Hmm..mines view..lumelevel up na talaga ako!
Nagisip uli ako ng kakantahin ko pero wala naming rumerehistro sa utak ko kundi yung nangyari nung isang gabi samin ni Geoff… nilulumot na talaga utak ko! Ang hirap kasi pag first timer ka eh!
"Haayyy…" malalim ang paghinga ko… "pero kahit anu pa man , Lord, salamat at sa gwapo mo ako pinahalik…" kausap ko sa kisame… "thanks sa biyaya, Peter."
"Basta para sa yo, beybe."
"Ngek. Bat ka kasi nakikinig?!" Wala na bang oras na mapapayapa ako???
"Wala lang, beybe..hehe… binabantayan lang naman kita ah."
"Beybe ka ng beybe jan eh. ‘Jessie’ ang pangalan ko noh. Spelled as ‘J’ dash ‘E’ dash ‘S’ dash ‘S’ dash ‘I’ dash ‘E’ . Je-Ssie. Jessie! Panu mo makakabisa ang civil code of the hilippines kung simpleng ‘je’ at ‘ssie’ nga lang, di mo pa matandaan."
"Eh ‘beybe’ gusto ko itawag sayu."
"Hmp. Bahala ka nga…" katahimikan… di naman talaga ako naasar na tinatawag nya akong ‘beybe’..okay nga yun eh. "Meh kelangan ka noh??"
"Panu mo nalaman?"
"Di ka naman basta basta magsasalita kung wala kang kelangan eh…alam ko na likaw ng bituka mo oy."
"Hehe…oo nga…" Chuweng!
"Ang galing ah!" Pumalakpak ako pagtabi ni Peter sa kin, "gusto ko din magkarun ng teleportation power na ganyan!" Umayos pa ako ng upo.
"Asa ka pa. …"
"Ano na??? Anong need mo?"
"Ahm..ganito yun…magawa mo man o hindi ang misyon mo, magkakarun ka ng isang kahilingan kay Lord..yung parang wish sa takuri ng isang genie??ganun."
"Talaga? Parang okay yun ah!" Panu kung hilingin kong mabuhay ulit sina tatay at nanay? Astig naman!
"Pwera pagbuhay sa patay. Pero kung meh chance pang mabuhay like 50-50 sa hospital, okay yun… pero di mo maaaring buhayin sarili mo…dapat isang tao lang …kilala mo man o hindi."
"Ahy. Iniisip ko na nga yun eh…hmmm… may mechanics pa pala yang wish na yan eh."
"At saka bawal din hilingin tong alaala mo ngayong kaluluwa ka pa… maaari mo lang hilingin na may maalala kang isang tao habang kaluluwa ka pa."
"Bakit naman.? Parang ang hirap naming pumili ng wish."
"Kasi nga po, aanhin mo naman, di ba? Ikukwento mo? Eh di parang tanga ka na nun. Pero yung mga taong nakakakita sayo ngayon, maaalala ka nman nila if ever mabuhay ka. Masaya na rin yun,….kung mabubuhay ka nga."
Langya! Mang-discourage ba!
"Eh ikaw, Peter, ano hiling mo nung matapos mo misyon mo???nagkaroon ka din naman ng misyon nung nag-aagaw buhay ka diba???or baka naman diretso kang namatay nun??"
"D-di ko na ginawa misyon ko nun… kinuha k-ko na agad yung hiling ko…" umilap yung mga mata niya.
Bigla tuloy akong naintriga sa buhay ng pakialamerong si Peter… "anong hiniling mo kung ganun??"
"Syempre yung ano…sumaya yung mga mahal ko sa buhay…"
"Ows?" Walking lie detector test kaya ako..kaya Peters answer result…toot toot toot…LIE! "Asan yung puntod mo para mabisita naman kita pag nabuhay ako?"
“Ahm..eh..ano…”
Sa bawat pagsasalita nya, tumataas yung kilay ko na halos umabot na yata sa anit ko sa sobrang taas. "Hmmm????"
"Kasi di pa naman ako patay eh! Nasa ospital rin ako, okay? Malapit ng mamatay kasi ilang buwan na rin akong coma which is not possible. Grabeng coma na yun. Pero wala akong misyon. Ang mga binibigyan lang ng misyon eh yung mga taong pursigidong mabuhay… kaya heto ako, nagsisilbi na lang at bahala na kung kelan bibigay yung katawang lupa ko…baka sa medaling panahon, maging lubos na anghel na ko."
"Eh ikaw ba hindi pursigido??"
Di sya sumagot.. di rin sya makatingin ng diretso sakin… ano bang nasa yo Peter?
"Peter, bat di mo ko sagutin?"
Tumingin sya ng diretso sa kin. "Kasi wala ng halaga kahit mabuhay pa ako."
Chuweng!
"Hala? Anong nangyari dun?"
Peter, Peter, Peter…ano ba ang lihim mo??? Tch.
"Pst. Ano na? okay na? tayo na?"
"Ambilis mo naman! Tayo na agad, di ka ba manliligaw muna?" Tss. Ang tanga ko talaga! Utak-fetus talaga ako kahit kelan! Gulong gulo na nga ang utak ko tungkol kay Peter tapos nakukuha ko pang makipag-flirt kay Geoff na super hunk talaga kahit kelan!
"Huh?" Natatawa na ewan yung facial expression nya. (-____-)
"Wala.sabi ko ‘tayo na’. bingi ka talaga eh noh?" Pero iba ang ibig sabihin ng ‘tayo na’ sa kin. Para sakin, ‘kami na’. period. (^____^)
Sa mines view…
"I like that, pre!" Napapa-english na tuloy ako . ang dami kasing foreigners dun . nahihila tuloy ang dila kong pilipit sa pag-eenglish kuno. "Bili mo ko nun! Babayaran ko naman eh…" kulang na lang ay lumambitin ako sa braso ni Geoff… kung tutuusin, 23 days na lang ang natitira para sa misyon ko… 23 days na lang ang titiisin ni Geoff sa pagmumukha ko at sa mga utang ko. Hehe.
"Saan?" Mahinang tanong nya sa kin na di ako tinitignan. Kunwari nakatingin sa mga paninda.
Tinuro ko yung t-shirt na nakasabit sa labas ng isa sa mga tindahan dun, "yung may nakasulat na “my love gave this to me”…ang cute oh! Hehe," iniisip ko talaga na love ako ni Geoff…ang kapal ng fes ko!
"Ah, miss, yan nga po, dalawa, isang kids size na medium tapos adult size na ------large."
Nnanlaki mga mata ko. "Ulol! Medium ako noh!" Gaguhin ba naman ako? Sabihin ba naming large ang size ko? Ump!
"Medium pala, miss." Lihim pang natawa si Geoff pag-alis nung sales lady na halatang type si Geoff. Di ko sya masisisi, hunk na hunk naman kasi si Geoff eh.
Bumalik na yung sales lady, "para po sa girlfriend nyo at pamangkin, sir?" Pa-cute pa na tanong nya.
"Pakealam mo ba?!" Paangil na sagot ko as if maririnig nya ako. "Dukutin ko yang mga mata mo eh! Haliparot!"
Di naman sumagot si Geoff.tumawa lang sya.
Siniko ko sya. "Bayaran mo na nga. Hmp." Aw sheyts! Napakatransparent ko!
Balak pa atang magtagal ni Geoff dun kaya una na kong umalis.
Maliwanag ang mukha nyang sumabay sa kin sa paglalakad, hawak na nya yung pinamili nya. habang ako namay kumukulimlim ang mukha. Ako jowa eh! Ako di ba! Alam kaya nya yun?? Pwes ako na lang ang makakaalam sa ming dalawa!.. (-.-)
"Gwapo ko noh? Kita mo, pti saleslady eh type ako."
"Aba?! Hangyavang! Kelan pa humangin yang ulo mo, ha? So ngayon, tatawagin na kitang narSSistic Geoff! Kapal!"
"Whats with the frown?? C’mon, smile.."
"Smile ka jan! Naubos na ang smile ko saYu lalake ka!" Binilisan ko pa ang paglalakad sa kalyeng walang masyadong tao…
"Hey! San ka pupunta?"
"Sa impyerno! Sama ka?"
Tumigil na ko sa paglalakad…di ko naman kasi alam kung saan ako dadalhin ng kalye na yun eh.
Naramdaman kong nasa likuran ko na si Geoff…"Hayan kasi. Hindi jan ang daan patungong impyerno. Di ko rin alam kung saan …pero ang daan paungo sakin, ayaw mo bang tahakin?"
Waahhh!!!! Anong nakain ni Geoff! Saluhin nyu ko!!!!!! "Ha?"
"Wala. Sabi ko, doon na tayo."
Bumalik na nga kami. Para akong bata na nakahawak pa talaga sa braso nya…hindi ako natatakot mawala dun, gusto ko lang talagang samantalahin ngayon ang mga maskels ni Geoff sa braso…
"Wow! Ang laking aso! Para namAng malalapa ang kung sinong lalapit sa kanya eh…” puna ko habang nakatitig sa malaking aso na parang nakatitig rin sa kin. Malaki talaga yung aso, may breeding yun, sure ako…as in totoong aso na humihingal pa tapos tatayo at umuupo… "magpa-picture ka, dali!"
"Di ako bata."
"Di tayo friends."
"Heto na nga oh, pupunta na , di ba?"
Napangiti ako sa tinuran nya. Bakit ang bait yata nya ngayon???
Binigyan ni Geoff yung nagbabantay sa aso ng 500 pesos. Sayang-saya naman si manong kasi may pera agad sya . mahilig kasi si Geoff sa salitang “keep the change”. Inabot na ni Geoff yung CP nya kay manong… tumabi sya sa aso na ‘Liit’ ang pangalan despite sa size ng aso. Tumabi pa rin naman ako kay Liit na parang nase-sense ako.
"1…2…3…" bilang ni manong…click! Click! Click!
May ilang beses atang nagclick si manong ng sunod sunod eh.
Nung iaabot na ni manong yung CP ni Geoff, "Sir, wag po kayong mabibigla a. Pero para pong may multong nakisama sa picture nyo netong si Liit."
Sabay pa naming tinignan yung picture sa phone ni Geoof, oo nga……… naisali ako doon! "Remembrance, pre!"
Tinapik lang ni Geoff yung balikat ni manong at umalis na kami.
Kung anu ano pa ang mga pinabili k okay Geoff, di naman sya umaangal eh.
Lagpas tanghalian na pero di pa rin kumakain si Geoff…ako na tuloy ang nag-aalala sa kanya pero okay pa rin naman sya sabi nya.
Bandang alas-tres y medya na kami nakauwi ni Geooff…ang dami nyang buhat… buti na lang dala namin yung kotse nya…
Pagkatapos nyang kumain ng Lunch plus merienda si Geoff, nagpaalam na syang matutulog muna…pagod siguro sya…
30 minutes…
Pinasok ko sya sa kwarto… hindi para gahasain kundi tignan lang naman… uupo sana ako sa kama pero nang maidaiti ko yung palad ko sa kubrekama……
"I love you, Mitchie…" sabi ni Geoff sa mahinang tinig habang yakap si Mitchie…
"No words…just show it…" and Mitchie started to strip off her clotes and Geoffs…
And then God knows what happen!
"Ah shet!" Mariing bulong ko at dali daling lumabas ng kwarto… "kaderder naman yun!"
***
Author: Hi po sa mga readers! Kilala nyo po si Peter di ba? Napag-isip isip kong gawan sya ng sariling story since sumikat na naman sya dito sa Give Me a Reason to Live…hehe..what d’you think??? Comment pls! And if ever matuloy, support po nyo ha??? (^_____^ )
+++
[CONT. OF 8TH DAY (3RD DAY SA BAGUIO)]
Jessie’s POV
Pabagsak akong umupo sa sofa at itinukod ang isang kamay doon…
Chuweng! "At bakit busangot ang mukha ng beybe ko?"
"Oy Peter, nanjan ka pala," kunwari surprised akong makita siya. Isa pa kasi tong Peter na to, ang daming sikreto!
Ngumiti sya sa kin, "sama ka saken."
"Saan naman?"
Shwing! "Dito."
"Oy abs-cbn! Anong gagawin natin dito? ---------ahy si kuya Kim oh! Oh my------si Korina at si Kabayan!"
"Making ka kay Kuya Kim… ssshhhhh!"
"At hayan nga po mga kapamilya, maulap ulap po ngayon sa metro Manila at pati na rin po sa ilang bahagi ng Luzon dala ng hanging Amihan. Isa po itong magandang balita sapagkat hindi na tayo maghihintay pa ng matagal para sa ulan, sampung araw na lang po at dadalaw na po ang pinakamamahal nating ulan…at yun ay unang mararanasan ng ating mga kababayan sa Luzon."
"And cut!" Shwing! Balik uli kami sa bahay ni Geoff sa Baguio. "Hehe. Anong say mo?"
Naningkit ang mga mata ko, "say ko? Say kong patayin kita bet mo?!" Isa lang kasi ang ibig sabihin ng malapit na pagpatak ng ulan…yun ay ang kukunti na lang ang panahon ko para sa misyon. "At kukunti na rin lang ang panahon ko para mabayaran ko yung utang ko kay Geoff!!!! Uuuuwwwwaaaaaaaaaa, Peter! Tulungan mo ko!!!"
"Kaw talaga, mas inuna mo pa yung utang m okay Geoff… tss… misyon muna kasi bago ka makipag-loving loving! Kung di ka lang siguro kaluluwa, baka hindi lang halik ginawa nyo ni-------oh panu yan, alis na ko? Hehe."
Tinignan ko kasi ng matalim si Peter kaya di na nya tinuloy yung sasabihin nya.ang dumi talaga ng utak nya kahit kelan, "wag ka munang umalis."
"At bakit?"
"Saang ospital ka nakaconfine?" Heto na to!
"Uh? Wala!"
"Bakit ba? Para naman mabisita kita noh!" Ang daya talaga ng Peter na to, "di pa kasi sabihin!para namang gagahasain ko yung katawan mo noh! Speaking of gagahasain…pwede na rin…hehehehe," evil grin.
Para namang nandiri si Peter sa sinabi ko kasi lumayo pa sya sakin. "Sira ka talaga kahit kalian!"
"Shavehen mo na kashi! Shege na Fheter????"
"Tss! Ecklavou general hospital, room 123, masaya ka na?"
"Oo! Mahahalikan pa kita!"
Chuweng! At sa hangin dumapo ang mahiwagang halik ko… "sayang , Peter!kaw rin! Ikaw na sana second kiss ko! Wahaha!"
"Jessie!"
Mula yun sa kwarto ng malanding si Geoff, ano na naman ba kelangan ng lalakeng yun sa kin?? Tss. Umakyat ako sa kwarto nya… "o, bakit?" Di ako lumapit sa kama niya, baka kung ano pa ang makita kong “exhibition” na giniagawa nila ni Mitchie dun.
"Bat di ka lumapit sakin?"
"Ah….eh…haha….wala! kaw naman! Feel ko lang lumayo sayo! Kasi ano…basta! Wag ka ng magtanong! Bakit ba?" Hayan, nag-i-stammer pa tuloy ako! Kung bakit ko ba naman kasi nakita yung “makamundong” gawain nila noon!
"Nah, Jessie…bibili lang ako ng makakain sa labas, sama ka?" Bumangon na sya sa kama …lumapit sa kin at hahawakan sana ako pero…… "bat ka lumalayo? Haha…Jessie ha, youre being funny…"
Iwas na naman ako kasi lumalapit kasi siya, "wag mo ko hawakan! Madumi yang kamay mo!"
"What are you talking about? I just get up from bed?... hahaha!" At tumawa pa sya.
Ano nga bang pinagsasasabi ko? Tss "ah basta!" Jimmy neutrons style…….think…….think……think!
"Anong ginagawa mo??"
Nakahawak pa kasi ako sa ulo ko , "nagji-jimmy neutron ako. Gawin mo din ito minsan para gumana utak mo." Think……….think……..think………
"Ah ewan ko sayo."
Iniwan nya ako sa ganong itsura. Shet! Ano bang ginawa ko??? Pati ako natatawa na sa pinaggagagawa ko sa harapan ni Geoff! Buti na lang naipanganak akong maganda!
Charing! Dapat po talaga sabihin ko yung naipanganak akong maganda para lang mapagtakpan ang katangahan ko…
Naghintay ako sa baba…
Bubulong-bulong ako… "dapat kumilos na ako… pero panu? Taz eto pa ko, pachill chill lang habang nahihirapan kapatid ko…err..at dapat pang bisitahin ko si Peter sa ospital nya…panu na naman? Magpapatulong na naman ako kay Geoff??oo nga noh? Magpapatulong ako! Ang galing ko talaga!"
