A Broken Hearted's Diary
[A Broken Hearted's Diary]
EijeiMeyou
GIRL'S POV (the names are private po, di pwedeng ilabas.)
Sept. 2, 2010
Did you ever tried loving a man secretly? It's just like hanging on a thin thread hoping not to fall onto the cliff youre on to, right? And only you and God knows how it hurts.
He told me not to care and i said "fine! Whatever!" Hindi ko naman inaasahang totootohanin nya yon e. akala ko lokohan lang. Kung kailan nahulog na ako ng tuluyan sa kanya, nun pa nya ko sasabihan ng ganun. Everytime na titigan ko sya, feeling ko ang tanga tanga ko. Kasi pinatulan ko yung pagkamababaw nya.
Isn't he aware that i'm falling for him everytime he denies me? Sh*t! Malamang hindi. Kung hindi lang siguro kahiya-hiyang tignan na ang babae ang manliligaw sa lalake, marahil ay ginawa ko na. Well, thats just a thought lang naman. I like him a lot and he hates me to the highest level. Will it work? The answer is NO. With a capitalized 'N' and 'O' as in NO.
Dapat nakalimutan ko na sya kasi dahil alam ko naman na kahit pangalan ko ay hiindi na nya maalala. Dapat deadma na sya sa kin kasi ganun na rin naman nya ko ituring eh.
Medyo nahihilo na rin ako, physically and emotionally. Miss ko na syang kausap.
C.A.
***
Sept. 4, 2010
I cant give up talaga. Kaninang umaga, nakita ko sya, ang saya saya nya habang kasama nya ung friends nya. Ang sakit. sana ako yong kasama nyang ganun. Tas nung tumingin sya sakin, biglang nawala ung ngiti nya taz lumayo na sya. Nang-iinis ba sya?
He's really a guy full of sh*t at ako naman si super bitch, super gaga at super tanga na patuloy na nagpaparamdam! Kainis.
Nakuha ko ung number nya. I called him pero nung sinagot na nya, di ako nagsalita. Ewan, parang nakakahiyang hindi.
P.S. Di ako nakasulat nung sept. 3, nagpacheck up kami. Medyo nahihilo na talaga kasi ko e.
C.A.
***
Sept. 9, 2010
Ahynako. Talagang may nalagpasan na akong mga araw kasi ilang araw na akong nahihilo. Di pa daw naman lumalabas ung result ng mga test na pinag gagagawa nung mga doctor sa kin sabi ni papa. Tsk.
Hayst.
Hayst. Kakapagod na nga, tapos medyo stressed pa ako dahil sa lalaking iyon. Kainis naman kasi talaga. Siguro makakalimutan ko rin siya pero siiguro, matagal pa. I can't move on pa eh lalo na't araw-araw ko pa naman syang nakikita. nalaman ko din na sinasabi nyang papansin daw ako sa kanya. Helow? Wala na nga akong ginagawa para mapansin nya noh.
Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat para baguhin yung akala nyang yun, di po ba? Puro kahihiyan lang ata ang dala nitong nararamdaman ko sa kanya ee.
C.A.
***
Sept. 10, 2010
Bakit ko ba nasabi sabing mawawala na sya sa akin eh hindi naman naging kami ni minsan...
I must say "bye bye dreams, hello reality." I'm done dreaming. I must really wake up from this nightmare kung ayaw kung mamatay na umaasa sa wala.
Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang mangyari yong hindi namin pagkakaintindihan pero bakit parang ang bilis naman nyang nakarecover? Ipagpipilitan ko pa ba ang sarili ko sa kanya gayong alam kong ayaw nya sa kin?
Hindi titigil sa pagikot ang aking mundo kung hindi nya ako kausapin. Hindi mawawala ang liwanag ng aking buhay kung hindi pa rin nya ako papansinin. At lalung lalo na hindi titigil sa pagtibok ang aking puso kung hindi rin nya ako mamahalin. Hindi rin naman sya ang dahilan kung bakit ako buhay ngayon ee. Hindi nya hawak ang hininga ko. Kaya kong mabuhay ng wala sya. Kaya kong kalimutan sya.
God, can you give me reasons to continue this?
C.A.
***
Sept. 11, 2010
I'm still breathing and i'm also dying at the same time. I'm trying to forget... It seems so easy but it is indeed so hard.
Nangako pa nga ako sa friend ko na kakayanin kong kalimutan sya... pero sabi nya... wag daw akong magsinungaling dahil baka daw kunin na ako ni Lord.
While writing this, di ko mapigilan umiyak, di ko nga alam kong bakit pero alam kong mukha akong tanga. Ni minsan kasi di pa ako minahal ng mga taong nagustuhan ko, pero sa kanya ako labis na nasaktan kasi ngayon ko lang napagtantong di ko na pala siya gusto, mahal ko na sya.
Malayo talagang magustuhan nya ako... I don't know why i'm still hoping... I really must figure out how to make this feeling end... how to let go of everything...how to move on and how to forget...
Akala ko, hinahawakan din nya ako para huwag ako lumayo... yun pala, ako na lang nakahawak sa kanya at iniintay akong bumitaw.
C.A.
***
Sept. 12, 2010
Month 1. Isang buwan na pala. Isang buwan na ang deadmahan namin at isang buwan na rin akong tatanga tanga sa kanya..
Lonely monthsary, mademoiselle.
C.A.
***
Sept. 15, 2010
Di ako nakasulat ng ilang araw. I passed out sa school then medyo hilo talaga ako. Bat kasi wala pa yong result?