"Lagi mo yatang kinakausap ang sarili mo?"
Eto na si Geoff na bagong ligo …pero same pa rin ang kagwapuhan! Oh mama!
"Uuwi na ba tayo bukas?" Tanong ko sa kanya.
"Oo sana," nagkibit balikat sya, "kung gusto mo ng umuwi… pero kung gusto mo pa kong masolo dito, okay rin lang naman."
"Ahy sobrang yabang! Ang hangin naman dito, nagulo ang buhok ko! Ha-ha-ha.joke yun , Geoff?"
"My name becomes so sweet when you speak it," he winks.
Ahy shet na malupet at malagket!! Ako na talaga reyna ng kalandian! Kinikilig ako grabe!
Ano ba tong lalakeng to!nakamamatay ang mga banat nya!
At ng dahil sa sinabi nyang iyon, di ako natigil sa pag-ha-hum habang naglalakad kami pababa ng kalye, walking distance lang naman daw yung pagbibilhan nya ng makakain…habang naglalakad kami….may nakasalubong kami ng isang babae at isang binabae…
"Isn’t this great? Bongga tong bakasyon mo, Natasha! Kesa naman iburo mo yong sarili mo sa pagbabantay sa patay na buhay na yun noh!" Sabi ng bakla.
"He’s not dead, he’s alive. Hindi to tama, dapat binabantayan ko si Palit Petes ngayon eh,Rodolfo." Napatingin ako sa babaeng tinawag na “Natasha” ni “Rodolfo”.
Impit namang napatili yung si Rodolfo, "Ahy! Its ‘Roda’, dear! And okay tong bakasyon kasi ten days na lang, its rainy men na! oh di ba ang saya? At hayaan mo yung Peter na yun! Wala namang nagawang kabutihan yun sayo eh!"
"M-meron…" nautal pa yung si Natasha…
Medyo malayo na sila samin so di ko na narinig yung usapan nila…
"Di ba nasabi sayo na bawal makinig sa usapan ng ibang tao?" bulong sakin ni Geoff.
"Che. Ano kasi, ang ganda ng babae…" yun lang nasabi ko pero ang talagang pumasok sa isipan ko eh yung tean days na lang uulan na at………parang narinig ko ang “Peter” mula sa kanila. Pero marami namang Peter sa mundo ah, malay ko ba.tss…pero may iba sa babae… "Geoff, napansin mo ba?"
"Na tinawag mo na naman ako sa pangalan ko? Oo."
"Ulol. Hindi yun! Na parang buntis yung babae?"
"Ha? hindi naman ah.di ko alam mga ganyan," naging pilyo yung ngiti nya, "bakit, gusto mo na bang magkaanak? Free aKOng maging tatay. Tch." Sabay kindat.
"Wala ka namang kwentang kausap eh, sabagay, di nyo naman kasi mararanasang magbuntis. Hmp." Inunahan ko na syang maglakad. Napaka-nonsense talaga nya kahit kailan!
Pero oo nga naman, kung sya magiging tatay ng mga anak ko…siguradong magiging maganda ang mga lahi nun… napalingon ako sa ngingisi ngising si Geoff tapos nagpatuloy na naman ako sa paglalakad, "hmm, not bad," bulong ko… tapos napatawa na lang ako sa naisip ko.
+++
[9TH DAY---HOME]
Jessie's POV
5:00 am kami nagbyahe ni Geoff, ako pa nga naging alarm clock nya kasi di na naman sana sya magigising.
"Hanu va yan! Hinay hinay naman!!"
Napapreno kasi si Geoff, ano na naman bang drama to????eto na naman ba yung moment na sasabihin ni Geoff yung linyang “ang ganda ng view noh?”
"Wait here."
Talagang maghihintay lang ako dun…
Nakita kong yumukod sya sa harap ng kotse…ano na naman bang drama ng gwapong si Geoff??? Ilang sandal lang ay bumalik na sya…at may dalang tuta.
"Ano yan?"
"Ano pa kundi aso.. tuta,… aw aw…"
Ginawa pa ako tanga! "Alam kong tuta pero aanhin mo yan?"
"Gagawing Carousel ni Eunice, okay ba?"
Pilosopo talaga eh. "Tss."
"Nakita ko nga kanina, kawawa naman, so kukunin ko na lang…total asong kalye lang naman sya… ikaw nga na biglang sumulpot ay tinanggap ko, tong aso pa kaya na ako mismo nakakita?"
"Sana di na lang ako nagsalita."
Ngumisi sya, tinabi pa nya yung aso sa kin, kulay black yung aso…tuta pala, "anong ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ko.
Nagda-drive na si Geoff, "ikaw, anong gusto mo?"
"Since kulay black sya…hmmm…"
"Blacky?"
"Hindi! Whity! Yey! Sya na si whity! Hehe…" natuwa naman ako sa aso kahit papanu kasi tumahol sya..medyo pumiyok pa nga kasi di pa yata sya sanay tumahol.
"Tch. Nakita mo ng black ang kulay pero ‘whity’ ang pinangalan mo… haha."
"Magdrive ka na nga lang………….ahy , pre! Umihi si whity! Wahaha! Hayan! Ang panghi na ng upuan!"
Natawa ako sa reaksyon niya, napangiwi kasi sya habang kumawag naman ang buntot ni Whity.
7 hours passed…..
(fast forward na yun)
Nasa bahay na kami ni Geoff at nasa garden naman si Whity kung saan may maliit na doghouse.
"Saan mo balak pumunta ngayon?" Tanong sakin ni Geoff.
"Sa Ecklavou general hospital, alam mo ba dun?"
"Ha? Anong gagawin mo dun? Di ka naman naka-confine doon ah?"
"Ang dami pang tanong, dalhin mo na lang ako dun, pls?" kelangan kong mabisita si Peter…wala lang, para asarin din sya na ampangit nya sa malapitan, wahaha!
Nagpunta na nga kami ni Geoff doon sa ospital na yun… "anong pangalan hahanapin ko?"
"Tanungin mo yung nasa room 123."
Pumunta kami sa nurse station, "good afternoon, sir," ngiting ngiti ang baklang nurse na nandoon, pero sa tingin ko naman, OJT pa lang sya doon..
"Sige lumandi ka lang, pag ako nabuhay, isusumbong kita sa teacher mo," sabi ko sa bading.
"Good afternoon…i'm here to visit the patient at room 123, kaibigan nya ako," tugon ni Geoff.
Ngumiti ng matamis yung bakla, "ah, si Mister Petriatico Macabangbang the fourth?"
Naubo pa kami pareho ni Geoff sa pangalan…tinatanggap ba sa simbahan ang ganung pangalan ng mga batang bibinyagan? AmbantoT!
"Ah…uhuh! Oo…” sagot ni Geoff sa gitna ng pag-ubo.
"Ah, andito na pala si Miss Natasha, sya na lang po kausapin nyo, sya po yung bantay ni ---"
"Wag mo ng sabihin, okay na ," pigil ni Geoff…baka ihitin na naman kami ng ubo.
Paglingon naming pareho sa Natasha na sinasabi ng nurse………
Laglag ang panga ko…………
Yung Natasha sa Baguio at Natasha sa ospital ay iisa! Tss,.. pinatulan nya si Peter? "Habulin mo pre! Dali!"
"Ah, miss!" –si Geoff
"Yes?" Sagot nung si Natasha.
Lumapit kami, nasa harap na kami ng room 123 at hawak na ni Natasha yung seradura ng pinto, ICU room pala yun. "Sabihin mong kaibigan ka ni Peter."
"Kaibigan ako ni Peter…" pilt na sagot ni Geoff.
Ngumiti yung babae, "ah, ganun ba? Pasok kayo."
Pagpasok namin, di pa pala yun yung mismong kwarto…may isusuot ka pang parang hospital gown, at mask para makapasok sa isa pang kwarto… "sumunod ka na lang sa kanya." Tinutulak tulak ko pa si Geoff.
"Wala akong nababalitaang kaibigan nitong si Palits," wika ni Natasha nung nasa loob na kami ng kwarto… "sabagay, malihim naman talaga sya at di naman talaga kami magkaibigan noon pa."
Nakita ko si Peter dun…mas nakakaawa pa pala kalagayan nya sakin…"tanungin mo kung kaanu ano sya ni Peter at ilang buwan na silang nandito."
Tinanong naman ni Geoff yun.
"Five months na syang nandito…nung isang buwan ko lang nalaman na ganito kalagayan nya… he bumps his car near to death…ewan ko sa kanya…pero ako ata may kasalanan…" naiiyak na si Natasha… "sabi ng doctor, wala na daw…bka di na sya mabuhay eh…ako lang yung naniniwala…na kaya pa nya *sniffs*" hinaplos nya buhok ni Peter, “Peter…we’ll have our baby in five months time…kaya gumising ka na jan at awayin uli ako!"
Oh my! "Hala ka , Geoff! Patahanin mo sya!"
"Ssshhh…tama na… ssshhh…" para namang sanggol ang pinapatahan netong si Geoff! Yinakap pa ni Geoff si Natasha…
Selos alert!
Hmp! Abat ?! tsansing na yan! "Tama na!namimihasa ka na eh!"
"Okay, miss… okay ka na?"
Wi-nipe muna nya luha nya," i'm sorry kung naging emosyonal ako… sorry…"
"It’s okay…"sagot ni Geoff.
Lumabas na kami ng kwarto.
“Thank you sa pagdalaw ha?"
Yun ang huling sinabi sa min ni Natasha. Tss. Pag nagkita uli kami ni Peter, ihahampas ko na talaga ang ulo nya sa great wall of china!
Napakawalang kwenta nya!Bat di pa sya bumalik sa katawan nya? May isang tao na nahihirapan para sa kanya…tss… Natasha really loves Peter kahit ganu pa kapanget ang pagalan nung damuhong iyon!
***
Author: Hayan po… nakilala na po ninyo si Natasha at nalaman na din ninyo ang whole name ni Peter… :) gagawa po ako ng sarili nilang kwento na idededicate ko kay *toot*… hehe… sana po suportahan ninyo! Salamat po!
+++
[10TH DAY]
Geoff's POV
Paglabas namin ng ospital, di na nagsalita pa si Jessie. Ako nga diretso tulog na lang eh. Naguguluhan tuloy ako sa tunay na relasyon ni Jessie tsaka ng Petriatico na yun.
Baka sakaling ngayong umaga eh okay na siya.
Bumaba na ako sa sala pagkatapos kung maligo… kalaro niya si Whity na ewan ko kung bakit sila nagkakaintindihan… "magandang umaga," bati ko .
Lumingon sya sa akin, "oo na, mas maganda talaga ako sa umaga," ngiti, "charing!"
Tumabi ako sa kanila ni Whity… tila naging uneasy naman siya agad, cute. "So, magkaanu ano kayo nung Petriatico Macabangbang the fourth na yun, ha?"
Halos tumilapon si Whity sa pagtalbog talbog sa sofa dahil sa walang humpay na pagtawa ni Jessie, "hahaha…Petriatico! Hahaha…may the fourth pa! hahaha! ‘Peter’ na nga lang! hahaha!"
Tawanan pa daw ako… don’t lose hope, Geoff, kaya mo yan! "Kaanu ano mo ba?"
Di pa rin sya tumigil sa kakatawa at parang di man lang nya ako narinig.
"Hoy!" Medyo napalakas na sabi ko, "kita ko kasing ang gwapo eh… at halata namang di papansinin ang ‘kung sinu sino lang!’"
***
Jessie’s POV
Napatigil ako sa sigaw ni Geoff.
Para na rin kasi nyang sinabing walang papatol sa akin na kasinggwapo…tantantantan! Kasing hot…chenen! At kasing hot ni Peter!
“Ahy pasensya naman! Kabilang yata ako sa kung ‘kung sinu sino lang’ eh!”
“Pikon ka naman agad.”
“Ahy oo!” Pikon ako kasi siyam na araw na lang ang bibilangin ko sa daliri ko eh di mo pa ako nabibigyan ng dahilan para mabuhay! Muntik ko na nga yung maibulalas sa pagmumukha nya. Kainis to the max!
“Ex mo si Peter?”
Pake mo? “Hindi ah… kakakakilala ko lang sa kanya eh. Kaibigan ko… magiging anghel na siya.”
Siya naman ang tumawa ngayon. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
“Anong nakakatawa oy!? Bat ka tumatawa eh sa totoo yung sinabi ko? Sya yung nagassist sa kin sa langit nun…sya yung nagbigay ng misyon ko…at kung mamamatay sya, magiging anghel agad sya…pero pag sya nabuhay……………..” tawa pa rin sya ng tawa, “PAPAKASALAN KO SIYA!”
At ngayon tameme sya…medyo nakaawang pa labi nya…napatitig sya sa kin.
“Seryoso ka? Tss…. Nakailang boyfriend ka na ba?”
Sasagutin ko yun? “Ang cute talaga ni Whity oh…toots.”
“O may ex ka na ba?”
“Ahy!ang kulit ni Whity… wag mo kagatin yang sofa!”
Si Geoff-----> -_____________-
Ako--------------> 6_6
Whity------> p_p
“Anong pangalan ng ex mo?” Patuloy pa rin si Geoff
“Hoy Whity! Wag ka jan!”
“Sus. May peanut ‘bitter’ dito.”
Nakagat ko yung dila ko habang nakatikom yung labi ko. Bat nga ba umiiba ako ng topic?
“Oo na! wagi ka na! may ex ako, si Jimmy, pangit yun. Labas ang ilong taz may bingot din.Bingi rin sya taz bulag pa ang isang mata…” napasobra naman yata ang paninira ko sa manyak kong ex.
“Ooooooowwwwwwssssss?” At napasobra din sya ng ‘ows’. “Minahal mo ba?”
“Oo.siguro kasi-----------“
“Ilang buwan kang niligawan?”
“Tatlo? O apat? Di ko maalala-------“
“Bakit mo sinagot?”
“Yung alin? Yung tanong mo o si Jimmy??” Sheyts! Asan ang common sense ko?
“Si Jimmy whatever. (-_-)”
“Kasi pursigido naman sya noo--------------“
“Pang ilang boyfriend aber?”
“Una. Eeerrrr.. pero marami naman akong manliligaw--------------“
“Alam ba to ni Mylene?”
“Aba naman teka!” Sigurado ba syang businessman sya at hindi imbestigador? Kalukaret! Pakiramdam ko tuloy isa akong criminal at in-interview ng isang pakealamerong pulis. Dapat yata ako yung nagtatanong kasi yun yung misyon ko: ang humingi ng dahilan kung bakit ako dapat mabuhay muli.
Nagtanong uli sya, “crush mo si Peter noh?”
Tignan lang natin! “Ano ba namang klaseng tanong yan! Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Peter?”
“Ako. Di ko siya gusto eh. Di kami talo.”
Minsan talaga nonsense kausap etong si Geoff eh! Ang sarap sapukin ng todo todo! Kung di lang kita mahal, manhid ka! “Sabi ko nga.”
***
Geoffs POV
Seryoso ba siya na papakasalan si Peter? Kungsabagay, masasabi kong may mailalaban sakin yung lalake. Wag lang yung pangalan ang iharap sakin kasi talo na agad sya.
Gwapo naman sya… pero mas gwapo dapat ako!
Hmp! Ako dapat yung pagnasaan ni Jessie at di yung Petriatico na yun na year kupong kupong pa ang pangalan. At sabi ko nga, mas gwapo ako dun!
Tss. Ano ba ang misyon ni Jessie? Sabihin nya lang sakin, matutulungan ko naman siguro sya kahit ano pa yun…at pag nabuhay sya, dun ko na lang sasabihing mahal ko siya :)
^_^
“Oh, bat kung makatingin ka parang may balak kang masama sa kin?” May pangaasar pa siyang ngisi sa labi nya habang nakatitig sa akin.
“Masama?” Tanong ko naman…
Gumalaw sya at nilapag si Whity sa carpet kaya yumuko siya…
Pagtingala niya…
Sinalubong siya ng mga labi ko…
Napamulagat naman siya…shocked…
(O( )
***
Jessies POV
Nagbibilang ako sa isip ko…
4 seconds na… pero di pa rin humihiwalay si Geoff sa kin…di ko naman magawang lumayo kasi sa totoo lang, nageenjoy rin ako… ang landi ko!
Oh. My. God.
Nawawalan na ako ng hininga!!!!!!!
5…
6…
And at the count of 7, unti unti na syang humiwalay…
Ngising aso na naman sya as usual but this time, seducing na yung ngisi nya…ako naman si malandi na nagpapatukso sa kanya.