Mga poems na binigay sa kin ng friend ko...
Can't you not hear me?
My heart is always shouting your name
but why is it you dont do the same?
Can't you not hear its voice?
But it;s getting louder to noise.
Should i show my actions?
For me to know your reactions?
Should I give up my destiny?
Or just continue my stupidity?
Eto pa:
Love is never a mistake
To love is fantastic
full of magic
It's really cool
but sometimes makes you fool.
It's a game of give and take
but sometimes force you to do some mistakes
It can make your feelings roll
but be careful, cause sometimes, in some ways, it can makes you fall.
Tapos last:
Still pretending
I am still pretending
at the same time i am still giving
Pretend to be right
cause i dont want to fight
The pain is already here
so it starts to fall my tear
I want to cry to show the real
and for you to know what i truly feel
But what else i can do?
if you love her too
I can only pretend
and make my feelings end.
Tama nga naman... time heals all wounds... but time could be forever..
Mahal... na mahal... na mahal ko sya... T_T
C.A.
***
Oct. 1,2010
3 days ako sa hospital kasi nawalan na namn ako ng malay. Pinagbawalan naman ako ni papa at kuya na magsulat taz magbasa... tinanong ko sila kung ano ang findings ng doctor pero pareho naman silang umiiwas na sagutin ko... ang weird nila... kung andito lang sana si mama. Kung sana di sya naging atat na pumunta sa heaven eh di sana may mapagsasabihan ako ng kunga nu ano. Ang hirap talagang maging prinsesa.
Pagpasok ko sa school kaninang umaga, para akong artista na tinanong tanong nila kung bakit daw ba ako absent. Syempre di ko alam kung anu isasagot ko. Pumayat daw ako. Nako nako. Tapos hinintay ko syang sya naman ang magtanong kung bakit ako naggabsent pero naghintay na naman pala ako sa wala.
C.A.
***
Oct 2, 2010
Ang sama na naman ng pakiramdam ko pero pumasok pa rin ako.
Ang haba na nga ng araw na wala ako e kaya miss na miss ko sya.
Tri-ny kong kausapin sya pero linayuan naman nya ko. Di rin man lang nya ko tinapunan ng tingin na labis na kinasama ng pakiramdam ko---emotionally.
Pinabayaan ko na lang sya kasi lalabas akong masama kung pipilitin ko pa sya.
***
Oct. 5, 2010
Nagtataka na talaga ako kung bakit madalas na mahilo ako. Kaya di na ko naniwala sa mga palusot nina papa at kuya na wala pa daw yung findings.
Sobra namang tagal nun. I sneaked out sa room ni papa habang nasa living room sila ni kuya.
Naghalughog ako sa cabinets nya... sa itaas at ilalim ng mga appliances nya... nang wala akong mahanap, umupo ako sa kama... anlambot nga ng kama eh nang bigla akong may nakapang umuusli sa ilalim ng unan ni papa. Ayun! long brown envelope na may nakasulat na pangalan ko sa likuran at pangalan ng hospi na pinagdalhan sa kin. Kinabahan agad ako. May nilabas akong kung ano... binasa ko yun tas bigla akong napaiyak... bakit ayaw sabihin ni papa sa kin yon? Kaya ba lagi silang umiiwas ni kuya? Di ba tamang malaman naman nya na kunti na lang ang natitirang panahon ko sa mundo?
Lalabas na sana ako at ipapakita ko yun kina papa nang biglang bumukas yong pinto at nakita ko si papa... nagulat sya sandali taz napalitan yun ng lungkot... umiiling syang lumapit sa kin...
"Pa, kailan nyu pa nalaman to" tanong ko na medyo humihikbi.
Sinagot nya ko na noong isang buwan pa daw... now I know... now I know na ilang buwan na lang ang natitira sa kin para gawin ang gusto kong gawin.
Brain tumor. Ano ba yun? di ko nga alam yun e. Bat ako nagkaganun? Bat meron ako nun? Ayoko nun!
Yumakap sa kin si papa at sinabing may lahi daw kami ng ganung sakit. Ang malas ko naman at ako pa ang nakakuha... ang malas malas ko sa lahat ng bagay... sabi ni papa stage 3 na daw, medicines daw.. pero alam ko, sa tono pa lang ni papa, wala nang pag-asa.
C.A.
***
Author's NOTE: I just don't know why I wrote this... maybe because of a dying wish of a friend ^_^
+++
[ABHD1]
Her Father's Diary
Feb. 6, 2009
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Her mother died because of brain tumor. Ang malaman na ang bunso kong anak ang makamamana, ang sakit, di ko gustong tanggapin pero yun yong katotohanan.
Akala ko normal na sakit lang. It broke my heart in an instant. Hindi ko kakayanin. She's too young. She's too young to have that kind of illness. Hindi niya kakayanin. Hindi.
***
March 28, 2009
Nawalan na naman sya ng malay. Kung alam lang niya. She's already 3rd year highschool, for God's sake. Kunti na lang... kunti na lang... di ko pa kaya..
Kung alam lang niya... kung anu ano ang mga dahilang pinagsasasabi ko sa kanya kung bakit ko sya pinaiinoom ng mga tabletas at kung anu anong gamot... kesyo vitamins daw. May vitamins ba na iinumin twice a day?
Kailangan nya ng chemo. I've tried pero di nya kakayanin. Stage 2 na sya. Magagamot pa pero i can see in my daughters eyes that she's happy with her life... paano ko sasabihin sa kanya?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
June 27, 2009
Pasukan na naman... Lalo akong nag-aalala habang tumatagal. Hindi ko na alam. Sisisihin nya ako... kung bakit di ko sya pinagamot. Darating ang panahong iyon. Pero sana naman ay maintindihan nya ako. Masasaktan siya, mahihirapan... at di siguradong gagaling sya... ayoko nun. Hindi nya malalasap ang kasiyahan ng pagdadalaga nya.
Lagi ko syang dinadala sa ospital. Monthly check-up daw... Di naman sya nagtatanong... di lang nya alam na binabantayan din ang tumor nya kaya ko sya dinadala sa ospital..
***
Nov. 12, 2009
Lalong lumalala, ayon sa doktor nya... mahirap nang gamutin, ngayon ko lang napagtanto na sana ay noon pa'y umamin na ako..
Nagsisisi talaga ako... sasabihin ko na sana pero sinalubong naman nya ako ng napakasayang balita na nahanap na raw nya ang lalakeng makakasama nya habang buhay... nakisama ako sa kasiyahan niya. Pero sa kaibuturan ng aking puso, nasasaktan ako... hindi na kasi nya maabutan ang habang buhay na sinasabi nya...
***
Jan. 11,2010
Kulong pa rin ako sa kasinungalingang ako mismo ang nagsimula... natatakot na ako. Palala ng palala ang sintomas ng sakit nya. Maging ang anak kong lalake'y napapansin na rin. Wala akong nagawa kundi umamin sa kanya. Gumaan ang loob ko, bumigat ang sa kanya.
Malapit silang magkapatid sa isa't isa at alam kong masakit din sa kanya ang nalamang katotohanang ipinagkait ko sa kanila ng matagal na panahon.
Ilang araw din syang nawala. Hindi ko alam kung san sya nagpunta... nang magbalik ay umiiyak sya... pareho kami ng nararamdaman... ang sakit.
***
Aug. 12, 2010
umuwi syang umiiyak.., lumabas naman ang pagiging ama ko. Nagkwento sya. Sabi nya, mayroon daw hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ng taong gusto nyang makapiling habang buhay. Ang lalakeng pinapangarap nya. Sa oras na yun, parang pwede na akong pumatay.
Ayoko nang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Tama na.
***
Her Brother's Diary
Dec. 25,2009
Paskong-pasko pero nawalan na naman sya ng malay. Ano ba yan. Bat di pa sya gumagaling. Sabi ni papa, kunting lagnat lang daw... Bat ganun? Sa nakalipas na ilang buwan, lagi syang nawawalan ng malay kahit wala naman siyang sakit. Nakakaawa sya. Ambata-bata pa niya pero andami dami ng gamot na tinuturok sa kanya ng mga doktor.
Kung pwede lang sana na ako na lang... kung pwede lang sana.
***
Jan. 2, 2010
Masaya syang nagkukwento ng tungkol sa lalakeng mahal nya. Halos lahat yata alam niya. Kahit paulit ulit lang, pinapakinggan ko pa rin. Ang saya saya talaga niya. Parang hindi na matatapos ang kasiyahang nararamdaman nya. Gusto kong makilala ang lalaking sinasabi niya para pasalamatan sana.
***
Jan. 11, 2010
Dumating ang araw na pinakatatakutan ko. Napansin kong hinang hina sya. Di na naman sya nakapunta ng school. Buti na lang matalino sya kaya nakaka-cope up pa rin sya sa klase.
Tinanong ko si papa. lonely eyes sya while looking to my sister. Bad vibes. Negative feelings. Ayoko nun.
He invites me sa kitchen... mali talaga.
Then he said, "may tumor sa utak ang kapatid mo... stage 3"
Put@ng in@. Mali to. Bakit sya pa? Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit ngayon lang nya ipinaalam?!
Di ako nawalan ng pagasa. umalis ako. Kung anu-anong klaseng trabaho ang pinasukan ko. 24/7 akong nagtrabaho para makaipon... nagpunta ako sa doktor niya at tinanong kung magkano ang magagastos... sinabi naman nya... kulang na kulang ang naipon ko pero magagawan ko yun ng paraan para mabuhay lang ang kapatid ko. Okay lang. Pero ang lalong nakapagpahina sa kin... nung sabihin ng doktor na...
"Imposible na."
***
Jan. 30,2010
Umuwi na ko. Umiiyak. Ki-nonsole ako ni papa. I cried. Wala ng hiya-hiya. Panu na ang kapatid ko? Panu na ang kinabukasan nya?
Kinagabihan, pumasok sya sa kwarto ko na nakangiti. Damnit. Di ko na mahanap yung kasiyahang dati kong nadarama pag nakikita ko syang nakangiti. Nasasaktan ako.
Nagsimula syang magkwento habang nakahiga sa braso ko. Napakasaya talaga nya kahit sa maliit na bagay lang. Pagkatapos nyang magkwento, nag-hum ako ng request nyang kanta. Konti lang at nakatulog na sya. Dun ko na hinayaang dumaloya ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
***
Author's NOTE: Okay fine, di kasi ako magaling magsulat with emotions so I'm so sorry kung emotionless ang pagkakadeliver nitong chapter na ito. But still, I hope na you will support this 'til the end. God bless!
+++
[ABHD2]
C.A.'s POV
Oct. 27, 2010
Pinilit ko pa ring maging normal. Pinilit kong kinalimutan ang bangungot na nalaman ko. Iniisip ko na lang na isa lang yong panaginip... lalo na pag nakikita ko siya... Iba talaga siya, mga kasama nya barumbado, sya lang ata ang hindi. Kakaiba talaga.