<.< "a-ano ba?" Sabay tingin daw sa gilid. *blush din daw*
"You're blushing."
Parang aliw na aliw pa syang nakikita akong nagba-blush. Nanukso pa kasi! "Hindi noh! Likas lang talaga akong rosy cheeks…"
"Youre turning red now."
"Bahala ka sa mundo mo. Wag mo ko idamay!" Tayo sabay lakad palayo sa kanya…kelangan ko ng kausap…yung hindi si Geoff…yung hindi bigla bigla akong hinahalikan…masyado siyang adik sa lips ko!
"Saan ka pupunta?"
"Sa lugar kung saan wala ka."
"Aray naman yun."
Paglingon ko, nakahawak sya sa dibdib nya na parang nasaktan talaga…taz ngumiti na naman sya…sino ba naman ako para tanggihan ang ngiti nyang iyon??? Gumanti ako, "diyan lang," sheyts! Nasaan ang dugo ni Melchora Aquino na namana ko pa sa kanya?? Ang duwag ko!
Saan ako pupunta??? Saan pa kundi sa simbahan. Kung saan naroon si lola na nakakausap ako…musta na kaya siya? Hmmm.
Lakad lang…
Mainit na dito sa labas… magtatanghalian na kasi at marami ng tao…kung buhay lang ako, baka nakikipagsiksikan na ako ngayon sa kanila.
Lakad uli…
Nakarating na ako sa simbahan.
At hayun si lola, sa dati nyang pwesto. May kinakasal sa simbahan, … sharing of vows na.
"Hi, lola! Musta na you?" Masiglang bati ko sa kanya.
"Heto, nanonood ng seremonyas… pangalawang kasal na itong napanood ko ngayong araw… kung paghalu haluin lahat ng napanood ko, pangilang libong beses na rin marahil mula ng tumambay ako dito."
"Oh…" wala lang, di naman kasi ako makarelate sa topic ni lola.
"Ikaw kaya…ano aka yang mapapanood ko sau? Wedding kaya??? O burial ceremony?"
Nanghilakbot naman ako sa sinabi niya… "wag naman ganyan, lola! Nakakatakot eh…"
Ngumiti sya saken, "do you take blah blah blah as your blah blah blah…" pangagaya ni lola sa sinasabi ng pari per talagang ‘blah blah blah’ talaga ang linya nya, "maging ganyan sana kayo."
Patlang lang ako… sana nga……
"Sana , ineng, magawa mo… hindi lang para sa sarili mo…kundi na rin sa kanya…sa kanila."
Author: Hello po! Abangan nyo ang story ni Peter ha! Try ko best ko na mapaganda yun at lahat makarelate kayo… hehe… mahirap kasi pag puro gagamba ang laman ng utak ni writer… inaagiw yung mga stories ko! Haha.
+++
[11TH DAY]
Jessie's POV
Nagmukmok lang ako kahapon kasma si Whity…si Geoff kasi, bumisita sa office at 6pm na nakauwi.
Ngayong araw naman, may nahahagap akong unidentified vibes mula sa kung saan…di ko maexplain kasi UNIDENTIFIED nga eh.
Tulog pa si Geoff, 8:30 pa lang ng umaga eh.
Ding… dong… ding… dong…
"Uy! Meh tao, Whity!"
Ding… dong… ding… dong…
"Ano ba yan, Whity! Di makapaghintay eh!"
Ding… dong… ding… dong…
"Tara, gisingin na natin amo mo… may atat sa labas eh."
Patuloy pa rin sa pag-ding-dong yung nasa labas kung sino man iyon.
Patakbo naman akong umakyat sa hagdan…nung bubuksan ko na sana yung pinto… Bigla namang bumungad sakin yong nagmamay-ari ng most handsome face in planet Earth---Jokes! --- si Geoff. "G-goodmorning! He-he. May tao sa labas na gustong iparating sa yon a gumagana pa yung doorbell mo. ^____^"
Nakangiti sya sa kin ah, "goodmorning din, titingan ko na nga rin eh…" yumuko sya ng konti, "hi, Whity."
Nakain nun???
Nagpatiuna na syang bumaba, sumunod na lang kami ni Whity. Lumihis ng daan yung tuta,pero ako, sumunod keh Geoff hanggang sa buksan nya yung gate.
"H-hi, Geoff,"
Surprise surprise! Andito ang tanyag na ex at ang pilay na third party--- Noon! Ang galing! Sina Mitchie at Dereck.
Ang pinagtataka ko lang, magaan pa rin yung loob ni Geoff hindi yung parang noon na ang bigat ng dating.
"Pwede ba kaming pumasok?? Si Mitchie
Ang kapal di naman ng mukha nya oh!
"Ayaw! Huwag, bad vibes yan. Mapapasok ng masamang ehemplo ang iyong kaharian!" Sigaw ko keh Geoff.
Pero di nya ko pinansin, "oo naman," at niluwangan na nya yung gate para makapasok yung dalawa.
Nagwhistle ako tapos hinarang ko yung paa ko sa daraanan ni Mitchie… then…
TUMAGOS SYA SAKIN!!!
Pano nangyari yun??? Noon lang nahahawakan ko pa sya taz ngayon hindi na???
Laglag ang korona ko.
Nakapasok na sila pero heto pa rin ako at nakanganga…pinilig ko yong ulo ko…pumasok na ko sa loob…
"Hindi ko alam na may alaga ka palang asong kalye , Geoff," yun ang nadatnan kong sinabi ni Mitchie.
Nanlaki naman agad ang butas ng ilong ko, "asong kalye daw, Whity? Bite!" Nagkukuskos ng balahibo nun si Whity.
Pormal pa rin yung mukha ni Geoff habang nakamasid sa magjowakers, “ano bang kailangan nyo?”
"Pare…." si Dereck yan, "nandito kami para linawin ang lahat," walang mababakas na pagsisisi sa mukha nya. Parang okay lang sa kanya lahat eh.
"Hmmm," pinagsalikop ni Geoff yung mga palad nya, "sabi ko nga, may girlfriend na ako-------------"
"At ako yun,ipagpatuloy mo, Geoff," kering keri ko naman daw ang pagiging gf kuno.
"At mahal ko siya------------"
"At mahal ko rin sya, proceed."
Ngumiti si Geoff, ewan ko kung para sakin yung ngiting yun. "Kahit ganoon ang kalagayan nya, hihintayin ko siya."
"So? O-okay na ba tayo?" Tanong ni Mitchie na may ngiti ng pag asam sa labi.
Nagkibit ng balikat si Geoff at sumandal sa sofa..ako naman ay naghihintay ng magiging sagot nya.
"Sabihin mong ‘no’…" nakacross finger pa ako ah,,.. niloko ka lang ng mga yan, bro… pero sa isip ko lang sinabi lahat yun… alangan namang sabihin ko ng tahasan noh!
"Of course…past is past, right? Whats the use na magalit pa ako sa inyo? After all, pag gumaling na girlfriend ko, magpapakasal na rin kami."
"Tss!" Nagwalkout ako. Nakakainis kasi pumayag agad sya. Dapat pinahirapan muna nya. dapat pinakain muna nya ng bubog o nagbabagang uling ang mga yun!
Nagpunta ako sa garden, humalukipkip doon at hinithit lahat ng oxygen na kakasya sa baga ko.
Chuweng!
"Hey, beybe! Watcha doin?"
"Petriatico Macabangbang the fourth!" Nasiyahan naman ako pagkakita sa kanya. J ngiti pa ako
"Walang buuan ng pangalan! ‘Peter’ na lang! ~_~"
"Ampanget ng pangalan mo eh."
"Alam ko na iyan noon pa," nailang naman agad siya.
"Pero gusto yun ni Natasha."
"Nakita mo na sya?"
"Nakita rin kita… gwapo mo sa personal oy! Hehehe"
"Puro ka kalandian, alalahanin mong walong araw ka na lang para sa misyon. O dapat kong sabihing pitong araw na lang kasi yung huling araw, hahatulan ka na."
"May hatol pa?????? Ano ba yan!" Napangiwi ako. Nabawasan pa ng isang araw yung walong araw ko.
Paano ko gagawin yung misyon ko kung lagi lang naman kaming naglalandian ni Geoff??? Tss!dapat yatang magpakabait na ako sa kanya.
"Nakaisip ka na ng way???" Si Peter habang nilalaro yung bulaklak ng orchids.
"Hindi pa eh. Pero pag nabuhay ako, pakasal tayo ah para gumanda pareho lahi natin ^___^"
"Neknek mo. Gahasain mo na lang si Geoff at humingi ka sa kanya ng anak."
"Magaling ka pa sakin eh. Extra ka lang dito oy. Hindi ikaw ang bida."
"Ah ganun? Pag ikaw umekstra sa kwento ko, patatalsikin kita."
Chuweng!
Pagkaalis ni Peter ay agad akong pumasok sa loob …wala na rin ang BWISITA ni Geoff.
Ngumiti agad si Geoff pagkakita sakin, … I smiled back.
"I made the right decision , eh?"
"Oo," oo na lang ako. alalahanin kong 7 days na lang ang natitira sa kin.
Nagmomovie marathon kami ni Geoff nung dumating si Eunice kasama ang yaya nya… pero pinaalis ni Geoff yung yaya kasi baka mawindang sya pag nakita nya ang magtiyo na kinakausap ang hangin.
"Nagpunta ako summer class, tita Jessie," pagyayabang sakin ni Eunice.
"Really? So anong natutunann mo?"
"None."
"None?" Sabay pa kaming napa’none?’ ni Geoff.
"None." Ulit ng bata… "alam ko na lahat tinuturo ng teacher. 1, 2, 3’s, a, b, c’s… nah. Boring yun. Mas magaling pa ata ako mag-english sa teacher namin eh kaya umalis na lang ako."
Namangha ako kay Eunice. Talaga namang napakabright nyang bata… Pag magkaanak siguro kami ni Geoff, magiging kasing cute at kasinggaling nya si Eunice---eherm---anak ha?
Ang dami pang kwento ni Eunice sa min…hanggang sa sunduin na sya… at sa kasamaang palad, di na nya binitiwan pa si Whity at pinilit si Geoff na iuwi ang tuta.
***
Author: Ahy sensya na! Nawawala sa huwisyo ako! Haha.
+++
[12TH DAY]
Jessie's POV
"Rise and shine!!! My love…" Pabulong lang ginawa ko sa huling dalawang salita… nagpatalon talon ako sa kama ni Geoff na tulog mantika pa rin… "tit tilaok! Tit tilaok!"
"Aw…" Ungol nya at bumaling sa kabilang side ng kama, "tumigil ka nga."
Humagikgik ako, "ayaw!" Feeling ko, araw ng kakulitan ngayon eh!
Unti unti ng gumalaw sa kama si Geoff… "wag mong paglaruan tong kama ko," aniya at bumangon na.
Nilingon muna nya ako bago pumasok sa CR.
Everyday ritual ni Geoff yung pagpunta sa CR at maligo kahit kagigising pa lang nya.
"Di ako naglalaro… tumatalon ako! Yyyiiiippppeeeeeeeeeee!"
Nag-frown lang sya sakin at pumasok na sa banyo.
Ako naman, natutuksong sumilip… Aaaaarrrrrrraaawwwwwwwwrrrrr!
Limang minuto na nakakalipas…
Tumigil na ko sa pagtalon talon…
Pero nasa kama parin ako…
10 mins…
Lumabas na si Geoff…
O_O
X__X
O_O
Rated PG!
Nakatapi lang sya ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan!
"Oh shet! Ang halay mo, Geoff!"
"Nagsabi ba kasing tumambay ka dito sa kwarto ko ngayon?????" Namaywang pa sya sakin.
Oo nga noh??? Ngayon lang ako tumambay dito sa kwarto ni Geoff habang naliligo sya kahit balikan pa ninyo ang mga nunang chapters nitong story! "Hawakan mo yang tuwalya mo! Baka mahulog! Tss!!!!"
Ang yamang tao pero di man lang marunong gumamit ng bathrobe???
Sheyts! Nilulumot talaga utak ko ngayon!!!!!!!!!
"Ano naman ngayon kung mahulog????" Itinaas pa nya ang dalawang kamay.
O_O
Nanlaki naman agad mga mata ko. Baka mahulog sabi eh!Di naman nya ko pinapakinggan!!! Aaaaaahhhhh!!!!!
“Ala…..baka kasi….” Ano vey! “Baka kasi makakita ako ng bulate!”
Tumawa sya, “honey, yang bulateng sinasabi mo ay isa lang sa mga ugat!” Tawa ulit.
Naging green naman agad ang utak ko.
“Ang sama mo talaga!”
Di pa ko nakakakita ng ‘ganun’ kaya di ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko.
“What? Wanna see?”
Hinawakan nya yung pagkakabuhol ng tuwalya sa tagiliran nya.
O_O
Tatanggalin talaga nya!!!!!!
Help!
Help!
Emergency to!!!
Tumakbo agad ako sa pinto nung makitang seseryosohin nya yung pagbo-boldstar sa harapan ko.
“Aaahhhhhh! Magsolo ka jan!!!”
Hinihingal pa ko pagkababa ko ng hagdan.
At natawa na rin kasi para akong tanga. ^_______^
***
Geoff’s POV
Natawa na lang ako kay Jessie paglabas nya ng banyo.
Akala siguro nya mag-a-“I’ll never gonna dance again” ako sa harapan nya.
The truth is, may panloob naman na ako pero kahit ganun, di ko pa rin naman kayang maghubad na lang basta sa harapan nya.
Nagdamit na ko bago bumaba.
Nakita ko sya sa puno ng hagdan, tumabi ako sa kanya roon.
“Oy.”
“Wag mo kong manyakin, Geoff, ha, inosente ako.”
“Kung makapagsalita to, parang gusto ko naman.”
At malakas na sapok sa ulo yung inabot ko dahil sa sinabi ko.
Natatawa naman ako sa mukha nya… nakalukot talaga yun eh.
“Tara…” aya ko sa kanya.
“San tayo pupunta?”
“Sex tayo---aray!”
O_O ganyan yung mukha nya eh.
“Sex ka jan! O_O kung anu ano sinasabi mo! Ambastos mo!”
“Haha! Kaw naman! Di na mabiro! Para naman okay makipagsex sa hangin noh… Hahahhaha! Pero kidding aside… try natin!” Joke ko lang naman talaga yung mga pinagsasabi ko… Gusto ko lang pagtripan yung kainosentehan nya.
Di kasi nya alam kung anu yung mga pinagsasabi ko eh
***
Jessie’s POV
"Sex tayo!"
Malakas na sapok ang nakuha sakin ni Geoff… Ayain ba naman ako ng ganun????
Kalerki!!!!
Buti sana kung normal ako noh? Ahy sheyts!kahit siguro normal ako di ako bibigay!
"Try natin!" Sabi pa nya.
Never say never talaga tong lalakeng to oh!
"Ahy ewan ko sau!bahala ka!"
Tumayo na ko.
Sumunod naman sya. "Kain ako. Sama ka."
"Kita mo to, parang bata!"
Sabay nga kaming nagpunta sa kusina…naghalughog sya ng makakain dun…
"May cereal oh, panu ba kainin to????"
Pinakita nya sakin yung box ng cereal.
"Madali lang yan, buksan mo, lagay mo sa bowl, lagyan mo ng gatas, and poof! It became koko crunch! Haha…" nasama tuloy ako sa kalokohan nya.
Nagtawanan kami.
Hay heaven. Ang sarap pag laging ganito… nagtatawanan kami ni Geoff.
***
Author: To be continued sya… wala na kasi akong maidagdag eh! VOTE. COMMENT. And be a FAN! Tnx!
+++
Authors note muna! Haha
Habang nagbabasa ako---kasama ang sissy ko---ng isang "story" na pamatay, nagtatawanan kami (chat lang ha?)
Napagusapan namin yung topic na halika... Eh sabog ako sa kakatawa kasi pag ako nakipaglaplapan, kakain muna ako ng chocolate... Yung kisses! Para malasahan ng kakissing scene ko yung kisses para punung puno kami ng sweetness!haha
Eh sabi ng sissy ko, toblerone naman daw yung kanya... sabay may alak para tiba tiba daw! Haha
(Makisama kau sa pagtawa ko ah?!)
So dahil ganun sinabi nya, dinagdagan ko na yung akin, kisses plus pancit canton na! Haha. Para naman mabusog kami pareho nung kakalips-to-lips'in ko... Shhhooooo!
Ambongga ko ah! Haha :) Wala ngang jowa eh! Kalips-to-lips pa kaya???
Ang landi ko! Inosente ako eh!hehe
Ipagpatuloy nyo na ang pagbabasa kahit wala pa naman akong update... Gusto ko lang ishare yung kalandian ko---este----namin!