Gusto ko na talagang lapitan sya... Gusto ko ng magsorry kahit alam kong di ko kasalanan..
Pero alam kong lalayuan nya ako... bakit nga ba linalayuan nya ako?
C.A.
***
Nov. 4, 2010
Akala ko, wala ng sasakit pa sa malaman mong may taning na ang buhay mo, meron pa pala, yun ay ang makita ang taong mahal mo na may kasamang iba.
Ang sakit. Sinabi pa niya mismo sa harapan ko na mahal daw nya yung babaing yun... di ko sya masisisi, ang ganda nya, ang haba ng buhok, itim ang mga mata... nasa kanya na lahat... okay lang... kakayanin ko... basta makita ko lang sya bago ako mawala na masaya..
C.A.
***
Nov. 5, 2010
Lumapit na sya sa kin. Yun nga lang, hindi para makipagkaibigan, kundi mang-inggit.
Katabi kasi nya yung nobya nya na sikat sa campus. Oo, bagay na bagay sila. Nakakapanggigil kasi tingin pa ng tingin sakin ung babae na parang sinasabing dapat ko lang silang kainggitan.
Di na ko nakatiis, pasimple na akong lumayo. Di naman ako masokista para patuloy na saktan ko ang aking sarili, di ba?
C.A.
***
Nov, 29,2010
Katatapos lang ng PE class namin, masakit talaga ang ulo ko kaya di ako masyadong nakapagparticipate. Papalabas na kami ng gym nang bigla akong matumba... tapos pagmulat ko, nasa bahay na ako...
Nagsisimula na ba?
Di ba masyadong maaga pa?
Di pa ako handa.
C.A.
***
Dec. 15,2010
Napag-usapan ang christmas prog.
I tried to smile para di makita ng mga classmates ko kung ganu sumasakit ang ulo ko... pasimple ko rin syang tinitignan ang pakikipagparticipate nya sa class.
Lagi syang nakangiti pag tinatanong sya kung kumusta na sila ng GF nya. Para bang ang saya nya sa piling nung babae.
Yon na dapat ung time na sulitin ko yung pagtingin sa kanya... baka di ko alam, malamang na huli na pala yon.
C.A.
***
Dec. 17,2010
Naglaro kami kasi christmas program namin. Ang saya ko kasi magka-partner kami sa newspaper dance.
Hindi sya naging KJ. Ang cool nya.
May times na binubuhat nya ko para di kami ma-out. Nanalo nga kami e. He even hugged me.
Tapos sabi nya, ang gaan ko raw. Flattered naman ako. Now, hindi na siya masyadong malayo sa kin.
C.A.
***
Dec. 17, 2010
Dalawa ang entries ko ngayon, isang masaya. Isang malungkot.
Pinakita na naman sa kin ni papa ung results... talaga na palang wala ng pag-asa. Ang sakit. Umiyak na naman sila sa harapan ko. Ako naman, hindi. Pinigilan ko lang, ngumiti ako sa kanila sabay sabing "kaya pa yan, pa, kuya. Ano ba? Buhay pa naman ako, diba? As long as malakas kayo, as long as masaya ang lalakeng mahal ko, mabubuhay pa rin ako," yon lang at tumakbo ako sa kwarto. Umiyak ako ng umiyak.
Pinapalakas ko lang sila para pag wala na ako, di sila manibago... ayokong saktan sila... pero paano ko gagawin yon? Nakasulat na ang kapalaran ko at di ko na maaring baguhin pa
C.A.
***
Dec. 27,2010
Christmas break.
Tinanong ako ni papa kung gusto ko na daw tumigil sa pag-aaral. Hindi ko ginusto, syempre. Panu ko pa makikita yong taong nagbibgay pag-asa sa kin sa pag-aaral kung ganun? Wala na syempre... binisita din ako ng kaibigan ko... sabi nya na nag-break na daw yung mahal ko at yong GFnya, may konting kirot kasi alam kong masakit yun pero mas nanaig ang saya kasi alam kong may pag-asa pa ko sa kanya.
C.A.
***
Dec. 31,2010
Nagbagong taon kami sa ospital. Panu ba naman kasi, nawalan na naman ako ng malay tao sa kasagsagan ng pagpapaputok namin ng fireworks.
Naaawa na ako kina papa at kuya. Pagod na pagod na siguro sila sa akin.
C.A.
***
Jan 03, 2011
Pasukan na naman. Medyo nagtaka nga ako nung linapitan niya ako at nakipagkwentuhan sa kin gaya ng dati. Parang nanloloko lang sya kasi kahit ang corny-corny eh tinatawanan nya. Parang nalimutan ko saglit yung problema ko. Parang ang gaan gaan ulit ng mundo sa kin.
C.A.
***
Author's NOTE: Pagpasensyahan ulit. -m- Hindi ko alam mararamdaman ko, shetness langsss XD
+++
[ABHD3]
C.A.'s POV
Jan. 21, 2011
Nakikita kong masaya sya sa pakikipagusap sakin. Lagi syang tumatabi sa kin pag may time. Masaya ako pag nakikita ko sya na ganun sa kin.