-Author
+++
Author: Pasensya na po sa walang kwentang authors note ko. Haha. Wala lang talaga akong maisip na ilagay eh! Peace!
***
[CONT. OF 12TH DAY]
Jessie’s POV
“What do I have here for breakfast, huh?” tanong ni Geoff
“Sa akin mo ba tinatanong yan o dyan sa ref mo?” Balik ko sa kanya. Nakayuko naman kasi siya sa nakabukas na ref eh.
Lumingon lang sya sa kin at nagpatuloy na naman sa paghahalughog, “since Marie left, I never gone to the grocery… at ngayon, cereal at margarine lang ang meron ako.”
“Sabi ko naman kasi sayo, ilagay mo sa bowl---“
“Jessie, hindi nagiging Koko crunch ang cereal. -_-“ isinara na nya yong ref dahil wala namang mafu-future doon. “Magpapalit lang ako, may pupuntahan tayo.”
“Saan? Sa kahihiyan? Ayoko. Ikaw na lang. (^_^0)”
“Haha. Sabi ko naman kasi sayo, sex tayo para makarating na tayo sa langit,” nagwink pa sya sakin ^_~
Nagkagoose bumps na naman ako, “kadiri ka talaga!”
Tumatawang nagpunta na sya sa kwarto nya. palihim naman akong sumunod sa kanya. Dinikit ko yung tenga ko sa nakasarang pinto.
(It girl)
“♪♪♪ You can be my it girl
Baby youre my sssshhhh girl
Loving you could be a crime
crazy how is it girl
this is it girl
Give me 25 to life
I just wanna rock all night long
La la la la la la ♪♪♪♪”
Oh yeah?
\(^O^)/
he can sing.
FOR REAL!
Gravety! Nakakakanta si Geoff??????
“Hoy.” ?_?
Di ko namalayang nabuksan na pala yung pinto. Naku nameyn! “Ah…he he he… tara na?” tss! Nakagilid pa ako at nakadikit ang tenga ko sa invisible na pinto!
Narinig kong nag-tch sya.
Habangdaan…
“♪♪♪Hoy Geoff Mandre! Gumising ka na nga! Ano ka ba? Hoy! Anong ginagawa mo? Nagse-cellphone? Gising na! ♪♪♪”
“Boses ko yun ah!” At ringtone yun ni Geoff! Ano ba! “Nirecord mo???”
“Sorry naman. Hehe…” sinagot na nya yung tawag. “Hello?” ---pause----- “who’s this?” ---- pause----- “Angelie?” -----pause------- “I’m sorry but im busy “----pause------- “no” -------pause---------- “bye.” and he turned his CP off.
“Sino yun?” ‘Angelie’ daw eh.
“Wala.”
“Wala? So nagsalita ka lang mag-isa kanina?”
He just smiled sheepishly.
Ang nakakainis sa lahat talaga, ginawa nyang ringtone yung boses ko kung kelang kinarir kong maging alarm clock nya!
Sa grocery… dairy products section…
“Milk? Or chocolate?” May hawak na cart si Geoff tapos may hawak na ready-to-drink chocolate milk sa kamay. Simple lang yung pose nya pero para na rin syang nage-endorse ng produkto.
Hhhaaaayyyy…
“Yan na lang--- “ naputol yung sasabihin ko kasi…
“Hi, handsome.”
Isang tsinitang gotchiebygolliewow-na-wow pretty lady ang lumapit kay Geoff.tumagos pa sya sakin ah. Ngumangata ngata pa sya ng bubblegum na lalong nagemphasize sa bossy aura nya.
“Wag mong papansinin.” Mariing banta ko keh Geoff.
Ngumiti lang naman si Geoff sa babae, tapos tumalikod na sya.
“Not too fast, big boy,” habol ng babae pagkuwan ay naglabas ng touchscreen na cellphone kung saan ang wallpaper nya eh yung nakatwopiece lang sya at talaga namang lumuluwa yung boobs nya, iniharap nya yun kay Geoff na (O.O) ang itsura, “can I have your number? So we could text each other. Lets eat outside…and do whatever we want to do. If you know what I mean…” taz ngumiti pa sya ng parang nang-aakit.
“If you know what she means daw, pre. Hayop din naman ang tirada ng babaeng ito noh.” Siniko ko pa si Geoff.
“Im sorry but… I already have a girlfriend.”
Huwaw! Anong say??? Ano ulit??
Tinalikuran na talaga ni Geoff yung babaeng bisugo na yun na ginawa ng canvass ang mukha sa dami ng pinturang ginamit nya.
Nung makalayo na kami…
“Tch…” umiling iling pa sya.
“Anong ‘tch’?”
“Sayang,” mahinang tugon nya.
Sayang? Nasasayangan sya sa babaeng bisugo na yun?!? Nanghaba agad ang nguso ko “eh di bumalik ka!” Akala ko pa naman nakontrol nya ang kalandian nya!
“Oooppps. Haha. Hindi yun. Sayang kasi di ako nakapili ng ibang brand ng gatas. ‘To naman. Selos agad.”
Yun lang naman pala! “Hindi ako nagseselos noh! Kahit na balikan mo pa sya!”
“Talaga?”
“At gusto mo naman? Sipain kita jan eh.”
***
Geoff’s POV
Napapakanta pa ako habang nagpapalit ako ng damit ko kanina.
“Nice , Geoff, sa susunod sasama ka na rin sa kanya sa pagtalon talon sa kama,” bulong ko pa sa sarili ko.napapangiti pa ako pag naaalala ko yung mga kalokohan nya.
Pero nung tumawag na si Mitchie…………
♪♪♪Hoy Geoff Mandre! Gumising ka na nga! Ano ka ba? Hoy! Anong ginagawa mo? Nagse-cellphone? Gising na! ♪♪♪
Boses talaga yun ni Jessie…nirecord ko nung minsang gisingin nya ko.ang cute kasi ng dating eh.
“Hello?”
“Hi, honey!” Babae yung boses. Pamilyar sya.
“Who’s this?”
“Aw! I’m your honey right?”
“Angelie?”
“Im going to visit you honey!”
“I’m sorry but I’m busy”
“Busy? Kelan ka pa naging busy? Hmmmm… didn’t you miss me?”
“No”
“Ah basta! Pupuntahan kita. Bye honey!”
“Bye.”
Anong kelangan nya?
Parang naguluhan tuloy ako. At the first place, si Angelie naman talaga ang girlfriend ko…naging ‘ex’ nga lang nung dumating si Jessie.
Masaya akong kasama si Jessie. She teaches me to be a better person…hindi nagtataray sa mga empleyado…she teaches me to loosen up…
She made me see the beautiful side of the world…
And the first time we met…she teaches me how to douggie. Yeah. Tss. Ano bang pinagsasasabi ko!
Pero habangbuhay bang ganito?paano pag natapos na ang misyon ni Jessie?
Iiwan din niya ako.
***
Jessie’s POV
Pagkatapos mag-grocery, bumisita kami sa ospital…
“Medyo nagkakaroon na daw ng progress…na dapat lang naman daw kasi pag hindi pa sya nagising within one week, tatanggalin na ang life support nya. naalala mo, hanggang dun lang kasi yung binayaran mo,” balita ni Mylene kay Geoff.
Seven days. Sakto!
Six days na lang naman,minus yung isang araw na hatol, malalaman ko na kung mabubuhay pa ba ako o totally ‘goodbye , Philippines’ na ko! So limang araw pa. Keribels ng beauty ko yan!
+++
[13th DAY]
Jessies POV
“Sun-check! Cloud-check!hangin-check!” Lumingon ako, “gwapong Geoff-malaking check! Okay pa naman ang panahon, yippee!” Nasa garden ako at nagwe-weather forecast with matching kalandian… nasa loob naman si Geoff, naghahanda ng breakfast slash snack nya.
Ding… dong… ding… dong… naalala ko tuloy si Whity. Musta na kaya sya kina Eunice??? hmmmm.
“May tao na naman! Wooshoo! Sino kaya yun?”
Lalabas na ako.
Nakita ko naman si Geoff na binubuksan yung gate habang nili-lick nya yung daliri nyang may mayonnaise.
“Surprise, honey!” With matching deep kiss sa na-shock na si Geoff na ganito ang ekspresyon
(O( )
Iba na talaga ang panahon ngayon, yung babae na ang humahalik.
“Oh! Angelie!” Shocked si Geoff. Sa wakas ay nailayo na nya yung babaeng parang linta kung makakapit.
“What? Di mo ko na-miss?” Nag-pout pa si Angelie.
Di ba break na silang dalawa??? Andun pa nga ako nung maghiwalay sila eh! (`_`)
“Angelie….ahm….” speechless naman tong si Geoff.
Ngumiti uli si Angelie na nakakapit pa rin sa braso ni Geoff, yung as in na yakap-yakap nya talaga, “joke lang naman nung i-break mo ko ,…as in, hell-o! Hell-o! Bakit mo naman ako ibe-break di ba?”
“Ahy ang kapal naman ng apog ng babaeng to!” Nanlaki agad ang butas ng ilong ko.
“Hah---“ bitin yung pagak na tawa ni Geoff kasi siniil uli sya ng halik ni Angelie.
For…
Goshness…
Sake talaga ng todo todo!
“Inosente ako!!!” Sigaw ko bago nagmartsa papasok ng bahay.
What a nice moment to welcome my 13th day! As in na apat na araw na lang ako pero di ko pa rin magawa ng tama yung misyon ko!four days!
Pumasok na rin silang dalawa pagkalipas ng ilang minutong paghahalikan siguro. Kaloka sila!
Parang di ko makeri yung ginawa ni Angelie, ang ganda pa mandin nya at mukhang kagalang-galang. At lalo namang hindi makeri ng kagandahan ko yung hindi pagtanggi ni Geoff!
“Honey, bat di natin i-try mag-ano sa room mo? Lagi na lang tayo sa guest room noon eh…” seductive yung boses ni Angelie habang nananalaytay yung kamay nya sa dibdib ni Geoff.
Gravety! Di ko pa nga magawa kay Geoff yun eh! At---at… at di ko pa rin gagawin yun kahit may pagkakataon noh! Oo!tama… di ko yun gagawin!
Nakakawala ng katinuan! Kaya pala wala akong ma-vision sa kama ni Geoff kasi sa guest room sila gumagawa ng milagro ng jowangwang nya! kainis talaga! K
Nakatalungko lang ako sa sofa habang nakamasid sa kanila.Pasulyap sulyap din sa kin si Geoff…parang naiilang… “oo nga naman , Geoff, bat di nyo i-try mag-ano sa room mo?” Nang-iinis pa yung nakapaskil na ngiti sa labi ko, “ako magiging audience nyo. Tara.”
“Ahm, Angelie, wag muna ngayon okay?”
Wag muna ngayon? So may balak talaga sya NEXT TIME? Ahy shemay momay !
“Anak ng baklang amasona ka talaga , Geoff!!!!!!” At nagsimula na kong lumayas sa harapan nila.
Nakarating ako sa kalsada na walang ibang iniisip kundi yung dalawang yun.
“Hindi lang pala si Mitchie, si Angelie rin pala. At malapit na rin nya akong naisali sa tropang bobo nya…kakainis! Bbbrrr!” Bulong ako ng bulong. Nakatingin lang ako sa paa ko na nakasuot ng pink na step-in. “Pero infairness ang ganda ng paa ko ha.”
“Maganda ka rin naman.”
“Ha?” napatingin ako sa tabi ko, si Peter.p-pero panu? Walang ‘chuweng’ na naganap???? “Pano ka nakarating dito?”
“Nanggaling ako keh Nutella. Naisipan kong maglakad lakad, at nakita ko ang maganda’t maamo mong mukha.” Smiles.
Ang gwapo talaga ni Peter oh!
“Sinong Nutella?”
“Si Natasha.”
“Chocolate na bag? Nutella Natasha? Haha! Pareho kaung nakakatawa ang pangalan! Hahahaha! Pppffftt! Hahaha!”
“Imbes na pagtawanan mo ko, harapin mo muna problema mo. Tss. Kinutya pa pangaln namin eh.”
Moment of silence………
“Nakikita ka ba ni Natasha?”
“Nope. Sa panaginip lang.”
“Oh? Anong sinasabi mo sa panaginip niya??? Ikaw ha, dream crasher ka.”
“Ano ba dapat sabihin ko? Eh di mahal ko siya.”
“Ayie! Nagbibinata na si Petriatico! Marahil nagbubunyi na mga ninuno mo…haha… magkakaapo na rin sila eh!”
“At sinabihan ko rin syang bumitaw na.”
Poinks. Sapok sa ulo ni Peter, ”yan para sa pagiging manhid mo.” Poinks ulit, “yan para sa pag-aabandona mo kay Natasha,” Poinks na naman, “At yan para sa trip ko.”
“Tatlo yun ah. Tss…eh sa talaga namang mahirap na.”
Nakarating na kami sa simbahang tambayan ni lola.
Nandun si lola.mukhang tulog kaya tumabi na lang kami sa kanya.
“Ikaw naman kasi, bat di mo gawin best mo? Sayang ang lahi mo gago. Kung di lang buntis si Natasha ngayon, susulutin kita pag nabuhay ako.”
“Wag ka ganyan magsalita, baka may batang nagbabasa, isipin pa nila mahalay yung author gayong pareho lang naman kayong inosente…. Bat nga pala tayo nandito? Magpe-pray?”
“Eto si lola,” iminuwestra ko sa kanya si lola, “tulog nga lang kaya pasensya ka na muna. Hintayin na lang nating magising.”
Tumunganga lang kami …diretso ang tingin sa altar.
“Hay. Andito ka pala , ineng.”
Ayan! Gising na si lola! “Hi po, lola!”
“At may kasama ka, pagkagwapo gwapo naman,” inlove pa yata si lola kay Peter, ano beyen, “sa tingin ko hindi sya gaya mo na may misyon.”
Siniko ko si Peter, “galing ni lola noh?”
“For real? Nakikita nya tayo?”
“Oo nga. Magaling yan. Hehe.” Tingin uli kay lola, “eh kasi lola--- “
“Bat ka kasi nagmadali, ineng? Di mo muna kasi sya tinanong bago ka umalis. Malay mo, hindi rin nya gusto yun.”
Wow. Manghuhula rin pala si lola??? Wala pa kong nasasabi kundi “eh kasi lola” taz umarangkada na agad sya???
Si Peter naman binalingan nya, “kung mawawala ka ba, hijo, masisiyahan ka ba? Panu kung di rin ‘nya’ kaya? Panu kung ikaw lang rin ang buhay nya? at isa pa, may inosenteng buhay ang madadamay kung mawawala ka. :) sayang nga rin ang kagwapuhang maihahati mo sa daigdig kung mawawala ka.”
Ahy bet na bet si lola!
“Bakit po niyo alam ang lahat ng ito?”
“Oo nga po, lola, bat po nyo alam mga ito?” I second the motion lang.
Huminga ng malalim si lola, “kasi minsan na rin akong nasa kalagayan ninyo… ang pinagkaiba nga lang, di ko na nakasama ang taong mahal ko nung nabuhay ako… bakit? Kasi nawala ang katapangan ko. Kaya kayo, kung patuloy kayong magiging ganyan, iwe-welcome ko kayo sa mundo ko… sa mundong puno ng pagsisisi. At ang hiniling ko… eto… ang makita ang mga Lagay nyo para matulungan ko kayo.”
***
Geoff’s POV
Sh*t.
Bakit nandito si Angelie?
And worse, why’d she kissed me? Sa harap pa ni Jessie!
Pumasok na si Jessie sa loob ng bahay… kami naman ni Angelie, nasa labas pa rin.
“This is not right.” Sabi ko sa kanya while hawak siya sa magkabilang balikat, nilalayo ko siya.
Ngumiti lang uli siya, yung tipong maloloko kahit na sinong lalake kasi maganda talaga si Angelie, “why? I’m your girl. Youre my guy. What’s wrong?”
“Ah…” wala akong masabi… at the other side, may tama sya kahit papano. Pero paano si Jessie?
Sh*t talaga.
But I think this is also the right time to be sure about what I feel about Jessie. Baka kasi nadala lang ako ng pagiging masayahin nya. and hell! She’s a lost soul!
“Lets go inside,” aya ko kay Angelie. Agad syang kumapit sa braso ko…di ko naman matanggal kasi parang may mighty bond yung kamay nya.
“Honey, bat di natin i-try mag-ano sa room mo? Lagi na lang tayo sa guest room noon eh…” seductive yung boses ni Angelie habang nananalaytay yung kamay nya sa dibdib ko.