Pag-uwi ko sa bahay, niyakap ko si papa. sabi ko, gusto ko pang mabuhay. Na hindi ko kayang iwanan ang mga taong nagbibigay kasiyahan sa kin, na di ko kayang mawala na di nararanasan ang tunay na kahulugan ng salitang pagmamahal... ayoko pang mamatay... yinakap ko sya ng pagkahigpit higpit. Ang tinatago kong luha nun, ngayon ko na pinakita kasi di ko na talaga kaya...
Sinabi ko na rin na nagkaka-hair fall na ko... malapit na kasi.. malapit na...
Hiniling ko na sana maabot ko pa ang JS namin... sana maabot ko pa ang graduation...
***
Feb. 2, 2011
Di na ko pumasok sa school. Nasa hospital na lang kami. Mula nang sabihin ko kay papa na di ko pa kaya, nasa ospital na lang kami... walang araw na di ko makita sina papa na umiiyak pag nagkukunwari akong tulog... pag nakamulat ako, pinipilit nilang maging masaya...
Naaawa na talaga ako sa kanila.
C.A.
***
Feb. 5, 2011
Paggising ko, nagulat ako kasi hindi na si papa nakabantay sa kin... hindi na rin si kuya... kundi mga classmates ko. Alam kong namumugto mga mata ko pero pare-pareho lang naman pala kaming lahat. Stand out "siya" sa lahat. Namumugto din mata nya... lumabas kami pareho, nagpunta kami sa garden ng ospital.
Siya: "Bat di mo sinabi?"
Ako: "Na?"
Siya: "Na may sakit ka..."
Ako: "May magbabago ba?"
Siya: "Mahal kita. Alam mo ba?"
Ano daw? Ako rin, na-shock. napaiyak na lang ako after that then nag-pass out na naman ako... paggising ko, wala na sya. Iyak ako ng iyak keh kuya... Bat ngayon pa kasi? Ngayon kung kelan malapit na ako sumama kay mama? Bat hindi noon na may time pa ako?
C.A.
***
Feb 11, 2011
Kung anu ano na namang gamot. Kakasawa. Pero sya, hindi sya nagsasawang bisitahin ako araw araw... Panu ko sya itataboy? Masasaktan lang sya pagdating ng tinakdang panahon.. ako ang mahihirapan para sa kanya..
Nakangiti pa rin naman sya pero alam kong sa kabila nun ay ang hindi maipaliwanag na lungkot.
C.A.
***
Author's NOTE: Nakakasawa na ba ang 'a/n' ko? Hihihi Sarreh!
+++
[ABHD4]
Her Father's Diary
Feb. 9, 2011
Ang saya nilang dalawa ng lalakeng yon... kahit may sakit sya, di mo halata kasi lagi syang nakangiti pag nasisilayan ung lalakeng mahal nya. Ako nga rin nagulat dahil biglang bumisita ung mga classmates nya.. natutuwa ako sa anak ko pero may parte ring nalulungkot.
Bakit ngayon kung kelan bilang na ang araw nya, saka pa nagpakita ng motibo ung taong mahal nya... di kaya masyado ng huli?
***
Feb 13, 2011
Nagising sya mga 3 am. Nung una, walang reaksyon yung mukha nya then nang medyo tumagal na, may dumaloy ng luha sa pisngi nya sabay sabing 'papa,gusto ko pang mabuhay. Papa, gusto ko pang makagraduate. Papa, gusto kong sumali sa JS prom... papa, gusto ko ng mga yun.. please, papa... maaabutan ko pa naman yun, diba? Please papa, sabihin mung maaabutan ko pa un. Please, papa...'
Ang babaw lang ng mga hiling nya sa kin pero parang ang hirap pagbigyan... iyak siya ng iyak buong araw... lalo pa at di bumisita yung mahal nya...
***
Feb. 16, 2011
Binisita na naman sya nung lalake... napakasaya ng mukha nya pero nang umalis na yung lalake, sinabi nyang lumipat na daw kami ng ospital... tapos umiyak na naman sya... sinabi nya na wag na wag ko daw ipagsasabi kung saang ospital sya naroon... dapat raw na walang ibang makaalam.. . Ayaw daw nya na makita ng iba ang paghihirap nya... ayaw daw nya na makita pa ang taong mahal nya dahil nasasaktan lang sya..
Pero ako ang nasasaktan... tama ba ang naging desisyon ko noon? Yama ba na di ko sya pinagamot?
Ni minsan di ko narinig na sinisi nya ko... di sya nagalit sa kin na lalong nampaliit sa kin... anong klase akong ama?
***
Feb. 18, 2011
Lumipat na nga kami ng ospital... kunwari nasisiyahan sya... pero pag ako nagkukunwaring tulog, nkikita ko syang nakatingin lang sa kawalan na para bang may hinihintay... mukhang mali na naman ang desisyon ko... hindi sya masaya, alam ko...
***
Feb. 27, 2011
Lumabas na yung resulta ng huling test sa bagong ospital... wala na talagang pag-asa... apat hanggang anim na buwan na lang... she's losing her hair at pumapayat na rin sya... minsanan na lang din syang nakakatayo... di na kasi nya kaya...
Panu ko sasabihing ilang buwan na lang? Pero maaabutan pa nya ang graduation na gusto nya... pero panu sya makakapunta?
Napasandal na lang ako sa pader sa labas ng kwarto nya... di ko kayang pumasok... naririnig kong masaya silang nag-uusap ng kuya niya sa loob... tumatawa pa sya... masasaktan ko na naman siya... masasaktan ko na naman ang mga anak ko... di ko na napigilang umiyak... kung sana pwede lang na maipasa sa kanya yung sakit nya... kung pwede lang sana..
***
March 1,2011
Ilang gabi ako di nakatulog... oras na siguro para sabihin ko...
Hinawakan ko yong dalawang kamay nya... pinatitig ko sya sa mga mata ko... di pa man ako nagsasalita ay napaiyak na ako... nginitian pa nya ako at sinabing 'I love you, papa...' Ang kuya nya ay nakatayo lang sa likuran ko... alam na nya kung ano ang sasabihin ko sa kapatid nya...
Sabi ko, 'anak, titig lang sa mga mata ni papa ha? Alam mong mahal na mahal ka namin ni kuya, di ba? Mahal na mahal kita... lagi mong tatandaan yan... kahit na anong mangyari, mahal na mahal na mahal ka namin...'
Di ko na naituloy kasi napahagulgol na lang ako habang hawak ng mahigpit yong dalawang kamay niya... di ko kayang ideretso sa kanya... parang naintindihan naman nya kasi naramdaman ko na lang yong labi nya sa kamay ko kasabay nun ay pagpatak ng mga luha nya sa kamay ko...
Walang salitang namagitan sa ming tatlo... yinakap namin sya... baka yun na ang huling yakap namin sa kanya...
Nagsimba kami ng kuya nya na di maman namin ginagawa noon... nagdasal kami na sana magkaroon ng milagro.
Wag muna ngayon... di pa namin kayang mawala sya... ang bata bata pa nya... wag muna....
***
March 17, 2011
Habang tumatagal, lalo akong nahihirapan sa sitwasyon nya... nandiyang magigising sya kalagitnaan ng gabi dahil napapanaginipan daw nya ang mama nya... sana maipasa na lang sakin ung sakit nya... sana ganun lang kadali ang lahat...
***
March 24, 2011
Nakikita ko pa ring masaya sya kahit paiksi ng paiksi ang buhay niya...
Tuwing nakikita nyang nakangiti kami, sinasabi nyang 'ganyan na lang kayo araw-araw ha?' Di lang nya alam na kung di nya kami nakikita, ang hirap-hirap na pumasok sa isipan namin na ilang buwan na lang namin syang makikita...
***
March 29,20111
Nagyaya syang magbeach... di ko alam kung bakit pero paggising nya, nagyaya sya... sabi nya, graduation gift daw namin... tinanong ko yung doctor nya kung pwede, pumayag naman pero kailangan pa raw nyang tapusin ang gamot nya... mga isang buwan pa yon...
***
April 5, 2011
May pahabol uli yung doktor, lalo daw bumibilis ang paghina nya. Kulang na lang ay suntukin ko yong doktor sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Kung ang anim na buwan na palugit ay kulang pa, paano pa kaya pag lalong umikli na?
Kailangan kong sabihin yun sa anak ko... mas mabuti nang malaman nya ang totoo...
Gaya ng dati, di namin napigilang umiyak... tapos nung medyo mahimasmasan kami, sabi nya 'labas na tayo pa, wala na akong pag-asa di ba? Gusto kong magbeach. papa? Please?' nakuha pa nyang ngumiti sa gitna ng pag-iyak nya...
Gaya talaga sya ng mama nya, ngumingiti pa rin kahit nahihirapan na.
***
April 11, 2011
Lumabas na kami kahit ayaw ng doktor. Yon ang gusto nya kaya sinunod namin... agad kaming nagtungo sa isang beach resort na malayo sa kabihasnan. Gusto daw nya ng tahimik, yon payapa buong araw...
Kumakanta kanta pa sila ng kuya nya habang nasa byahe... nagkukulitan pa nga sila...
Kung ganun lang sana habangbuhay...
***
Her Brother's Diary
Feb. 28, 2011
Ganito pala ung feeling ni papa nung di nya masabi sa min ung kalagayan nya...
Parang di ko maipaliwanag sa clear na salita...
Talaga na palang imposible na... nung magpalipat sya ng hospital, alam kong gusto lang nyang maiwasan ung lalakeng mahal nya para di na sila masaktang pareho pag wala na sya... nginingitian ko na lang sya pag nagkukwento sya ng mga karanasan niya... mag-e-excuse ako na mag-si-cr saglit... at yong saglit na yon magiging isang oras...
Umiiyak ako sa loob ng CR... hindi ko naman maipakita sa kanya na nanghihina ako kasi alam kong kami na lang ni papa ang pinagkukunan nya ng lakas ng loob... minsan nasugatan ang kamay ko kasi sinuntok ko yong tiles na pader ng CR... di ko kasi mailabas ung sakit na nararamdaman ko...
Gusto lang naman nyang maranasang magmartsa sa graduation nya pero di namin kayang ibigay...
***
March 1, 2011
Inamin na ni papa... ayaw kong makinig pero umikilkil sa isipan ko nang sabihan nya kami ni papa ng 'I love you' yun ang nagpapaiyak sa kin... mahal na mahal nya kami at ganun din kami sa kanya pero wala naman kaming magawa para mabawasan ang paghihirap nya...
***
April 14, 2011
Nasa gilid lang kami ng beach mula 7 am hanggang 9 tapos papasok na naman kami sa loob at maglulunoy na naman ng mga 4 pm hanggang sa inaantok na... Ilang beses ko syang nahuling malalim ang hininga nya... yong para bang nahihirapan syang huminga pero di naman nya sinasabi sa min ni papa... marahil, ayaw lang nya kaming maa-alala sa kalagayan nya...