Damit. Its lust.
Nakatalungko lang naman sa sofa si Jessie habang nakamasid samin.nailang naman ako.
“Oo nga naman , Geoff, bat di nyo i-try mag-ano sa room mo?” Nang-iinis pa yung ngiti nya, “ako magiging audience nyo. Tara.”
“Ahm, Angelie, wag muna ngayon okay?” Aisht. Ano ba namang excuse yun?? May balak akong pumayag sa susunod??? Don’t think so!
“Anak ng baklang amasona ka talaga, Geoff!!!” At nagsimula syang umalis.
Well, alangan namang habulin ko siya? Eh di pagtatawanan na ko ni Angelie! Isipin pa niyang nasisiraan ako ng bait! Tss.
Wala na sa paningin ko si Jessie.
“Whats the matter?”
And Angelie started kissing me. Dammit.
Gumanti ako pero iniisip ko pa rin si Jessie.
“To your room, honey…” paanas na sabi niya.
To my room? No way. Ang gusto ko lang ipasok dun ay yung babaeng papakasalan ko.
Well, si Jessie yung naunang babae dun…pero di pa naman kami nag-a-ano kasi nga soul siya.
Tss. Pati si Jessie pinagnanasaan ko.
Lust. Lust. Lust.
Patuloy pa rin sya sa ginagawa nyang paghalik sa kin…hanggang sa bumaba yung kamay nya…going to my manhood…
And then I open my eyes. “I’m sorry. But I don’t think this is the time.”
“Oh my, my, my, honey, haha..if you say so. But if you change your mind, im just a call away.”
Di naman pala siya mahirap kausapin. “Off you go.”
“You’ sure?” Nang-aakit na naman yung boses nya.
She’s really a tease. “Yes.”
I’ll wait for Jessie.
Tss. Ang gulo gulo ng isip ko. Sino ba pipiliin ko? Si Jessie o si Angelie?
Iiwan ako ni Jessie…
Pero si Angelie, hindi…
***
Jessie’s POV
Lumabas na kami ng simbahan pagkatapos kaming sermunan ni lola ng pagkahaba haba. Nasa park lang naman kami.
Magkatabi kami ni Peter habang nakaupo sa isa sa mga bench dun.
“So?”
“So?”
“Ahy ewan.”
“Ako rin.”
“Hmmm. Uuwi lang ako pag gumabi na.”
“Sasamahan na lang kita.”
Ahy ang sweet ni Peter… :)
Si Geoff kaya???
Kumusta na kaya sila ni Angelie?
Errr!
+++
[14TH DAY]
Jessie’s POV
“I only have three days now so please help me, God…” magkasalikop dalawang kamay ko.
Kakauwi ko lang eh.
6am ng umaga.
No signs of Angelie. The perimeter is clear! Attack!
Tss! Kung anu ano pumapasok sa isip ko!
Nasa sala lang ako… ayokong umakyat sa taas ng kwarto. Baka maloka ako.
2 hours passed pero nakasalikop pa rin ang mga kamay ko at umuusal ng walang hanggang panalangin.
“Jessie.”
Alam kong si Geoff yun kaya di na ko lumingon. “Oh?”
“Sa library tayo.”
“Ha?” di tumitino sa isip ko yung sinasabi nya.
“Sa library tayo, pls?”
Narinig ko na, may ‘pls’ kasi. “Ah, oo. Susunod na ko.”
Yabag yabag yabag na papalayo.
Tinawag ko muna lahat ng santo at mga santang kakilala ko bago ako sumunod sa library.
“A-anong atin???” Pinatatag tsaka pinasigla ko yung boses ko.
Then seryoso syang tumingin sakin…
Then…
He let the atomic bomb down to me…
3 syllables.
Seven letters.
One space.
One apostrophe.
“I’m sorry.”
Matagal bago ako nakarecover.
“Teka lang… di ako nakikinig. Ahaha… ahy ano ba yan! Umuulan ba? Butas ang bubong mo, pre! Hala ano ba to! Bat umuulan!” Patuloy ko lang pinupunasan yung likidong tumutulo sa mga mata ko.
“Jessie---“
“Ahy ano ka ba! Haha… Wag ka lumapit, masasama ka sa basa oh. Masasama ka sa kamiserablehan ko, sira. Haha.” tumingala ako. Ano ba tong nararamdaman ko. Peter!!!
“I’m sorry.”
“Di mo kelangang ulitin, anobey! Okay lang yun….haha…” okay nga lang ba? “Sige..ba-bye! Ingat ka!”
Tinalikdan ko na sya…pero bago ako makatagos sa pader…nilingon ko sya…
Huling sulyap na lang.
Mahal kita.
Mahal na mahal kita.
At umalis na ko. No reason for me to stay at his house,…its over.
Di na ko magpapakapagod. Wala ng misyong iisipin.
Pero ganoon na lang bay un? Nagbalik lang si Angelie, sorry na agad?
Sorry saan?
Sorry kasi mas normal halikan si Angelie at mas sexy sya sa akin ng isang sepilyo?
Sorry kasi mas normal ka-date at kausapin si Angelie kesa sa kin?
Sorry kasi mas professional ka-SEX si Angelie kesa sa kin?
Ganun na lang ba yun? Ha? shit na luha ka!tumigil ka na nga!
“Langya, Peter!” at si Peter na walang kamuwang muwang ang pinagbuntunan ko.
Worthless son of a bitch yang si Geoff!
I only have 3 days now… pero wala ng halaga pa yun. Bakit ko pa gagawin ang misyon ko??? Imposible ng mabuhay pa ako.
“Bat di ka bumalik?”
“Gusto ko ngang gawin pero anong sasabihin ko? ‘Oy Geoff! Mamamatay na ako kasi di ko nagawa ang misyon ko. Rock and roll! Salamat sa iyo ha?’ ganun ba? Tss.”
Chuweng!
At naramdaman ko na lang na yakap ako ni Peter.
Suminghot ako, “amoy surf ka ha…”*sniff*
“Umiiyak ka na nga’t lahat yung sabong panlaba pa rin ang una mong pinansin. Tahan na nga. Big girls don’t cry.”
“Nagsabi?” Kung anu ano pinapasok ni Peter sa utak ko.
Hinaplos nya yung buhok ko, “si Nutella. Big girls don’t cry kaya tahan na nga. Tara dun.”
***
Geoff’s POV
Alam kong kanina pang alas-sais nasa ibaba si Jessie. Paano? Di naman kasi ako nakatulog. Magdamagan ko siyang hinintay.
At magdamag din akong nag-isip…
Bumaba ako mga alas-otso.
“Jessie.” Sh*t. tama ba tong gagawin ko? Parang may pumipigil sa king gawin ito.pero may nagsasabing tama ang gagawin ko.
“Oh?” Di man lang nya ako nilingon. Nasa puno kasi ako ng hagdan.
“Sa library tayo.” Sa library…anong magagawa ng library? Mas liliwanagin ba ng library ang utak ko? Mag-isip ka ng tama Geoff!
“Ha?”
“Sa library tayo, pls?” first time ko gumamit ng ‘pls’ sa kanya. Ano bang nangyayari? Ako rin ay di ko maintindihan.
“Ah, oo. Susunod na ko.”
Umalis na ko. Mabibigat ang mga yabag ko habang papunta sa library. Nilingon ko siya. Sh*t.
“A-anong atin???”
Halatang pinatatatag lang nya yung boses nya.
Awa lang yang , Geoff, gawin mo na… sabi ng bad side ng utak ko.
Ano ba? Wag , Geoff, mahal mo siya, di ba? Good side naman yun.
Wag kang makikinig jan! Iiwan ka din nya! Bad side na naman.
At yun ang nagpabalik sa kin sa realidad, “I’m sorry.” Diretsahang sabi ko. Aw! Parang gusto kong bawiin pero parang di ko kaya. “I’m sorry….” Ulit ko na naman.
Medyo matagal bago siya nagsalita…
At nakita ko yung mga kristal na likidong nag-uunahang bumaba sa mga pisngi nya…anong nagawa ko!
“Teka lang… di ako nakikinig. Ahaha… ahy ano ba yan! Umuulan ba? Butas ang bubong mo, pre! Hala ano ba to! Bat umuulan!”
Habang sinasabi nya yun, lalo akong nagsisi sa sinabi. Nagagawa pa nyang tumawa kahit umiiyak na sya.
At ako naman, di pa rin makakilos…tss! Oh please anong nagawa ko! “Jessie------“ aaluin ko sana sya pero paano? Nagawa na.
“Ahy ano ka ba! Haha… wag ka lumapit, masasama ka sa basa oh. Masasama ka sa kamiserablean ko, sira. Haha,” tumingala pa sya. Nakatitig lang sya sa kisame.
“I’m sorry.” Aw, Geoff…for what? Para ba sa unang sinabi kong ‘I’m sorry’ o sa nakikita kong pag-iyak nya ngayon?
“Di mo kelangang ulitin, anobey! Okay lang yun… haha… Sige... ba-bye! Ingat ka!”
Tumalikod na sya sa kin.
Nung nasa harap na sya ng pader, lumingon pa sya sakin na parang sinasabing…mahal kita???
Erase!
At nung mawala na sya sa paningin ko, napaupo ako.
Pilit na pinapaniwala ang sariling tama lang yung ginawa ko.
After 1122334455 hours, nagpunta ako sa kwarto.
“Hi, Geoff! Maligo ka na ba?????”
“Jessie!” Bulalas ko at napatingin sa kama kung saan tumatalon si Jessie…
Lumapit ako dun…
“Okay, Geoff, magpacheck up ka na.” Nasuntok ko pa yung pader kasi napagtanto kong imahinasyon ko lang yun.
Naman kasi. Ano bang naidulot ni Jessie sakin. Dammit. Dammit.
***
Jessie’s POV
“Saan ka na tatambay ngayon?”
“Ewan.” Nasa park uli kami, “di ba pedeng sama na lang ako sa langit ha? Ala na naman akong gagawin dito eh.”
“Hindi pwede, may due date nga, di ba?”
Katahimikan………………
“Tignan mo yung magsyota oh, ang sweet nila. Parang autistic, may sariling mundo.”
Tinignan ko naman yung tinuturo ni Peter. Oo nga, ang daming couples dun sa park. At sweet pa sila sa isat isa.ano ba naman yan. Ibinaling ko sa iba yung paningin ko.
Nakakita naman ako ng isang matandang babae…nag-iisa. “Hayan, nakakita na ako ng karamay ko.”
“Saan?”
“Yun oh.” Tinuro ko pa kay Peter yung matandang nakita ko.
Pero napanganga ako…………… at tumawa naman si Peter.
May lumapit sa matandang babae, isang matandang lalake at inabutan siya ng hotdog sandwich…
At sabay silang kumain na parang nagde-date.
“Wahaha! Nag-iisa ka na lang eh! Pfft. Haha!”
“Hayst. Makakakita rin ako ng karamay!”
And then napasulyap ako sa isang batang babae…nakaupo siya sa damuhan. Siniko ko si Peter, “yun naman oh, sigurado akong karamay ko yan kasi bata pa sya.”
“Talaga lang ha?”
At nanlaki na naman mga mata ko kasi may lumapit sa batang babae na isang batang lalake…
At inabutan siya ng ligaw na bulaklak!
“Ano ba yan! Pati bata may love life! Ako na lang ata ang wala eh!”
“Asus eto naman. Haha! Don’t judge the book by its cover! Haha… pffft… haha… Porque bata walang love life? Porque matanda dapat wala ng partner? Haha!”
“Magiging single na ata ako poreber! :( “
“Hindi naman.”
“Panu mo nasabi?”
“Malay mo, meron pa dyan. O malay mo, wala ka ng mahahanap kasi mamamatay ka na. Haha! Jowks!”
Poinks. “Kaw ha, imbes na damayan mo ko, pinagtatawanan mo pa ko.”
Pero tama nga naman kasi siya, malay ko ba naman kung mabubuhay pa ako. Tss. Lintik na Geoff kasi yan.
Matagal pa bago kami naghiwalay ni Peter… mag-gagabi na siguro nun.
Di na ko pumunta kay lola sa simbahan, sesermunan lang naman nya ako.
Naglakad lakad na lang ako papuntang ospital. Maybe for the last time, makita ko yung katawan ko.
+++
[15TH DAY]
Jessie’s POV
(Come What May of Beauty and the Beast)
“♪♪♪Come what may…
Come what may…
I will love you…
Until my dying day♪♪♪”
“*sniff* panu ba yan katawan ko? Lilipad na tayo sa heaven bukas. Uwaa! Ba-bye na tayo keh ate Mylene… *sniff*”
Naramdaman kong nagkukumahog yung mga tao sa labas.
And then may mga doctor at nurses na pumasok sa kwarto.
Umiiyak naman si Mylene sa gilid habang yakap yung asawa nya. “Mabubuhay sya! Mabubuhay siya, di ba?” Hysterical na si Mylene
“Bakit? Anong nangyayari? Ala? Ano?” Di ko magets yung mga sinasabi ng doctor. Basta ginagalaw nila yung katawan ko.
After a few minutes na kachurvaluhan, lumapit yung doctor keh Mylene, “guess this would be her last day. Kung suswertehin, aabutin pa siya hanggang bukas. I’m really sorry pero katawan na rin nya ang sumusuko.”
What??? Sumusuko??? Hindi pa ako sumusuko!
Hindi nga ba?
Oo na!
Ganun ba yun? Pag masaya ako, may progress? Pag malungkot, patay agad? :| oh my. Pano ako magiging masaya kung ganito ang nararamdaman ko ngayon?
***
Geoff’s POV
“Where am i?” hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko, mahamog yung lugar. Malamig din ang ihip ng hangin at puti lahat ng nakikita ko. “Hello? May tao ba dyan?” Hinahawi ko pa yung makapal na hamog bago ko nakita yung bulto ng tao. Lalake.
Nakangiti sya sakin. “Hi, Geoff.”
“Kilala mo ako?” Fan ko ba to?
Tumango sya ng bahagya. “Oo naman. Kilala kita, kilala ko pati kahuli hulihang ninuno mo. At pati na rin pala si Jessie, kilala ko.”
“Ha?” at teka, may kamukha siya… sino na nga ba??
“Tama ka, ako si Peter. Mabuti naman at naaalala mo ako.”
“Ano? Di ba comatosed ka?? So ibig bang sabihin nito patay na ko? Natulog lang ako ah.”
“Wish mo lang yan. Di ka pa patay, asa ka pa. Masamang damo ka. Nasa panaginip mo ako.”
Ngumiti uli siya. Panaginip daw? “Pano nangyari to?”
“Simple lang, nandito ako para liwanagan ang isip mong madumi. Linisin mo nga yan once a week. Naku naku. Kung di ko lang mahal si Jessie--------“
“Mahal mo si Jessie?!” Nag-init naman agad ang ulo ko.
“Bilang friend, selos ka naman. May syota na ko.” Ngumisi siya. “Magsimula tayo sa katanungang ‘ano ang nararamadaman mo kay Jessie?”
Pinagsasabi nito? Magpapacheck up na talaga ako. “Wala.”
“May ibig bang sabihin yang ‘wala’ mo?”
“Mahal ko siya, satistfied?” Persuasive kasi yung tono nya so sinagot ko na lang siya.
“Ganun naman pala, bakit mo siya sinaktan?”
“Kesa naman ako yung una nyang masaktan pag umalis na sya.”
Lumapit sya sakin…
At…
Kinatok yung noo ko.
“Ewan ko sayo. Pero ikaw rin ang nawalan. Kung gusto mong mapabalik siya, puntahan mo siya sa ospital. Bago pa mahuli ang lahat.”
“Bakit ko naman gagawin--------------------aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Bumuka yung tinatapakan ko… “aaaaaahhhhh!!!!!!”
“Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!” Napabalikwas ako. Pinagpapawisan pa ako.
Ano ba namang panaginip iyon!

“Ahy puSangina!”
Inabot ko yung cellphone ko sa bedside table.
Incoming call, Angelie.
“Hello?”
“Hi, honey! You just woke up? Oh my! It’s ten am! Haha. Wanna have date with me?”
Nagdalawang isip pa ako. “Ah…o-okay.”
“Good! Lets meet at blah blah at 11:30 sharp! Bye! Mwah!”
At nawala na sya sa linya. Tss.
Di ko pa pala nabago yung ringtone ko.
Parang may pumipitik sa sentido ko. Nakakainis!ah Jessie!
Dinelete ko na yung nirecord kong boses nya…pero nirevive ko din agad.di ko kayang mawala yung boses nya sa CP ko. Kahit yun man lang.
“Argh.” Nakita ko rin kasi yung picture namin sa Baguio noon. “Pati ito, di ko idedelete.” Oh my. Panu ako makakamove on nyan kung lahat ng alaala nya, tinatago ko pa rin. Kaini na buhay oh!
At isa pa sa gumugulo ng utak ko ay yung walang kwentang panaginip na iyon.
11:30 am.
Here at blah blah resto.
Having date with Angelie na walang ibang ginawa kundi magpacute sa mga lalake doon. Walang kwentang date.
At natapos ang ‘date’ na iyon na may tumatak sa isipan ko.
***
Author: ‘Mandre’ po yung apelyido ni Geoff at talaga pong tinago ko pangalan ni ‘lola’..haha..o mas dapat kong sabihin wala akong alam na ipangalan sa kanila. Wooshoo!sorry po kung medyo nakakainis na nakakabitin na boring…may spiders nga po kasi sa utak ko na naninirahan sa tagal na di ko nagamit.
+++
[16th DAY]
Jessie’s POV
6am
I looked at my body once again…
At lumakad na ako palayo sa hospital room ko.
Mga yabag ko lang at mahinang pintig ng puso ko ang naririnig ko…
Naaalala ko pa rin si Geoff…this is goodbye.
Tss.
Naglalakad lakad lang ako at tumitingin tingin sa paligid. Ang mundong kinalakhan ko ay tuluyan ko ng iiwan. At ang katangi tanging lalaking nagparanas sakin ng tamis ng unang halik… at nagpatikim sakin ng kasaklapan ng unang pagkawasak ng puso… ay tuluyan ko na ring iiwan.
“I will miss you, people!”
Ngumiti ako.
Bukas pa yung ulan sabi nila pero makulimlim naman ang langit ngayon.
Nagpunta ako sa simbahan mga 11am.
“Uulan ngayon,” sabi ni lola.
Umiling ako, “naku, lola, bukas pa daw. Pramis!”
“Hindi,” kontra pa rin nya, “uulan talaga ngayon.”
“Ang kulit mo din, lola…” nagdasal na lang ako kesa makipagdebate kay lola.
Kkkrrrruuugggg! (di ko makuha yung right sound!)
Kumulog ba? Kulog yun???
Tanghali na so dapat mainit na,, pero hindi eh.
“Sabi ko sayo, uulan eh,” parang batang sabi ni lola sa kin.
“Ha? Hindi maaari! Bukas pa sana to!”
Di ko na hinitay yung sasabihin ni lola, tumakbo ako palabas ng simbahan.
Pagtingala ko…
Naramdaman ko yung isang patak na dumampi sa ilong ko… hindi to totoo…
Kanya-kanyang nagtakbuhan ang mga tao sa kung saan may silong.
Chuweng!
“Hoy!”
“Ha?”
Nagpalinga-linga ako.
So, nasa langit na ako ngayon.
Andun si Peter sa sofa na puti, nakaharap sa TV, at alam nyo kung ano pinapanood? Tom and Jerry kids. Isip bata talaga.
“Ang daya! Bukas pa dapat yung ulan ah!” Angal ko.
“Sino meh sabi?”
“Yung forecaster.”
“Hindi lahat ng sinasabi ng weather forecaster, dapat mong paniwalaan. Ano ka ba… hehe. Lika, may pupuntahan tayo.”
“Saan na naman?”
“Jan lang oh, papasok lang tayo sa pinto na yan,” may tinuro sya sa likuran ko.
“Wala namang pinto kanina ah?”
“Ngayon nga meron na, ang dami mong reklamo. Tara.” Inakbayan pa nya ako at giniya sa pinto.
Pagpasok namin, nakakita ako ng dalawang papel na kulay yellow tsaka dalawang ballpen.
“Ngayon magsulat na tayo ng hiling natin… oh, eto sayo…” inabot nya sakin yung isang papel tsaka ballpen.
“Lupet ng ballpen! Violet pa ha? ang arte naman ninyo dito!” Nasiyahan talaga ako sa ballpen. So eto na yung moment na kahit mabuhay man ako o hindi, may isa pa rin akong kahilingan. Noon ko pa to naiisip eh.
At yung plinano kong hiling noon ang siyang isinulat ko sa papel…
Mas naunang natapos si Peter kesa sakin. Mukhang planado na din nya yung hiling niya.
“Tapos ka na? Ilagay mo sa bote.”
“Bote?” Wala naman akong nakikitang bote ah.
“Eto oh,” at lumitaw sa isang kamay nya yung munting bote.
“Magic! Hehe.” ri-noll ko yung papel at pinagkasya sa bote. “San ko ilalagay?”
“Dyan sa basket.”
Di na ako nagtanong kung anong basket kasi alam ko namang lilitaw din yun mula sa kung saan.
At heto na nga, lumitaw nga, nilagay namin dun yung bote namin.
“Ano na ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Pumili ka ng pintong papasukan mo…”
“Pinto?”
“Sa likuran mo.”
“Wala naman pinto kanina jan ah?”
“Ineng, heaven ito kaya masanay ka na. Ahysus.”
Humarap na nga kami sa pintong sinasabi nya. parehong puti ang mga yun. Para saan ang mga iyon???
“Right or left?”
“Right na lang.” Tama ba yung pinili ko?
“Engks, hehe. Mali… sa left ka.”
“Nagtanung-tanong ka pa kung ikaw rin naman pala magsasabi kung saan ako papasok. Hmp. Ano bang nandyan?”
“Basta pumasok ka na lang,” tinulak pa nya ko.
“Sumama ka!” Hinila ko yung kamay niya.
“Ayoko nga! Pasok na! Ang tagal, holloween na oh.”
“Eeeee naman kasi, Peter!”
Palapit na palapit ako sa pintong nasa left side.
“Jessie…”
“Ha?” nilingon ko siya ng bahagya.
“Ano yung hiniling mo?”
Pakelamero. “Sana mabuhay ka na. :)”
“Aw. Ang sweet mo.”
“Ikaw, ano yung hiniling mo?”
“Maalala ka ng mga taong nagmahal sayo habang kaluluwa ka pa… at kabilang na ‘ko dun.”
Naiiyak ako! Sheyts! “Salamat, Peter.” So kahit mamatay pala ako, may makakaalala pa rin ng kagandahan ko.
“Bakit di mo hiniling na maalala ka ni Geoff?”
May nakahanda akong sagot dyan, “kasi maaalala siya nito…” tinuro ko yung puso ko… “maaalala siya nito… ng puso ko.” Naiyak na naman ako.
“Pagpasok mo sa pintong iyan, mawawala na lahat ng alaala mo,” naiiyak na sabi nya.
“Wag kang umiyak! Kalalake mong tao, umiiyak ka!” Malilimutan ko si Eunice… si Peter… at si Geoff… okay na rin siguro yun. Para di ko na maalala yung sakit na dinulot nya sakin.
“Mamimiss kita , Jessie… ba-bye!”
Di ko na siya liningon. Nagtungo na ako sa pinto. Hinawakan ko na yung seradura.
Eto na to.
Pagbukas ko ng pinto…
Tumambad sa kin yung puting ilaw na halos magpabulag sakin…
Pero bago ako tuluyang mawalan ng ulirat, narinig ko pa si Peter…
“Sabi ko sayo noon, di ka magugutom… wala kang mararamdaman…
Pero anong nangyari? Unang araw pa lang… nakadama ka na ng saya…
Nakadama ka na ng inis…
At ngayon, nagmahal ka… ibig sabihin, unang araw pa lang… nagawa mo na.
At si Geoff, sa oras na tinanggap nya yung obligasyong pinataw mo sa kanya, pinahalagahan ka na rin nya…
Nagawa mo, Jessie…nagawa mo.”
At tuluyan na akong nabingi ng katahimikan.
***
Geoff’s POV
Nagpunta ako sa ospital mga 6:30am… kahapon pa sana ako pupunta pero nag-isip muna ako.
Pagpasok ko sa kwarto, parang may nagsasabi sakin na nanggaling na doon si Jessie… asan na siya??? I need to apologize… malaki ang kasalanan ko sa kanya.
“Sabihin mo na lahat ng dapat mong sabihin…” humagulgol si Mylene, “mawawala na siya mamaya sabi ng doctor.” Patuloy lang siyang umiyak at tumakbo palabas. Baka magtungo na naman sya sa chapel.
Naupo ako sa tabi ng katawan ni Jessie… hinawakan ko yung kamay nya.
“Hey. Asan ka na? Bat ka kasi umalis? Sana kinulit mo ako. Sana ginising mo pa ako. May sasabihin ako sa iyo… mahal kita. Oh nasabi ko na ha? Mas mabuti sana kung andito ka, mahal na mahal kita. Walang nangyari sa min ni Angelie… noon , oo... pero ngayon, wala…”
“So bumalik ka na ha? Pag nabuhay ka, pakakasalan kita. At hindi yung si Peter yung sinasabi mong pakakasalan mo, dapat ako yun.”
Tumawa ako ng pagak.
Nakikipag-usap ako sa wala. Tss.
Ilang oras pa ako dun.
“Hoy, Jessie, gumising ka na. Umuulan na sa labas oh? Di mo mae-enjoy yung unang ulan ngayong taon!” Para sakin hindi maganda yung ulan.
And then pumasok na yung mga nurse… kasunod nila si Mylene... “Sorry po, sir pero kelangan na pong tanggalin yung life support nya.”
“No! Wag muna!” Susuntukin ko na yung nurse eh! “Mabubuhay sya, miss. Promise yun! So please! Wag muna!”
“Geoff, alam kong masakit rin pero wala na tayong magagawa…” sabi sakin ni Mylene.
Isinubsob ko yung mukha ko sa kamay ko… “this can’t be happening…”
Natanggal na yung life support.
“This can’t be happening!”
Hindi ako yun ah! Napamulat ako at nakita kong shock na shock yung mga nurse…
At nakita ko si Jessie na napasinghap na parang kagagaling lang nya sa pagkalunod.
“Oh my God! Oh my God! Oh my God! Buhay ka, Jessie!” Paulit ulit na sabi ni Mylene habang yinakap na si Jessie kahit ganu pa siya pigilan ng mga nurse.
“Miracles happen,” sabi nung doctor. “You’re lucky.”
Sakin ba nya sinabi yun???
Matagal bago nagsink in sa utak ko na ‘buhay si Jessie...’
Lumapit ako… mabagal ah.
“J-Jessie...” Di ko alam kung tatalon ba ako sa tuwa o ano.
Nakakunot noong tumingin sya sakin…
At…
“Sino ka?”
***
Author: Wala pong kaemo-emosyon. Sensya! Hehehe. Panu ba naman kasi, puro rock music pinapakinggan ko habang nagsusulat... haha.
+++
[JESSIE---LIVING]
Jessie’s POV
Tatlong katanungan lang ang nasabi ko nung magising ako sa mahaba’t mahimbing na pagtulog.
Una: “Ate buntis ka?”
Pangalawa: “Ate, sino siya?” Tukoy ko sa ‘asawa’ daw ni ate.
At pangatlo: “sino ka?” Para sa lalakeng feeling close na nakipagunahan pa keh ate Mylene sa pagyakap sa akin nung magkaroon ako ng ulirat.
Sino ba siya? Kahapon lang ako nagising at sya na agad yung nabungaran ko… tingin tuloy ng mga doctor eh nobyo ko siya. Please lang naman! Katatapos lang ng sakit ng ulo ko kay Jimmy kaya imposibleng pumulot uli ako ng bato na ipinukpok sa ulo ko.
“Jessie, ito oh, prutas… okay daw to sayo sabi nung doctor mo,” alok na naman ng lalake. Kahapon, bumili sya ng bungkos ng bulaklak na nilagay pa nya sa vase at talagang nilagay pa niya sa bintana. ‘Geoff’ daw ang pangalan nya.
“Ah… eh… thank you,” at napangiwi na lang ako ng lihim.
After eight days na pag-o-observe sa kin ng mga doctor na parang mikrobyong di pa nadi-discover, lumabas na kami ng ospital. And guess what, kasa-kasama pa rin naming yung lalakeng di ko kilala pero parang kilala ni ate.
“Talagang di mo maalala si Geoff?” To the nth time na tanong sakin ni ate Mylene.
Pati sya ay hindi makapaniwalang di ko raw kakilala yung si Geoff, “nope. Artista ba sya? O baka naman ambassador? Hmmm?? Or baka naman------“
“Nakita ka raw nya noong kaluluwa ka pa.”
At wala akong ginawa kundi humagalpak na naman ng tawa plus rolling in the floor pa ako. Kalokohan talaga.
One day, niyaya naman ako ni Geoff… ewan ko kung saan kami pupunta.
“This is my house,” anunsiyo nya. Nasa harap kami ng two-storey house na halatang pag-aari ng mayaman.
“Eh?” Agad kong pinag-cross yung kamay ko sa tapat ng dibdib ko, “kuya, wag po.”
“Haha. Youre really funny. Come inside.”
Ah ganun? Tinanggihan niya ang alindog ko?
Giniya nya ako papasok sa loob ng bahay. May bata doon, at isang asong itim.
“Tita Jessie!” Tumakbo palapit sakin yung bata at yumakap sa kin. Lumapit din yung aso na kumakawag pa yung buntot, “tapos na po ba yung laro nyong ‘kunwari-di-nyo-ko-nakikita’?”
Laro? Ni minsan ay wala akong nilarong ganun ang title. At saka, sino ba tong batang to? Weird. Naging artista ba ako nung comatosed ako?
Pero parang pamilyar sa kin yung bata… yung aso… yung bahay… si Geoff…
“Eunice, your tita Jessies not feeling well, so lumabas muna kayo ni Whity ha?”
Sumunod naman yung bata sa iniutos ni Geoff.
“Whity? Ang tindi naman ng sayad sa ulo ng nagpangalan sa itim na asong yun,” komento ko.
“Gusto mong malaman kung sino nagpangalan sa kanya?”
“Hmm? Sino?”
“Ikaw.”
“Ako? Panung ako? May sayad ka din ata eh. :|”
“Nah. Halika sa taas,” nagpatiuna na syang umakyat. Sumunod ako sa kanya, “ito ang kwarto ko.”
“Ah, maganda sya. Parang di kwarto ng lalake kasi maayos siya,” sinuri ko pa yung kwarto.
Narinig kung bumuntong hininga sya, “magulo nga dati yan eh. Kaso naging maayos na… mula ng… mawala ka.”
“Ha?” stage 1000 na yata ang sayad nitong si Geoff, “panu naman ako mawawala dito eh never pa naman akong nagpunta dito.”
“You used to jump on top of my bed… you used to sing for me… you used to make me laugh… you used to make me fall in-----“
“Taym pers muna!” Pumipitik yung sentido ko.
“You really don’t remember me, do you?”
Ano nga bang nalalaman mo , Jessie? Tss! Magisip ka dali! “I… really don’t know. Parang oo pero mahirap paniwalaan… kasi pag naaalala kita… sakit ang nararamdaman ko.”
“I’m… sorry…”
“Nasabi mo na yata sakin yan noon… at parang masakit marinig… parang napakasakit para sakin yung dalawang salita na yan. Sino ka nga ba , Geoff?”
Tumakbo na ako palabas. Narinig ko pa yung pagtawag nya sa akin pero di ko na sya liningon.
Sino ba sila? Anong naging parte nila sa buhay ko?
Naramdaman kong nababasa yung pisngi ko. Tumingala ako. Di naman umuulan… sh*t umiiyak ako! “ala, ano bang nangyayari sakin?”
“Nagmamahal ka lang.”
Paglingon ko, may nakita akong lalakeng saksakan talaga ng gwapo. Sino naman ito? Patuloy pa rin sa pag-agos yung luha sa pisngi ko.
“Sabi ko, tutulungan kita, di ba?”
Tss! Di ko na sila maintindihan!
“15 days kang nakibaka para sa buhay mo. At sa 15 days, nagmahal ka.”
“Sino ka ba?”
“Peter.”
“Peter?” May pumasok na naman sa alaala ko. Daig ko pa ang na-amnesia! Pamilyar naman sakin tong lalakeng to. Di ko lang alam kung saan at paano ko siya nakilala. Wala naman akong social life bago ako maaksidente kaya imposibleng nakilala ko sila sa party o kung saan man possible.
“Di mo talaga ako nakikilala? Ako yung nag-chu-‘chuweng’ noon bago ako mag-appear sa harapan mo.”
Warning signal.
And I passed out.
***
Author: Wooshoo! Patience lang po ha??? ^_^ Baka two to three chapters na lang, ending na kaya po stick with this story! Salamat po ng million times!
+++
[YES OR NO]
Jessie’s POV
“Nasaan ako?”