***
April 28, 2011
Sinabi nyang iwan ko na lang daw muna sa beach at kumuha ako ng makakain... ang tanga ko kaksi sinunod ko sya, pagbalik ko, wala na syang malay.
Pinasok namin sya sa bahay... di naman namin sya madala sa ospital kasi malayo sa sentro ang tinitirhan namin ngayon...
Nagising lang sya nung gabi na...
Agad syang ngumiti sa min at sinabing 'dito ko gustong mamatay.'
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
April 29, 2011
Di ako nakatulog dahil sa sinabi ng kapatid ko... tinabihan ko syang matulog kagabi... si papa naman, nasa sala lang at di nya matignan ng diretso yung kapatid ko...
Kwento sya ng kwento... sabi nya, nakita pa raw nya si mama kahapon bago sya nawalan ng malay... nilahad daw ni mama yung kamay nya tapos tinanggap naman daw nya... dun na sya nawalan ng malay...
Parang gusto kong sisihin si mama kung ganun... para kasing sya na rin ang susundo sa kapatid ko... wag muna... maaga pa... please mag-extend ka... di pa muna ngayon... parang awa mo na...
***
May 4, 2011
Naulit na naman ang nangyari... nawalan na naman sya ng malay pero ang kaibahan nga lang, andun kami ni papa...
'Mama' sya ng 'mama'... tinatawag nya si mama... sunod naman ang pangalan ng mahal nya... paulit ulit... tinawag din nya kami ni papa...
Iniwan ko sila ni papa sa loob ng kwarto kasi di ko na kaya ang mga nakikita't nariring ko... alam kong may nararamdaman syang masakit pero talagang ayaw nyang sabihin...
Eto na ba?
Eto na ba yong oras na dapat na kaming maghanda sa paglisan nya?
***
May 7,2011
Nagpunta ako sa simbahan... tiniis ko ang byahe kahit malayo..
Nagdasal ako..
Please, wag mo muna syang kunin... isang buwan pa please... bigyan mo lang kami ng oras na maghanda... parang awa mo na...
Mama, wag muna please... guide her please... wag mo muna syang sunduin please... bigyan nyo pa sya ng kunting oras please... pasasayahin muna namin sya... pangako.
Pag-uwi ko, mugto ang mata ko... at lalo pang namugto ng makita kong umubo ang kapatid ko at may lumabas sa bibig nya...
dugo.
***
May 24, 2011
Buong maghapon, nakahiga lang sya sa braso ko habang kinukwentuhan nya kami ni papa... di na yata sya nagsasawang magkwento... tumatawa pa sya ah... pero kami ni papa, simpleng ngiti lang, di pa namin maibigay sa kanya... panu ba naman kasi, ang kinukwento nya eh yung mga gusto nya bago sya mamatay, gusto daw nya nakaupo sya sa gilid ng dagat at pinapakinggan ang alon niyon... gusto din daw nya makita muna yong taong mahal niya bago sya umalis... gusto daw nya hawak kami ni papa na nanonood sa hampas ng dagat..
Grabe ang kapatid ko...
Parang di sya takot mamatay... kami ang natatakot para sa kanya..
***
May 30, 2011
Kinausap nya ako ng nakapikit ang mata nya. hindi nya binuksan mga mata nya pero may nakita akong luha sa mga mata nya.
"Kuya, gusto kong makita sya... kahit sa huling sandali lang please..."
Alam kong ang 'siya' na tinutukoy nya ay ang taong mahal nya... pagbibigyan ko siya... dapat lang .naman..
"Pero pangako mo, hihintayin mo kami ha?" suminghot ako para pigilan ang luhang gustong umalpas sa mga mata ko, "hihintayin mo ako ha? Ha? Tapos dapat nakangiti ka lang habang hinihintay mo sina kuya, ha?"
Sh*t. Di ko kaya... nilagay ko yung mukha ko sa kama nya... natahimik kami saglit..
Naramdaman ko na lang yong kamay nya na humahaplos sa buhok ko... tinignan ko sya, nakamulat na... umiiyak... parang nabasag ang puso ko pagkakita sa nakangiting mukha nya pero umiiyak...
"Oo naman,kuya... mahal na mahal kita e... kayo ni papa... kayo ng mahal ko... mahal... na mahal ... ko kayo..." ngumiti pa sya ulit.
Hinaplos ko naman yong pisngi nya at ginantihan yong ngiti nya... "mahal na mahal ka din namin... wag ka munang mawawala... please..."
***
Auhtor's NOTE: The next chapter will be the end. Thanks so much!
+++
[ABHD5]
Her Father's Diary
June 3, 2011
Umalis ang anak kong lalake para sunduin ung mahal ng kapatid nya...
Ang sweet nilang magkapatid... agad nag-empake yung kuya nya nang magrequest sya...
Talagang gagawin namin lahat mapasaya lang sya... kahit sa pinakamaliit na bagay lang.
***
June 5, 2011
Tumawag ang kuya nya sa kanya... sabi nya, baka sa makalawa pa sila maluwas kasi nag-excuse pa daw sa school ung sinusundo nya... nag-usap silang magkapatid... tapos na-gusap silang dalawa nung lalake... pagkatapos nun, umiyak na naman sya.
"Papa, sabi nya, mahal daw po nya ako. Umiiyak sya, papa... nakakaawa nga eh... tama po bang papuntahin ko pa sya dito? Mali, di ba, papa? Mali po di ba?"
***
June 6, 2011
"Pa, anu pang silbing makita ko sya kong mawawala na rin naman ako? Di kaya masasaktan lang sya, papa? Masasaktan lang kami di ba? Wala ng oras, di ba, papa? Panu yan? Ayoko na, papa..."