“Nasa langit ka.”
“May mission ka.”
“Isang tao… isang dahilan… at babalik ang dati mong buhay.”
Umaalingawngaw sa utak ko yong boses na yun.
“Jessie!” Isang lalake na mukhang galit iyon, “wag kang tumalon sa kama ko!”
“Tita Jessie!” Paslit naman ngayon, “laro tayo dolls ko!”
“Arf arf! Rawr! Arf!” Bat may aso?
“Misyon muna bago landi , Jessie,” ohlala! Sino to?
“Baka magsisi ka rin,” matandang boses naman ngayon, “tanungin mo muna.”
“Err, why don’t we try it at your room , Geoff?”
“Geoff…”
Geoff…
Geoff…
Jessie…
Jessie…
Napabalikwas ako ng bangon.
“Oh, Petriatico, gising na tong kaibigan mo!” Isang magandang babae ang nakita ko. Pumasok yung lalakeng kausap ko lang kanina bago ako mawalan ng malay.
“Gising ka na pala,” nakangiti yung lalake.
“Ikaw si Peter. Ikaw yung muntik ng maging anghel. Ikaw nga!”
Ngumiti uli siya, “ako nga.”
“Naku, Palits! Kayo na nga ang mag-usap! Pareho kayong malalim ang hukay sa utak,” lumabas na yung babae.
“Sya si Natasha di ba? Ow. Naaalala ko na rin sya.”
“So naaalala mo na yung ‘chuweng’ ko? ^_^”
“Yung parang teleporter? Astig! Tss. Pero paano? Kala ko panaginip lang yun?”
“Engks. Hindi kaya. 16 days kang nanggulo kay Geoff, naaalala mo rin ba yun?”
“Nanggulo ba ako? Ang sama ko naman.”
“Haha. Hindi naman ‘masyado’. Nakatulong ka rin naman. Napagmove on mo siya.” May nilabas sya mula sa kung saan, magazine pala iyon, “kita mo tong babaeng to? At etong lalake? Yan si Mitchie, ex ni Geoff. At ito naman si Dereck, jowa ni Mitchie na pinampalit nya kay Geoff. Bitter si Geoff pero dahil nanggulo ka nga, nalimutan ni Geoff si Mitchie.”
“Happy ba ang ending namin ni Geoff? Para kasing hindi eh”
“Hindi talaga. Pero kung tatanggapin mo siya uli, magiging happy. Gaya namin ni Nutella.”
Tatanggapin ko ba? Ayaw ko yata. Sheyts ano ba naman kasi yan. “Aalis na ako.”
“Oh, saan ka na pupunta? Aayain mo ng gumawa ng baby si Geoff? Sabagay---------“
Pinanlakihan ko siya ng mata. “Kung anu ano yang lumalabas sa bibig mo. Magiisip lang ako noh.”
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko sina Mylene at yung asawa nya sa sala, nanonood. Di naman na nila ako tinanong kung saan ako nanggaling.
Kumain na lang ako at natulog.
Sleepy head....
“Jessie.”
“Geoff? Anong ginagawa mo dito? ---oooppp---ooopppsss! Anong binabalak mo?” Lumayo ako ng konti, lumalapit kasi yung mukha nya sakin.
“Ggaaahhh!” Para akong sumisid sa kailaliman ng dagat at nawalan ng hininga nung magising ako. “Ahyst. Shet na malagket naman.” Tapos unti unti akong napangiti, “sayang hindi natuloy. Hihi.”
“Uy baliw,” si ate Mylene yun, kumatok pa siya bago sumilip, “nasa labas si Geoff.”
“Ah okay.”
“Ayos din itong manliligaw mon ha. Walang palya.”
“Walang palya sa pakikikain ng breakfast kamo. Haha.” Umalis na si ate.
Talaga naman complete attendance si Geoff sa pakikikain sa bahay mula ng lumabas kami sa ospital.
Eh sa mapang-asar ang kapatid ko, nung isang araw ay sunog na sinaing at tuyo ang iniharap samin. Pigil ako sa pagtawa nun kasi wala namang angal si Geoff kahit halata namang hindi sya sanay sa ganung pagkain.
Naghilamos lang ako at tinali yung buhok ko pataas ng hindi pa ako nakapagsusuklay. Imagine’in nyo na lang na parang sumasabog na fountain yung buhok ko.
“Hi.” Nakangiting bati sa kin ni Geoff. Well aaminin ko, gwapo sya. Mukhang simpatiko tapos laging nakakunot ang noo. Pero kapag nakatingin sya sa kin, all smiles naman siya.
“‘Morning,” nakangiti na rin ako.
Nung kumakain na kami, nagpaalam akong magsisimba.
“Sasama ako,” si Geoff
“Wag na, baka gumuho pa ang simbahan pag sumama ka,” siniko ko pa siya.
Lumungkot yung mukha nya. aw look at that, nakakaawa naman.
“Eh di magpapatayo ako ng bago.”
Yehrayt. Mayaman naman kasi kaya madali lang yun para sa kanya. -_-
“Isama mo na kasi,” susog ni ate.
No choice tuloy ako. Isasama ko na talaga sya kahit labag na labag sa kalooban ko.
So, naligo na ako at nagbihis.
Paglabas na paglabas namin ay nakita namin yung mga kabataan na nakakumpol sa poste ng meralco malapit sa bahay. Impit na nagtilian sila ng batiin sila ni Geoff ng ‘good morning’. At pinakamalakas ang tilian ng mga bading dun. Hanep talaga ang karisma ni Geoff.
Nilakad lang namin papuntang simbahan.
“Lagi ka na lang sumasama sakin,” sermon ko keh Geoff, “panu pag may magpapasabog ng bomba dun? Eh di patay tayo pareho? Tss.” Mas nauuna akong maglakad at nasa likuran ko lang si Geoff.
Feeling ko walang nakikinig sakin, lumingon ako. At may kausap na dalagita ang magaling at kalahating si Geoff. Pa-cute ng pa-cute yung dalagita. Agad naman akong lumapit.
“Ah hihi... thank you... sabi nga ni mama maganda ako... hihi...” panay ang hawi ng babae sa buhok nya, iniipit nya sa likod ng tenga nya.
“Ah ganun ba, nene?” Diniinan ko pa talaga yung ‘nene’. Mukhang disisais lang kasi siya, “sabi lang ng mama mo yun para di ka masaktan. Gusto mo bang marinig ang totoo mula sa mama mo? Ganito kasi yun pag sasabihin nya sau,” I cleared my throat, “’anak, di ka naman kagandahan. Makinis lang ang kutis mo. Sa katunayan, pandak ka rin kaya wag ka ng mangarap.’ Okay na?” at inirapan ko siya. Hinarap ko naman si Geoff. “Ikaw ha, magsisimba tayo kaya magpakabait ka naman!”
Nagmartsa na naman ako. Naiiyak pa yung babae kanina. Aba! Naniniwala naman siya kay Geoff. Eeee! Ang sarap tirisin ng lalakeng yun!
“Uy. Selos ka naman agad.” Nakasunod na pala sakin ang magaling na si Geoff.
“Sana sinabi mong makikipaglandian ka pa para hindi ko kinausap ang hangin...” hinampas ko siya sa balikat, “kainis ka!”
“Haha. Nagtanong lang naman sya kung maganda yung ayos nya eh.”
Hindi ako umimik.
“Gusto mo mag-mcdo tayo pagkatapos ng misa?”
Ang cheap nya ha? “Wala si Mcdonalds, nagpa-laundry ng damit.”
“Eh Jolibee?”
“Wala rin. Di-nate nya si Hetty. Mangongolekta pa sya ng nectar mamaya.”
“Oh.”
“Naniniwala ka sa mga sinasabi ko?” para kasing naniniwala siya kasi tumatango tango pa sya.
Ngumiti sya, “oo naman. Basta sinabi ng taong mahal ko, papaniwalaan ko.”
Napaubo naman ako, “ang sabe?” Ubo ulit. “Ikaw ha, joker.”
“Di ka naniniwala?”
“Hindi. Pinagloloko mo ko eh.” Ahw ! Kill me na! Now na! Kinikilig ako... eee!
“Bahala ka.”
Kahit nung makapasok na kami sa simbahan ay may nakapaskil siyang ngiti sa labi na parang nagsasabing “may gagawin akong kalokohan mamaya”
Sa likuran kami pumwesto kasi wala ng mauupuan sa harap. Katabi namin yung matandang mukhang nilalayuan ng lahat.
“Dito ka na lang,” sabi ni Geoff na halata naman na nilalayo rin nya ako kay lola.
“Pag ikaw naging ganyan 50 yrs from now, lalayuan din kita. Dyan ka na lang, dito ako sa tabi nya.”
Medyo nakakalayo na rin yung misa nang...
“Ikakasal ka na rin,” sabi ni lola.
Lumingon lingon pa ako. Baka may kausap na kaluluwa si lola at naupuan ko lang. “Ho? ako po ba?”
“Sabi ko na nga ba’t magagawa mo rin.” Sa harap lang nakatingin si lola.
Nilingon ko muna si Geoff na busy sa pakikinig sa sermon ng pari. “Ano po ule , lola?” Alam din ba ni lola yung tungkol sa nangyari sakin nung ‘lost soul’ pa ako?
“Aba hindi panaginip yun. Totoong nangyari yun at saksi ako dun.”
Great. Mind reader si lola.
“Jessie,” dinutdot pa ni Geoff yung braso ko, “punta lang ako sa harap.”
“Ha? teka-----“ nakaalis na siya, ni di man lang nya ako nilingon. Ano naman kaya ang gagawin niya sa harap? Patapos na yung misa eh... or mas dapat sabihing nagbibigay na lang ng notes yung pari at nag-aalisan na ang ilan.
“Sabi ko sayo eh.”
Nagsasalita na naman mag-isa si lola.
“Good morning to everyone ---ehem--- I’m sorry if magugulo ko kayo...”
o.O
O.o
O_____O
Anong ginagawa ni Geoff sa harap?!!!!!!!!!!!!!???
>_<
“Ive been waiting for this day to happen. ^_^ It’s the right time, eh? Sorry but im not good with words. Di ko rin alam kung tama ba tong ginagawa ko.” Nakatayo si Geoff sa tabi ng pari na ngiting ngiti.
‘Anong problema ng yummy guy na yan?’
‘Don’t know sis, pakinggan na lang natin.’
‘Baka manghihingi ng tulong.’
‘Ahy baka nga. Bat di na lang sya lumapit sakin?’
Naghagikgikan pa ang dalawang bakla na nag-uusap sa harap namin ni lola.
Pagnasaan pa daw si Geoff.
-_-
“Eto na nga.” Huminga ng malalim si Geoff. “I want to call Ms. Jessica Antonio in front... please.”
‘Jessica Antonio raw.’
‘Ahy bakit wala atang Jessica dito?’
‘Ako na lang pupunta. Kunwari ako si Jessica.’
Usapang bading na naman.
Pa-whistle-whistle pa ako na biglaang nagkaroon ng interes sa kisame ng simbahan. Tumitingala pa ako.
“Jessica ‘Jessie’ Antonio. Please... “
Oh please , lupa, lamunin mo na ko, dali!
Nakatingin ng diretso si Geoff sa kin. Unti unti namang lumingon yung mga usisero’t usisera. Para hindi halata, lumingon na rin ako sabay sabing: “sino ba yang Jessica na yan? Ang bingi naman.”
“Hay naku sister, wala ng tao sa likod kaya sure-laloo ako na ikaw ang tinatawag ni yummy guy. Goralets na,” sabi nung bading na may paru-paro pa sa ulo.
Nasundan pa ang hikayat na yun ng “sige na kasi, miss,”; “Punta ka na” at marami pang iba.
“Anak, ikaw rin ang mawawalan,” si lola.
Pikit-matang naglakad ako papuntang altar.
Para na akong bibitayin. Lagot sakin tong Geoff na to pag nakalabas kami dito sa bahay ni Lord.
“Thank you,” sabi pa ni Geoff, hawak pa rin nya yung mic kaya naman nabro-broadcast yung sinasabi nya. Pansin ko rin na dumadami na ang tao sa loob ng simbahan.
“Anong drama to? Kung anu ano pinapauso mo ha,” mahina ngunit mariin na sabi ko.
“Sabi ko nga, this is my chance...”
O_O
(O)_____(O)
Walang sabi sabing lumuhod si Geoff.
“Ahyst! Tumayo ka nga! Wag kang ganyan!” Broadcasted.
‘Wow ang sweet.’
‘Witness pa si Lord.’
‘Ang swerte ng babae.’
‘Gwapo din naman ang lalake.’
Kanya kanya ng bulungan ang mga tao. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko na bumulong yung pari sa pinakamalapit na seminarista.
“Jessica ‘Jessie’ Antonio...” inhale... exhale... smile... “will you be the grandmother of my grandchildren?” Mula sa bulsa nya, may nilabas syang gold silver na singsing, parang twisted tapos may maliit na diamond sa gitna.
“Grandmother agad?” Kaloka talaga tong si Geoff. Wala pa nga kaming anak, magiging lola na agad ako?
‘Yes!’
‘Oo na.’
‘Dali kasi!’
‘Oo na yan. halata naman.’
“Jessie, will you marry me... and join me til I die?”
“Ngayon ‘die’ naman?” Anong isasagot ko?? Di ko pa nga siya naaalala ng tuluyan eh tapos kasal na agad tong kinasusuungan ko?! “Okay deal na!”
Nagdiwang lahat ng nandun. Pati si Father ay napatalon sa sobrang galak.
With these people... and God as our witness...
He kissed me on my lips.
And I remember this guy’s kisses.
Will I regret?
***
Author: Aroouuu jushko! Inabot pa ko ng millions of years bago makapag-update! Nawalan pa ata ako ng readers. Hihihi! Dedicated to kay @Jairodactyl na naguluhan ako sa tunay nyang katauhan. Dre, lalake ka ba o babae? Yung totoo? Kasi kung hindi ka babae, “will you marry me?” hahaha! Wala lang! Naadek lang eh XD May susunod pa po dito sa update na to. Wag bibitaw! Hold on! ^_^
+++
[PAYN!]
Author: Hayan! After ages, nakapagupdate rin kahit may capital ‘B’ plus ‘O’ and then ‘R’ tapos ‘I’ plus ‘N’ and last ‘G’ ang kwento. Sarreh naman! Walang isip si binibining tagasulat XD)
***
Jessie’s POV
“Alam mo, kanina pa ako nahihilo sa iyo. Baka mapairi pa tuloy ako ng wala sa oras eh. Umupo ka nga rito.”
“Ate,” tumigil ako sa pagpaparoon at parito, “tama ba ang ginawa ko? Tama ba yung naging desisyon ko? Psshh...” sabay kagat sa mga kuko ko.
Nagtaas ng kilay si ate Mylene, “ako ba ang magpapasakal----pffttt... kasal?”
“Nagpadalus dalos ba ako masyado?”
“Ako ba ang sumagot ng ‘oo’?”
“Thank you for your support.” Inismiran ko siya. Umupo ako sa tabi niya at kinulong ang mukha ko sa mga palad ko, “Gosh. 23 lang ako.”
“Kooh. Nasa tamang edad ka na. dapat lumandi ka na noon pa eh,” at absent-minded na binatukan nya ako kaya halos mapasubsob ako sa walang carpet kundi sementong sahig namin. “Ops. Sorry... hehe”
“At may balak ka pa yatang burahin ang ilong ko eh,” napuruhan talaga ang ilong ko. Feeling ko tuloy pumaloob ang matangos kong ilong. “Makaalis nga muna.”
“Saan ka pupunta?”
“Dyan lang sa tabi tabi.”
Di na ako pinigilan ni ate. Pupunta lang ako kay Geoff. Baka kasi lumalandi siya pag nakatalikod ako eh, mahirap na. nung isang lingo lang niya ako niyayang magpakasal at ilang araw na rin akong di makapagisip ng matino kasi laging umuukilkil sa isipan ko kung tama ba yung pagpayag ko. Lalo na ngayon at di na nagpaparamdam ang walanghiyang si Geoff.
Lakad...
Hop...
Hop...
Lakad...
Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao. Saan ka ba naman kasi nakakita ng babaeng nakadress, dollshoes at shades na patalon talon pa habang naglalakad? Tss.
Pagdating sa bahay ni Geoff...
Nagdoorbell ako... doorbell pa kasi walang sumasagot... doorbell...
“OO na, nandyan na...” si Marie, ang katulong, ang nagbukas ng gate para sa akin, “Kayo pala, Ma’am Jessie,” kilala na nya ako kasi pinakilala na ako ni Geoff noon pa. mukhang asiwa ang ekspresyon nya.
“Nandyan ba sya?” pasilip silip ako sa loob. Wala yatang balak tong chimay na ito na papasukin ako. Ang liit lang ng pagkakabukas nya ng gate at halatang sinasarahan nya lahat ng siwang na maaari kong silipan. Sipain ko to eh. “Pwedeng pumasok? Nakabara ka kasi sa daraanan ko eh.” At ako na mismo tumulak sa kanya.
Dire diretso ako sa pagpasok sa loob.
Walang tao sa sala...
“Maam, ano po kasi...”
“Ssshh Marie. Kukumustahin ko lang naman eh.” Talagang sinusubukan ako ng chimay na to ah. Sa kusina naman ako pumunta.
Wala pa ring tao...
“Aahh. Sa kwarto ba?”
“M-maam...”
Di na nakasunod pa sa akin si Marie nung pumanhik ako sa itaas...
Nakahanda na ang pagkatok ko sa kwarto nung marinig ko yung naguusap mula sa kwarto...
“Ahaha, looks good aha? Wanna try it?” boses babae yun. At parang...
Boses ni Angelie! Ahhh!
Sunud sunod na pagkatok ang ginawa ko na halos ikagiba ng pinto.
“Ah shit! Marie, I told you not to disturb us!”
Isang galit na galit na Geoff ang bumungad sa pagmumukha ko kasunod ang makapal ang make-up na si Angelie.
“Hello, fiancé” bati ko sa napamulagat na si Geoff, “hello, malanding ex ng mas malanding fiancé ko.”
Mariin ang pagbibitiw ko ng mga salita.
“Ahm...” nahimasmasan na marahil si Geoff, “ah. Jessie. Si Angelie---“
“Kilala ko. Wag mong sabihing sya ang substitute ko kapag di ako umattend ng kasal?” ah nakakainis!
Napatawa si Angelie at namula si Geoff, “Oh come on girl. I know naman na mas maganda ako sayo noh pero sayo na si Geoff. Promise! I’m just your wedding gown designer. Cake designer. Reception designer at lahat na ng klase ng designer jan. Ok?”
Di pa rin natatanggal ang pagkakakunot noo ko nung harapin ko si Geoff. Tumango siya sa akin. Napahiya naman ako...
Pero naisip ko na lang na may karapatan pa rin ako magalit kasi di niya sinabi na si Angelie ang kukunin niyang designer. At teka... di ba model lang si Angelie?!
“Come on in, Jessie, para naman malaman mo na ang mga detalye.” Inalalayan pa ako ni Geoff. Umupo kami sa kama habang si Angelie ay naupo sa single sofa.
“2 months from now ang kasal niyo. Rush lang to pero okay na rin naman kasi money talks naman eh, ang kulay ng gown mo, parang pinkish sya-----“
“Bakit pink?” di man lang nila ako tinanong kung ano ang gusto kong kulay!
Si Geoff ang sumagot, “sabi kasi ni Angelie na maganda daw iyon para sa iyo.”
Tumango na lang ako pero di pa rin ako payag dun.
“Tapos 8 layers lang ang cake na floral design------“
“At bakit 8? Di ba masyadong mataas naman?”
Si Geoff na naman, ”mas maganda na rin daw kasi yun... para kahit rush, special pa rin.”
“Sinong nagsabi?”
“Si Angelie.”
“Right. Ako nga. Oh eto pa, ang design sa reception is parang pink and blue flowers. Ganun din ang entourage nyo----“
“Hulaan ko, ikaw na naman ang nagsabing maganda noh?”
“Uh-uh. Isn’t it cute?”
Tumayo na ako. “Mukhang di naman pala ako kailangan dito eh. Tapos kayo na rin pala ang nagplano ng lahat lahat ng akala nyo ay maganda kahit hindi naman pala.”
Naglakad ako patungong pinto, bago ako lumabas ay hinarap ko sila, “ahy oo nga pala.
Bakit di na lang kayo ang magpakasal para MAS MAGANDA?”
Pabalibag ko pang sinara ang pinto.
Kaya pala ayaw akong papasukin ni Marie kanina.
Psshhh. Nakakapanginit ng ulo.
+++
[THE FINALE]
Author: hiniling ng sissy ko na itapilok si Jessie paglabas ng bahay... Pero syempre, Di ko gagawin yun. Hahaha XD mahal ko si Jessie! Abangan nyo po si Natasha..marami syang kalokohan si katawan :p
Ending na po to. As in! Minadali ko na po kasi kaya pasensya naman! Mwah mwah na lang. Hehehe.
***
Jessie’s POV
May narinig akong ugong ng tumigil na sasakyan sa labas, takbo agad ako sa bintana...
Para lamang madismaya.
Balik uli ako sa kinalalagyan ng telepono na maghapon ko ng tinititigan.
“Oh, sino yun?” tanong ni Ate Mylene na lumabas mula sa kwarto nila. May hawak syang palanggana na kinalalagyan ng labahin. Kami lang dalawa sa bahay kasi nagtrabaho ang asawa nya.
“Wala, ate,” *inhales*
*exhales*
“Kanina ka pa pabalik balik sa bintana ah.” Puna nya sakin.
Talaga naman. Kanina pa ako patakbo takbo sa bintana sa pagbabakasakaling makikita ko si Geoff. Oo si Geoff. Si Geoff na walang pakealam sa akin. Si Geoff na kalandian ni Angelie. Si Geoff na nagyayang magpakasal sa akin. At si Geoff na di na nagpaparamdam for two weeks! Uuuuwwwaaaaa!
“Puntahan mo na lang kasi. Naku.”
“Ayaw, ate.”
“Sige ka, walang kasal na magaganap pagkalipas ng isang buwan at dalawang lingo. Tss. Bahala ka nga jan.”
Umalis na si ate papunta sa likod bahay.
“Ahhh. Naman kasi! Brrr.” Napalo ko tuloy ang mesa na kinalalagyan ng telepono. At dinala ko sa labi ko yung nasaktan na daliri ko.
“♪♪♪It’s a problem free
Philosophy!
Hakuna matata....
Awooooo! ♪♪♪”
“Ringtone ko yun ah!” tumakbo agad ako sa kwarto ko kung saan naroon ang cellphone ko.
Tumama pa nga ang tuhod ko sa gilid ng kama kaya napalugmok ako. pakapa ko na lang kinuha yung phone ko sa taas ng kama.
“Hello? Aray... pssh...”
Walang sumasagot.
“Hello... yuhooo????”
Tahimik pa rin.
“Hoy ikaw ha!” perv-rt! Murain ko na to eh! Di pa rin sumasagot. Tanging ‘bzzzzz’ lang ang naririnig ko.
“Isa, sasagot ka hindi?” tinignan ko ang screen ng phone, unregistered number naman. Sino kaya tong loko lokong to?
In-off ko na lang.
Tumawag na naman ang loko.
“Ano ba?” asar na talaga ako.
“Jessica!”
Eh? “Who you po?” text lang?
“Si Peter to. Hehe. Bat mo naman ako binabaan?”
“Eh paano, niloloko mo ako! pssh. Kelangan? Dali! Busy ako.” tinignan ko ang mga daliri ko. As if im really busy.
Narinig kong exaggerated syang bumuga ng hangin. “Busy daw. Saan naman? Sa paghihintay kay Geoff?”
“At paano mo nalaman aber?!”
“Eh wala ka kasing mahihintay. Hahaha.”
“Peter, ano ba, sabi ko ng wag na eh!” boses yata ni Natasha yun at mukhang nag-aagawan sila sa aparatong hawak ni Peter.
“Peter, anong sinasabi ni Natasha?” tug tugsh. Tug tugsh. Tug tugsh.
“Peter! Akin na sabi yang cellphone ko eh!”
“Jessie, punta ka dito sa mall dali.... dito sa ‘ewan’ restaurant-----“
Busy tone.
Anong sinasabi ng lalakeng yun? Pssh.
Wala naman sigurong mawawala kung pupuntahan ko nga, hindi ba? At para na rin makapagliwaliw ako.
Nag-ayos na ako.
Nagpaalam kay ate Mylene.
At sumakay ng jeep na papunta sa mall.
“Ewan restaurant... where are you....” bulong ako ng bulong... kung bakit ba naman kasi hindi alphabetically arrange ang mga establishments sa mall! Bbbrrrr...
“Jessie!”
<_<
>_>
^_^
Hayan! Nakita ko na si Peter. Gumanti ako ng kaway. Alangan naman ang ngiti ni Natasha sa akin.
Lumapit ako sa kanila.
“Oh, baket? Problema? Malaki na ang tiyan ni Natasha ah... ilang buwan na yan?” intro ko.
“Eh, ha, seven pa lang...”
“Tingin ka dun...” tinuro ni Peter ang bandang kaliwa ko.
“Anong me-------ron-----------dun...” pabagal ng pabagal ang pagkakasabi ko...
It’s Geoff... with Angelie... eating together.
Pinilit kong tumawa, “ano ka ba, Peter! Malay mo naman, baka naman nagkasabay lang.”
Peter shrugs his shoulder.
One step to Geoff...
Another steps....
Last step na... ahh. Pumasok ako sa restaurant na kinalalagyan nila... sa mismong harap ng mesa nila. “H-hi...” shit. Pumiyok pa ako. Ano ba naman.
Napatingin sila sa kin... no guilt in their eyes. “Hi, Jessie!” si Angelie sabay straw ng lemonade.
“Saan kayo nanggaling?” wag niyong sabihing nagpatahi na kayo ng gown niyang si Angelie... aahhh!
“Ahm, nagpunta kami sa boutique, nagpasukat ako ng gown.” Plus smile si Angelie.
“Gown? Gown mo? Para sa kasal?”
“Yah. Para sa kasal ni Geoff.”
“Ah. Best wishes.”
Walk out na.
Psssh. Nagpasukat na sila ng gown para kay Angelie? At ako hindi pa????????
Anong ibig bang sabihin nyan---??? Oh my! Ssshhhhh*tttt.
***
Geoff’s POV
“Ok na ba?”
“You know what, Geoff, I cant understand you na talaga. At the very first second, nagpropose ka sa kanya. And now, youre making youre wedding a secret... to your own bride! Damn! You’re really a sh*t!”
I chuckled. “Kita mo namang nagseselos siya sayo, but then di kita pwedeng pabayaan kasi you’re the best wedding coordinator... ever! And I just want the best for her.”
“Nah. I just wish you luck na sana after nitong ginawa mo, umattend pa sya sa kasal ninyo kahit na ang akala niya ay ako na ang bride mo. Tss.”
***
Jessie’s POV
“Uwaaa! Ate kasi!”
“Ano ba naman yan, Jessie, dalawang lingo na ang nakakalipas mula ng mahuli mo sila, di ka pa rin ba nakakamove on? Nakakahiya ka na sa kapitbahay. Baka ireport ka na nila sa barangay nyan...” sabay hagod ni ate Mylene sa likod ko.
“Ate.... *sniff plus punas ng tissue sa ilong* paano na yan... dapat kami ang ikakasal di ba? Dapat kami di ba???”
“Sana...” pause... “nga pala, Jess, may natanggap pala akong invitation.”
“Kanino? Patingin nga?” at may time pa talaga akong maki-tsismis sa kung ano mang invitation na iyon. “Uwaaa!”
“Oh, tahan na...”
Here how’s the invitation goes.
Dear Jessie,
You are cordially invited to Mr. Geoff Mandre’s wedding with a unknown lady who will be revealed at the church. Thank you!
-Geoff
Handwritten pa ang pangalan ko. Ang sama!
“Ate, tignan mo? Unknown daw! Uwaa! Si Angelie na iyan for sure!” *sniff sniff*
“May kasama pa yan oh,” mukhang di ako pinakinggan ni ate. Binubuklat nya yung kahon na kasama daw ng letter na yun, winagayway pa nya sa harap ko yung parang dress na kulay light blue na hanggang tuhod lang. “Ang ganda oh! Naman! Sosyal.”
“Tingin nga ako.” Maganda nga. Tinignan ko lahat ng detalye ng damit. “Wala na ba jan? May kulang dito oh,” parang may kulang talaga sa ibaba ng bestida. May connector kasi sa likuran nyun.
“Wala na.”
At tinipid pa talaga ako nila ng tela!
***
Jessie’s POV
1 week....
2 weeks....
3 weeks...
A month na ang nakakalipas pero di pa rin nagpaparamdam si Geoff. At syempre, ako din. Wala akong balak kausapin sya. Wala talaga!
Pero ngayon na ang araw SANA ng kasal namin. (T_T)
“Jess...”
“Ate...”
“Magbihis ka na! Ano ka ba!?”
Nakadamit pambahay pa rin kasi ako. Alas-otso na ng umaga eh alas-nuwebe ang umpisa ng kasal. Kasal nina Geoff at ni Angelie. “Ayoko. Di ako masokista.” Di ko na naman maiwasang umiyak.
“Oh come on , sister! Di ka naman ganyan ah.”
“Noon.”
“Sayo si Geoff okay??”
Sayo si Geoff...
Sayo si Geoff....
AKIN NGA SI GEOFF!
“Akin nga si Geoff!”
Sa apat na salitang iyon ay napursue akong magbihis agad.
Ginamit ko yung dress na binigay sa akin... syempre nag-make up rin ako para maganda ako kapag sinabi ko ang mga katagang “ITIGIL ANG KASAL!”
“Alas nuwebe na!” nataranta ako. Si ate kasi!
“Okay! Wala pang tricycle! Ano ba! Makisama ka naman, tadhana!” nag-‘grrrr’ pa ako sa langit.
At nang may dumating na tricycle, yun pang 50-50 ang takbo.
***
Geoff’s POV
“Geoff, wala pa siya!” pasulyap sulyap si Angelie sa labas ng simbahan ..hawak niya ang notes nya kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga bisita.
“Wait,” nagring ang phone ko. Si Mylene. “Yes?”
“She’s coming.”
“Really? Ok!”
Turned off my phone. Sabay harap sa mga ‘audience.’ “She’s coming!”
Naghanda na nag lahat. Alam na nila ang gagawin.
***
Jessie’s POV
“Nandito lahat tayo para------“
“Father! I---tigil-----mo yan!” malalim pang paghinga. Napagod talaga ako. Sa sobrang inis ko sa tricycle driver at sa bulok na tricycle nya na tinirik ako sa high way, tinakbo ko na lang hanggang sa simbahan. “Geoff!---akin----ka!”
Napatingin silang lahat sa akin. Pati na si Geoff---
Na walang partner sa harap ng altar??????
Is this some kind of a joke?!
“Hahaha. Funny, Miss-late-comer-bride...” nakangising lumapit sakin si Angelie, may kasamang tatlong babae na may hawak na tela....
At ni-connect sa damit ko...
“A-no to???” nalilito ako sa kanila. Tapos inalalayan ako ni Angelie patungo sa tabi ni Geoff.
“Any question?” nakataas kilay na tanong sakin ni Geoff habang pinipigilan ang pagngiti.
“Anong...??? Di ba...??? Si Angelie....?? Bakit...???” anong tanong ba dapat ang una kong sabihin...
“I planned the best wedding ever for you!”
“Ha??”
At nagsimulang pumalakpak ang mga tao...
Nahawi ang mga yun at nakita ko sina Peter, Natasha, Angelie, at si ate Mylene.
Gosh. Planado pala ang lahat!
“Guess, everythings fine now, Father...” si Geoff na di pa rin tinatanggal ang pagkakatitig sakin.
“Nandito tayo nga-----“
“Father, pwedeng lagpasan na lang yan?” Okay. Ako na nga ang atat. Natawa pa sila sa sinabi ko. Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari kung patatagalin ko pa.
“Aha. You may now kiss the bride.”
At nakangiting linapit ni Geoff ang mga labi nya sa akin.
And there I’ve tasted the best kiss ever...
And still tasting...
Cause Geoff... is mine.
+++
CHARACTERS and the author herself:
Author’s POV:
(Di po ako kagandahan lewls) Ahy meron ako nito! Hehe. First ever finished story! Ayiiieeeee! At on-going na po ang story nina Peter at Nutella! Thanks! Search nyo na lang ang “Peter’s Angel: Nutella Natasha’s Travel”
Hayan po! Thanks sa mga nagtiis sa walang pakundangang POV kong to :)
Give Me A reason To Live®
2012©
Graphics, photos, videos and any thing that I’ve used to make this story more interesting are not really mine. I’ve borrowed those at youtube, google and many more.
Any part of this story, particularly the story itself is PRIVATELY owned by me, @EijeiMeyou.
No part of it shall be edited, copied and plagiarize on any purpose.
All rights reserved 2012 EijeiMeyou