Paulit-ulit nyang sabi sakin habang nakaupo kami sa buhanginan habang nakasandal sya sa balikat ko.
***
June 8, 2011
Dumating na sila... agad na niyakap nung lalake yung anak ko... ang sakit tignan... sa kalagayan ng anak ko, di ako makapaniwalang may tatanggap pa sa kanya... naiiyak ako habang nakatingin sa kanila...
Kinagabihan, habang nakaupo kami sa gilid ng kama niya, sabi niya, "pwede na akong mamatay."
***
June 10, 2011
Masaya ang paglipas ng mga araw... masayang-masaya sya kahit di naman sya nakakasali sa paglulunoy namin sa tubig... natutuwa syang nakikita kaming masaya...
***
June 11, 2011
Hinatid na ng kuya nya ung lalake. Kami lang dalawa sa bahay. Tahimik lang sya buong maghapon... parang may hindi tama pero di ko na lang pinansin...
***
June 12, 2011
5 am
"Papa, dalhin mo ko sa labas please..."
Nagulat ako sa request nya pero dinala ko pa rin sya... tabi uli kaming naupo sa buhanginan at nakasandal lang sya sa balikat ko... lumiliwanag na... sunrise na kasi...
"Papa, pipikit ako ah..."
"Anak, wag ngayon ha?" naiiyak na ako pero pinatatag ko yong boses ko. "Hintayin natin si kuya ha?"
"Papa, kantahan mo ako."
Kinantahan ko naman sya nung gaya ng dati nyang pinapakanta sa kin... garalgal na yong boses ko...
"Papa, wag ka na umiyak... ngiti ka lang..." di ko magawa yong sinasabi nya... hinawakan nya kamay ko... "I love you, papa... love ko kayo ni kuya... love ko rin sya..."
"Ano ba yang pinagsasasabi mo ha? Di ba hihintayin natin ang kuya mo? Di ba, ha? Nangako ka pa nga eh..."
Hawak-hawak lang nya ang kamay ko... "pakisabi sa kanila, papa, mahal na mahl ko sila..."
Eto na ba yong araw na pinakakatakutan ko? Namin?
Bat ngayon? Wag...
"Anak, hintayin natin si kuya... mahal na mahal ka namin... wag mo muna kaming iiwan ha? Di pa namin kaya ngayon..."
Naramdaman ko yong mga butil ng luha na umaagos mula sa mga mata nya... bawat patak ng luha nya ay katumbas ng isang libong hapdi sa puso nya.
"Papa, mahal na mahal ko kayo... si kuya rin... tapos siya.. andito lang ako, papa... di ko kayo pababayaan... tandaan nyo yan ha... makakasama ko na si mama, di ba, papa?" iyak lang ako ng iyak... tinignan ko siya, nakapikit habang umiiyak.
"Anak, mulat mo muna mata mo.. sige na.. parating na si kuya... 'nak, please... wag muna ngayon... wag muna ngayon... kunting panahon pa..." tumingin ako sa itaas, "wag muna... wag muna..."
"I... l-love... you..."
Naramdaman ko na lang na lumuwag na yong pagkakahawak nya sa kamay ko...
***
Her Brother's Diary
June 12, 2011
Malakas ang tibok ng aking puso... maaga akong nagbyahe kasi parang may mangyayaring masama...
Tinatawagan ko sina papa pero di naman silla sumasagot...
5:30 am na ako nakarating sa beach house... kumatok ako pro walang sumasagot... nagtungo ako sa beach... andun sila..
Nakangiti pa akong naglalakad palapit... at unti unting nawala ang ngiting iyon nang makita kong ang higpit higpit ng yakap ni papa sa kanya...
Hindi maaari to...
Umiiyak si papa...
Umiyak na rin ako kahit di ko sigurado kung bakit...
"Pa..."
Lumingon sya sa kin at umiling iling...
Napaluhod ako... hinawakan ko yung kamay niya ng napakahigpit... dinala ko yun sa labi ko at hinalik halikan na parang maibabalik pa nun ang buhay ng kapatid ko...
"Di ba sabi mo, hawak mo kamay namin? Magkakasama tayo? Bakit di mo ko hinintay? Bakit nung wala ako? Bakit... hindi muna dapat ngayon..."
Patuloy lang pag-iyak namin habang yakap namin sya...
Bakit kung kelan nya naranasan uli maging masaya, noon pa sya kinuha? Bakit nung wala ako, nun sya umalis?
***
June 17, 2011
Sinunod namin lahat ng gusto nya... kulay ng damit, dapat puti... yong diary nya na kamakailan lang namin binuklat at nagpaiyak samin ng todo, nilagay namin sa loob ng kinahihimlayan nya habang yakap-yakap nya...
Nandun sa burol nya yung lalakeng mahal nya... iyak ng iyak... kagaya nila ng pamimighati... di man lang nya naranasang magmahal ng matagal... di man lang nya naranasang maging masaya... ang bata bata pa nya pero ang laki na ng problemang pinasan nya....
Kasama na nya si mama, gaya ng sabi nya bago sya mawala...
Gaya rin ng sabi nya, hindi sya mawawala sa tabi namin... patuloy na nag-aabang.... at nagmamahal..
***
Author's NOTE: It ends here now! May soft copy nga po pala to, alam kong imba ang pagsasabi ko pero--- Yaeh na! Hahaha XD! ^_^V